-Chapter 9-

41 4 4
                                    

Valerie's point of view

Nandito pa rin kami sa tambayan namin at handa na akong marinig ang lahat ng tungkol kay christian. "Si Christian Benavides ay isang dakilang badboy sa campus na ito." panimula ni ate angelyn "Noong unang kita ko sa kanya maamo yung mukha nya at palakaibigan sya masayahin at mabait. Pero hindi ko alam kung bakit sya nagbago ang laki talaga ng pinagbago nya. So ayun nga hanggang sa nagbuo ng gang sina christian,vince,joshua,joseph at bryan at ang pangalan ng gang nila ay HEINOX GANG na sa pagkakaalam ko silang lima lang ang nakakaalam ng ibig sabihin ng HEINOX. Minsan nag ririot ang grupo ni christian at ang iba pang mga grupo dito sa campus pero hindi sila pinapakialaman ng principal o mga teacher's dito yun talaga ang pinagtataka ko. Hanggang sa dumating nga yung bruhang vanessa sa buhay ni christian nagbago sya nagkaroon ng katahimikan sa campus na ito nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan si vince at christian dahil nga pareho nilang nagustuhan yung bruha na yun, pWe haha char. Pero katagalan nagkaayos naman sila dahil tanggap na ni vince yun. Halos araw araw nakikita kong iba iba mga kasama nilang babae yung apat lang ah hindi kasama si christian loyal na loyal sya sa bruhang vanessang yun eh. Hanggang sa sumikat na nga ang gang ni christian naging kilala na ito sa lahat ng unibersidad dito, kinatatakutan ito ng karamihan at yung iba naman ay namamangha. Mayayaman silang lima pero mas mayaman si christian dahil sa dami ng negosyo ng kaniyang magulang kilalang kilala rin ang apilyedo nyang BENAVIDES dahil dating sikat na artista ang mama at papa nya pero umalis sila sa pag aartista at pinili na lang ang pagnenegosyo hanggang sa nagtuloy tuloy na at umangat na sila." pagpuputol nya "Eh ate pano mo nalaman yung tungkol sa pamilya nya?" tanong ko, posible kayang may koneksyon sya kay christian? "Uhmm.. Nag try kasi akong mag search sa google about sa family nya pati na rin sa kanya kasi na curious ako eh sino ba namang hindi diba pero nagulat na lang ako na merong lumabas." natatawa nyang sabi, haha oo nga naman sino ba namang hindi ma cucurious kay Christian "Tapos te ano pa?" tanong ko na sya namang pagtunog ng bell, hays malas "Oops... bell na haha kelangan na nating mag hiwa hiwalay. Baka bukas ko matuloy yung kwento Val." sabi ni ate at tumayo na kami, science nga pala papasukan ko ngayong subject kaya mahihiwalay ako sa kanila magkasama sila sa susunod nilang subject eh hays ano bayan "Sige ate bukas na lang asahan ko yan ah. Bye na rin Cass kita na lang mamaya babush, mwah!" nagpaalam nako sa kanilang dalawa at tuluyan ng umalis.

Hanggang ngayon lutang pa rin yung isip ko. Mayghad baka di ako makapag focus nito mamaya wag naman sana. So totoo ngang maraming natatakot kay christian at totoo ngang mayaman sya kaya maraming humahanga sa kanyang mga babae dito. Ideal man nga sya para sa iba pero para saken ewan ko lang matapos kong malaman ang kalahati tungkol sa kanya at masakit dun sa part na mahal nya talaga si vanessa dahil nagbago sya para sa kanya pero eto namang si vanessa gumagawa ng ikasisira ng relasyon nila gusto ko sanang sabihin kay christian yung nakita ko kaso hindi nya ako paniniwalaan sino ba naman ako para paniwalaan nya diba? At higit sa lahat ayoko mangialam sa relasyon nila hahayaan ko na lang na siya mismo yung makaalam ng totoo wala namang sikretong hindi mabubunyag. Sa sobrang pag iisip ko dun sa kwento ni ate angelyn hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng science room yung iba nakatingin at pinagtatawanan ako, psh pahiya ako dun mga beri beri layt. Pumasok na ako at umupo malapit sa bintana buti wala pang teacher. Maya maya nagulat ako sa pumasok, si..... Vanessa. Ano ba naman yan magkaklase pa kami oh. Napatingin naman siya sa aken na may gulat sa mukha pero napalitan 'to ng isang nakakaasar na ngisi. Umupo siya sa upuan na nasa likuran ko na may nakaupo pero pinaalis siya ni vanessa at  pinalipat sa ibang upuan. Gumagawa talaga sya ng paraan maasar lang ako eh konti na lang papatulan ko na 'to.

I'm in love with a BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon