Chapter 12.3: Right Choice (Suicide)

1.5K 31 6
                                    

Kyla's Point of View

*ting*

Nabalin ang atensyon ko sa aking cellphone nang magring yung messenger

*Melany sent you a message*

Melany: Beh gusto ko nang mamatay nagbreak kami ni Gino! Try ko kayang maglaslas ulit? Anong gagawin ko beh?

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Grabe to... Ang panget tignan na yung babae yung iiyak, maghahabol at magpapakamatay para sa lalake. Ba't ba siya nagkakaganito? Ganito nalang siya lagi pag nagkakaproblema sila ng bf niya. Pansin ko ring nagpalit siya ng profile pic. Pinalitan niya yung picture nila ni Gino ng pure black. Parang namatayan lang... Tsk

Siyem magrereply tayo agad para hindi naman siya ma-T.O.

Ako: Wag beh. Wag kang magpapakamatay mababawasan nanaman ang magaganda sa mundo. Lilima nanga lang tayong natitira magpapakamatay ka pa? Wag na beh. Stay strong.

Siyempre subukan nating bolahin siya para naman

Melany: Alam ko beh na lilima nalang tayong natitira na magaganda pero hindi ko natalaga kaya beh. Kung minsan ay late na siya magreply at kung minsang mag reply siya paikli na ng paikli eh

Paikli ng paikli na daw ang chat... Sus sinyales na paikli narin ng paikli ang relasyon nila. Ganyan na ganyan din kami noon ni Josh, yung ikalawa kong ex

Ako: Baka naman busy lang

Melany: Siguro nga pero kagabi nanonood siya ng porn dahilan para mag away kami at sinaktan niya ako beh ng pisikal

Aba tarantado pala ang ang jowa nito eh.

Ako: Kung ganyan nalang din ang ginagawa niya sayo ay layuan mo na muna bes. Hihintayin mo pabang mas malala pa ang gawing pananakit niyan sayo?

Melany: Hahaha joke lang beh... It's a PRANKKK! lab yu <3

Sibi ko na eh. Alam na this... Na ngangamoy syet bubwit talaga ito

Ako: Pota naman friend...

"Sino yang ka chat mo?" Tanong ni Shaulon. Nabasa pala niya ang mga chat namin tss

"It's just a friend of mine. Nade-depress"

"Ah ah..."

Binalot kaming tatlo ng katahimikan pero Binasag ko ito

"Guys naranasan niyo nabang ma depress?"Tanong ko

"Lahat naman tayo dumadaan diyan. Ikaw na subukan mo nabang ma depress?" Tanong ni Gian

"Oo naman. Dutamating nga yung araw hindi ako makagalaw, hindi makakaain, at hindi makapagsalita. At kailangan pa akong subuan ng mga pamilya ko para lang makakain at may mga oras pa na nahahawi ko yung mga isinusubo nilang pagkain sa akin. Hindi rin ako makapagsalita. Yun bang may gusto kang sabihin sa kanila pero di mo magawang ma-voice-out? Ang hirap dahil para akong palyado na hindi makagalaw. Hindi ko magawang makatayo mula sa kama at kailangan pa nila akong buhatin. Bago ako matulog ay ummiyak ako at paggising ko ay iiyak nanaman. Yun yung time na sinabi ko sa sarili kong, kuya sana wag ka na munang mawawala. Kase sa buong buhay ko ay si kuya ang lagi kong pinag sasandalan. Sobrang hirap ng ganong sitwas yon. At iyon lang naman yung time na pffftshhh hahahaha yun yung time na baby palang ako mah prends hahaha."

"Putang!na hahaha... Akala ko kung ano nang nagyari sayo baby shark. Joke lang pala yun." Badtrip na komento ni Gian.

"Hahaha ang epic ng mga mukha niyo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon