Chapter 4: Baguio

1.4K 35 1
                                    

KYLA'S POV

Nasa night market kame ni Shaulon ngayon na mimili ng sapatos.

"Shaulon, Maganda ba itong shoes na ito para saken?" tanong ko sa kanya

"Oo maganda... pero mas maganda if you shoes me?"

Ayy shoes him daw. Hampasin ko kaya to ng sapatos... charr. Sayang baka mabawasan ang kagwapuhan niya.

"Eh ito bagay sakin?" Tanong ko ulet habang hawak hawak yung doll shoes na black

"Oo bagay rin pero mas bagay tayo." Banat ulet nito. Kikiligin naba ako? Hayss...

"Para kang tanga hahaha. Batuhin kita ng sapatos diyan eh."

"Hindi mo pa nga ako binabato tinamaan na ako sayo yeiiiu."

Ahaystt pinagsasabi neto

"Bat kaya yung mga lalaki sweet sa una tas pag huli na pababayaan kana?" Tanong ko.

"Hindi naman. Ako... di kita pababayaan, pangako yan."

Yan ang mga pemus line ng mga lalakeng di naman totoo

"Asus. Di lahat ng nagsasabi niyan na nanatili." sagot ko

"Talaga ba? Haha pano mo nasabi? Advance mag-isip?" Naka ngising tanong neto

"Wala. Ganon naman talaga kayong mga lalake."

"Yung iba lang. Di lahat."

"Talaga lang ah. Saang shop tayo next na pupunta?" tanong ko

"Gusto mo ba dito SHOPiling ko?"

"Mananatili ka ba SHOPang habang huhay pag sinabi kong Oo?"

"Of course."

Pagkatapos namin mamili ay kumain muna kami somewhere. Tas dumeretso na kami sa hotel. Oo na sa hotel talaga pero pumunta lang kami dito para mag pahinga hindi para gumawa ng milagro.

"Naaalala ko tuloy yung ex ko." Sambit ko

"Bakit? Na mimiss mo siya?" tanong niya

"Hindi... Kase noong kami pa, dumating yung araw na nanlamig siya. Yun bang late na siya mag reply tas kung mag reply pa siya ay yung parang tinatamad. Yung mga reply niya puro k, ganon. Kase nakakapanibago dahil noon masipag talaga siyang mag reply noon. Never niya akong nireplyan ng 'k'. Tas isang araw nag text siya sakin. Sabi niya 'Beh explain ko nalang sayo mamaya ang dahilan kung ba't di ako nakapag reply sayo kagabi' sabi niyang ganon tas ako naman sabi ko 'oh sige, maligo muna ako' textback ko tas di na siya nagreply non. Pagkatapos kong maligo tinanong ko siya kung ano yung sasabihin niya saken tas nagtextback siya. Sabi niya 'Magkasama kase kami ng ex ko sa hotel kagabi.' sabi niya."

"Eh gago pala yang ex mo eh." sambit ni Shaulon "So anong reaction mo pagkasabi niya non?" Tanong niya

"Syempre nabigla ako noon pero nanatili akong open minded kase alam mo na sa hotel pwede kang kumain, mag swimming ganon. Hindi ko inisep mag nag-explore sila doon kaya tinanong ko ulet siya 'Eh ano naman ngayon kung kasama mo yung ex mo sa hotel kagabi?' tanong ko sakanya kase ayaw ko pang tanggapin na may something silang ginawa."

"An sabe niya?"

"Sabi niya 'Alam mo naman na kung anong ginagawa ng lalake at babae pagnasa hotel sila' sabi niyang ganon. Syet men kaya sabi ko 'Ok sa kanya kana. Wala namang mawawala sakin eh.' Sabi ko tas yun. Kaya napepelo ako pag napapadaan o nakakakita ako noon ng mga hotel kase na aalala ko siya pero maka move on naman na ako. Katawan lang naman ang habol nun. Ayokong magpagamit. Pero noong nanliligaw pa siya, nilinaw ko talaga sa kanya na walang mangyayari samen pag naging kame at hindi ako tulad ng ex niyang nagpapagamit ng katawan. Sabi naman niya 'Alam kong iba ka.' ganun kaso di rin kame nagtagal."

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon