KYLA POINT OF VIEW
"Alam mo bang di ka pwedeng huminga habang nakangiti?" Tanong ni Eijun
"Weh?"
"Totoo... Subukan mo."-Eijun
Since uto uto ako sinubukan kong ngumiti tsaka sinubukang huminga. Parang tanga lang. Nagagawa ko namang ngumiti habang humihinga. Hayss ba't ba ako nagpauto. Tan-gi-ey ang lola niyo deym
"Niloloko mo ako eh."-Ako
"Haha joke lang... Gusto lang kitang pangitiin."
Wow naman... Kikiligin na ba ako?
"Di kita mabasagbasag gago ka."
"Binuo mo kasi ang mundo ko ayeiii haha!"
"Ikaw ah... Ang harot mo."
"Kumusta nga pala si Kuya Shin?" tanong niya. Since matagal na kaming magkaibigan ay alam na rin niya ang tungkol sa malubhang sakit ni kuya Shin. Close din sila kaya naman sinasabayan niya ako sa pagbisita sa kanya.
Ngayong sunday ay nasa hospital kami para bisitahin si kuya Shin.
"Ganun parin tulad ng dati." sambit ko
Naglakad kami sa papuntang hagdanan para doon dumaan papuntang sixth floor.
May trauma kase ako sa elevator dahil sa tuwing sasakay ako sa elevator ay may masamang nangyayari.
Sadyang kinamumunhian ko ang mga elevator dahil napakarami nitong dalang masakit na alaala sa akin kaya naman kahit na may elevator sa hospital na ito ay sa hagdan nalang ako dumadaan. Alam na rin ni Eijun ang tungkol doon kaya kapag kasama niya ako ay sa hagdan kami langing naglalakad.
Sa di inaasahan ay isinarado nila ang pinto papunta sa hagdanan dahil inaayos daw nila ito.
Sa mga oras na ito ay wala na akong ibang option dahil kailangan kong bisitahin si kuya sa mga oras na ito.
*Lakad lakad lakad
Nagtungo kami sa may elevator. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay naramdaman kong parang may masamang magyayari sa amin bago pa kami pumasok.
Sumakay kami sa elevator papuntang sixth floor. Habang nagsisimulang sumarado ang pinto ng elevator ay parang kinikilabutan ako.
*Bam!!
*Bogshhh
"Arggh!"
Habang pataas yung elevator ay biglang may kumalabog sa taas at huminto ito pero hindi bumukas yung pinto. Pagkalipas ng manga sampung segundo ay nagsimulang nagpatay sindi ang ilaw.
"Luhh anong nangyayari?" Tanong ko.
Ewan ko pero bigla akong kinilabutan. Parang ganito ang nangyayari sa mga horror movies. Nakakahilo ang ilaw na patuloy parin sa pag patay sindi nito
Nagsimula na akong magpanic pero nang hawakan ni Eijun ang kamay ko ay bigla akong kumalma. Ang lamig ng kamay niya.
"Na stuck ata tayo." sambit niya
Sinusubukan naming buksan ang pinto sa pagpress ng open button pero ayaw bumukas nito.
Kinuha niya ang kanyang cell phone para tumawag sa mga tao sa labas pero na low batt ito. Wala naman akong cellphone kaya wala akong magawa. Pambihira...
Wala naman akong dapat ipag alala kung low batt and cellphone niya dahil may call button sa loob ng elevator at kailangan lang naming pindutin ito. Lahat ng elevator ay meroong call button, at may rason kung bakit sila naglalagay non - para sa mga sitwasyong yulad nito. Some elevators have an emergency telephone to be used for the same purpose. The call will signal building maintenance that there's a problem with our elevator, and set the wheels in motion for our ultimate exodus.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You
RomanceThis story will make you want to fall in love! Date Published: 02/25/2020 #Taglish #Romance #Drama