•Chapter 6•

189 9 2
                                    

Valerie's POV

Naglalakad na ako papunta sa room.Nawalan nako ng gana gumala nakita ko kasi sila christian tsk kabadtrip.Bakit ba ako nagkakaganito, nagseselos ako? Omaygad bakit naman eh hindi kona gusto yung mokong nayun eh duh.

Habang naglalakad ako,napadaan ako sa cr ng mga babae may shorcutan kasi dito papunta sa room kaya dito ako dumaan.May naririnig akong ungol ng babae sa loob...wtf! Grabe may nag aano sa loob! My virgin ears wtf.Hindi ko alam sa sarili ko pero nagtago ako sa gilid ng cr may nakaharang naman kaya safe hindi ako makikita.Pinakikinggan ko sila at medyo sumilip ako kung sino yung babae at lalaki sa loob at sobrang ikinalaki ito ng mata ko,sobrang bilis narin ng tibok ng puso ko.Si......vanessa may kalaguyong lalaki.Damn!Ang landi nya,kanina lang magkasama silang dalawa ah pero ngayon ibang lalaki na ang kasama nya damn you vanessa! At dito pa talaga sila sa school nagganyan mga walang hiya!Kailangan tong malaman ni christian na pinagtataksilan sya ng malanding babaeng to.Pero baka hindi sya maniwala saken dahil sa sobrang mahal nga nya si vanessa at baka sabihan nya pa akong nangingialam sa relasyon nila.Ano kayang gagawin ko,pano bato.

Dahan dahan akong umalis sa lugar na yun dahil hindi ko na kakayanin nasusuka ako.Nakarating nako sa room at nadatnan kong andun na si christian,kawawa naman sya wala syang kaalam alam sa ginagawa sa kanya ni vanessa.

Tinawag naman ako nila ate angelyn at dali dali akong lumapit sa kanila."Oh val, bakit parang pawis na pawis at hingal na hingal ka?" tanong ni ate angelyn "Saan ka galeng?" tanong naman ni joana "Ayos kalang ba?" tanong naman ni kylie,jusko isa isa lang mga pwends noh "Teka lang! Isa isa lang po ah,una kong sasagutin eh yung kay ate angelyn. May nalaman o nakita akong di kapani paniwala, pangalawa sa canteen syempre pati sa cr,pangatlo oo ayos lang." pagsasagot ko sa mga tanong nila,mukang naliwanagan naman sila at hindi na nagtanong pa. Ikukuwento koba sa kanila yung nakita ko? Hays mga kaibigan ko naman sila eh mukang makakapagkakatiwalaan naman sila at hindi nila ito ipagkakalat, sige na nga sasabihin kona.Lumapit ako ng konti sa kanila at ipinagdikit dikit yung ulo namin para walang makarinig "May ikukuwento ako sa inyo pero satin satin lang to ha,wag na wag nyong ipagsasabe sa iba. Maliwanag ba?" pagsisimula ko sa kanila,kung itatanong nyo kung nasan si cass ayun may sariling mundo may galit nga ata talaga saken to eh,hays kausapin ko nalang sya mamaya.

"Sige sige promise namin yan." sabay sabay nilang sabi, ayos na yung nagkakaintindihan "Eto na nga, kasi pabalik nako dito nun sa room gagala dapat ako eh kaso may nakita ako na diko na dapat tinignan." "Sino naman yun?" tanong ni kylie, nilapit ko yung bibig ko sa tenga nya at binulong na "Si vanessa at christian." "Ahh oh sige tuloy mona,excited ako haha." sabi ni kylie "Tapos ayun edi sa cr ng mga babae ako dumaan kasi diba may shorcutan doon papunta dito,tapos... may narinig akong ungol ng babae sa lo-." diko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla silang napasigaw buti nalang hindi masyado malakas,napatingin naman sa kanila yung mga kaklase namin pati naren si christian at bigla kaming nagkatitigan eto yung ayaw ko eh naku naman.Umiwas ako ng tingin at bumalik na yung tingin ko kela kylie "Ano ba ang ingay nyo naman eh!" mahina kong sabi sa kanila "Sorry na nakakagulat kasi yung sinabe mo,grabe naman yan dito pa sila inabutan ha.Sa school pa talaga sila gumawa ng kababuyan." sabi ni ate angelyn "Nakita moba kung sino yung babae at lalaki?" tanong ni joana,huminga muna ako ng malalim bago sabihin sa kanila kung sino yun "Si...vanessa pero diko kilala yung lalaki eh." napatakip sila ng bibig dahil sa gulat "Omg!Sabi na nga ba eh malandi talaga yang babaeng yan akalain mo yun sa cr pa talaga ha.Jusko." sabi ni kylie na napahawak pa sa ulo "Tapos ano pang nangyare?" tanong ni joana "Ayun nga, umalis nako dun kase baka makita pa nila ako mapapatay na talaga ako ni vanessa."sabi ko sa kanila.Magsasalita pa sana sila kaso dumating na yung teacher namen kaya nag si ayos na kami ng upo at nagsimula na magklase.

(uwian)

Malungkot akong naglalakad ngayon dahil naunang umalis sila ate angelyn,kylie,at joana kase may gagawin pa sila si cass naman ayun galit paren ata.

