Kyla's Point of View
Sana all malusog
Umaga palang nagvi-video call na naman kami ni Gian. Nasa corridor nga pala ako ngayon samantalang si Shaulon na tutulog parin hanggang ngayon
Gian: Good morning. Gusto ko lang sabihin na... hajwkkw jnebs gsgye jsjskksne jjjihiji
Ako: Ano?
Gian: Di mo maintindihan no? Ako rin eh di ko rin maintindihan kung ano ba talaga tayo
Sinisimulan nanaman niya ang araw sa mga cheesy niyang linyahan
Ako: Ang lakas ng trip ang aga aga palang haha
Gian: Alam mo bang di ka pwedeng huminga habang nakangiti?
Ako: weh?
Gian: Totoo... Subukan mo
Since uto uto ako sinubukan kong ngumiti tsaka sinubukang huminga. Parang tanga lang. Nagagawa ko namang ngumiti habang humihinga
Ako: Niloloko mo ako eh
Gian: haha joke lang... Gusto lang kitang pangitiin
Ayeiii wow naman.
Ako: Di kita mabasagbasag gago ka
Gian: Binuo mo kasi ang mundo ko ayeiii
Ako: ikaw ah... Ang harot mo men
Gian: may ginagawa ka?
Ako: Wala bakit?
Gian: Tara pakasal na tayo
Ako: Ayeii yan ka na naman eh.
Masabayan nga ang trip neto. Babanat din tayo girl. Harutan sa umaga. Tropa tropang landian
Ako: Alam mo ba ang pinag kaiba ng data at ikaw?
Gian: Oo alam ko. Yung data 4G, ako 4U ayeii
Ako: Hindi... Hindi yun. Yung data mahina, ikaw mabilis magpaasa
Gian: Uy di naman haha... Nasa Baguio ka parin hanggang ngayon?
Ako: Oo. Nang dito nagbabakasyon para makalimot
Gian: Satingin ko, mas magandang yatang magbakasyon sa Cebu... Cebu-hay mo haha
Ako: Iba ren hahaha
Ayy ang landi neto nahahawaan tuloy ako hayst.
Ako:
Ayyy enebe.Nakita ko siyang may hawak hawak na laundry basket na punong puno ng labahin.
Ako: Ano yan? Maglalaba ka?
Gian: Oo eh. Kailangan kong maglaba nang maaga dahil papasok pa ako mamaya.
Ako: Ayy ang sipag... Naglalaba ka pala. Hindi ka nagpapalaba?
Gian: Ba't pa ako magpapalaba kung kaya ko namang gawin diba? At kung minsan sinasama ko narin ang damit ng mga kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You
RomanceThis story will make you want to fall in love! Date Published: 02/25/2020 #Taglish #Romance #Drama