"Huy val!" "Ayy palaka!Ano ba naman yan hiro wag ka ngang manggugulat!" sabi ko sa kanya bigla bigla ba namang nanggugulat, tapos sya ayun tumawa lang ang mokong "Di nakakatuwa." pagtataray ko "Haha sorry na diko sinasadya , cute mo magulat eh." enebe ,alam ko naman yun haha charot "Eh kung sapakin kita?" "Wag masaket yan eh." "Tse!Bahala ka nga dyan nang aasar ka lang eh." binilisan ko ang lakad ko para di nya ko maabutan , makulit sya tas feeling close haha.Naabutan naman ako ni mokong dahil ang lalaki ng hakbang nya ang tangkad kase tsk "Bakit dimo kasama mga kaibigan mo?" "At bakit mo natanong?" sama naba ng ugali ko nun haha sarreh "Wala lang masama ba,sagutin mona." bigla syang naging seryoso ah bipolar ba sya "Nauna na silang umalis kase may gagawin pa sila,oh ayos kana po ba?" "Ayos naman talaga ako ah may sinabe ba akong di ako maayos ha miss sunget?" aba pilosopo at may pasunget pa di naman ako masunget sadyang wala lang ako sa mood noh "Di ako masunget!Bahala kana dyan kausapin mo sarili mo hinihintay nako ni kuya." "Samahan na kita,saan ba yan." aba aba. Sa pag aasaran namen biglang tumunog yung cellphone ko , kinuha ko naman agad ito para tignan.Nagtext si kuya...

From:Kuyang Hilaw
Hoy panget!Mag commute kana lang may pupuntahan pa ako ,dina kita hinintay tagal mo eh.Ikaw na bahala magdahilan kay mama kung bakit di moko kasabay.Ingat ka panget galingan mo magdahilan labyu!

Aish!Ano ba naman to pati ba naman si kuya iniwan nako!Napahawak naman ako sa noo ko at napansin yun ni hiro "Oh bakit sino nagtext?" "Si kuya,nauna ren umalis.Nakakainis naman eh!" pagdadabog ko "Sabay na tayo,san kaba nakatira?" hays sinadya ata ng tadhana na makasabay kotong mokong nato "Gentri village,ikaw ba?" "Naks haha dun din ako nakatira,tadhana nga naman." pagmamayabang nya,sus sadyang nagkataon lang na parehas kami ng village tsk "Tara na nga mag gagabi na oh tsaka baka nag aalala na si mama saken." "Sige po miss sunget." hays bat ba ang feeling close nya parang kilalang kilala na nya ako kung tratuhin nya ako eh haha.

Sa paghihintay namin ng masasakyan may matandang pulubi na lumapit samin,kawawa naman si lola "Iha,iho maaari bang makahingi ng pagkain kanina pa kase ako nagugutom eh." namiss ko tuloy bigla si lola na nasa probinsya,hindi na ako nagdalawang isip pa at kinuha ko yung sandwich ko sa bag na nakalimutan kong kainin kanina "Eto po lola pasensya napo yan lang po natira saken eh.Eto rin po tubig para dipo kayo mauhaw." pagbigay ko kay lola nung tubig na nasa plastic bottle "Eto rin po pala lola biscuit." bigay ren ni hiro kay lola,aba mabait si mokong "Salamat sa inyong dalawa ineng at iho malaking tulong nato ninyo sa akin.Iha boyfriend moba sya?" "Ahh haha eh hindi po lola kaklase ko lang po." nagulat naman ako sa tanong ni lola haha si hiro naman natawa lang.Maya maya ay may dumating ng bus at nagpaalam na kami kay lola at sumakay na.Hays namimiss kona si lola.

Ginising na ako ni hiro.Nakatulog pala ako sa balikat nya hutek kakahiya sa kanya haha baka isipin pa nya na may gusto ako sa kanya baka lang naman isipin haha. "Ano masarap ba matulog sa balikat ko?" "Masarap mo mukha mo,malay ko bang makakatulog ako." "Sus sinadya mo lang eh,sa gwapo kong to syempre gusto mong makatulog sa balikat ko." "Nang aasar kana naman napaka mo." sa pag aasaran namen muntik ko pang malagpasan bahay namen "Dito na bahay namen sige na bye na." "Teka lang,pwede ba kitang sunduin bukas?" "Si kuya kasabay ko tsaka baka pag initan ka nun." "Haha sige dina lang bye ms. sunget goodnight , mapanaginipan mo sana ako haha." pagpaalam nya sabay kindat "Tss baka bangungutin lang ako noh haha charot bye na goodnight den." at umalis na sya , binuksan kona yung gate at pumasok na sa loob.Masarap naman sya kasama kaso mapang asar tapos mahangin naren.

Pagkapasok ko sa loob naabutan kong nanonood si mama sa sala , agad ko namang kiniss sa cheeks si mama "Oh anak asan ang kuya mo?Bakit dimo kasabay?" "May project daw po silang gagawin magagabihan daw po sya ng uwi.Sige po mama magpapahinga napo ako kapagod eh dina ren po ako kakain busog papo ako." "Osige anak goodnight loveyou." umakyat nako at dumiretso sa kwarto ko agad naman akong humilata.Hays kapagod gusto ko ng matulog.Nag half bath nako at nagbihis ng pantulog.Pinatay kona ang ilaw at natulog na.

I'm in love with a BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon