Nang magkita kami ni Shaulon ay sabay kaming pumunta sa bus station para umuwi na sa manila.
Sa palagitnaan ng biyahe ay huminto ang bus sa tapat ng restaurant para kumain. Bumaba kaming mga pasahero at ganun din sa driver para kumain muna.
"Kwento mo sakin kung anong nangyari sayo." Sambit ko
"Buong gabi kitang hinanap kaso di kita makita."
"Hinahabol ka nila dahil gusto ka nilang ipagamot. Ayaw mo bang gumaling?"
"Simple lang ang gusto ko sa ngayon, gusto ko lang magpakasaya sa natitirang araw ng buhay ko dahil kung sakali mang gagaling ako ay hindi rin ako mabubuhay sa paraang gusto ko kase sila rin lang ang masusunod. Simula bata palang ako ang bawat desisyon ko ay laging sila ang nagdidikta. At ngayon ay ipapakasal daw nila ako sa taong di ko naman gusto."
Fix marriage? Yun ba yun? Kaya pala. Susubukan ko sanang kumbinsehin siyang sumama sa kanila para magpagaling na siya kaso di ko na ginawa pagkatapos kong marinig ang rason niya. Bilang kaibigan, gusto ko talaga siyang gumaling.
"Tama ka. Kaya nga ako sa halip na pilitin ang sarili kong gawin ang mga bagay na dapat pero ayaw kong gawin ay ginagawa ko kung anong hindi dapat pero gusto kong gawin. Ang motto ko nga sa buhay ay, Live as if today is the end of your life, Enjoy as if there is no tomorrow. Kase it's not that We Only Live Once... Actually we die only once but We live everyday. Pero kapag hindi mo na fulfill ang araw na iyon, kung ang araw na iyon ay puno ng pag-alala, pagdurusa, at lungkot ay para kana ring patay sa mismong araw na yun. But still, Think if what you're doing now will bring you cliser to where you want to be tomorrow. Pwede ka parin naman tumanggi pero sana magpagaling ka. Curable naman yang sakit mo eh. Wala ka bang ibang pangarap sa buhay na nais tuparin?"
"Gusto kong maging artist. Pero sa tuwing nagdra-drawing lang ako ng mga magagandang pagmasdan ay kuntento na ako doon."
So may pala talent siya?
"Siguro dala mo diyan yung mga drawing mo?"
"Wala."
"Patingen?"
"Ayoko."
"Sige na... Ito naman gusto pang sinusuyo oh." Sambit ko sabay hablot sa string bag niya.
"Wala diyan." sambit niya sabay hablot pabalik ng string bag niya kaso nailayo ko ito.
Pagkabukas ko ng bag niya ay may nakita ako sa loob na makapal na libro. Agad ko itong kinuha tsaka ibinalik yung bag sa kanya.
"Wala pala huh?" sambit ko habang binubuklat yung libro. Ito siguro ang sketch book niya
"Walang kwenta ang mga drawings ko diyan. Wag mo nang tignan." Sambit nito pero di ko lang siya pinansin.
Sa unang pahina ay may nakaukit ditong Dome at sa ilalim ng dome ay nakapaloob dito yung sun, moon, clouds, at stars. Tas sa taas at labas ng dome ay katubigan. Sa taas naman ng katubigan ay may parang ilaw. Sa ibaba naman ng dome ay kapatagan. At sa dulo nito ay may ice wall.
Ba't kaya siya nagdrawing nito?
Sa mga sumunod na pahina ay nakaukit doon ang mga lugar na napuntahan namin sa baguio.
Edi wow sana all magaling magdrawing.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong pati pala ako na drawing niya. Simula ng nasa bus kami papunta sa baguio... Nakatulog pa ako habang na drawing niya, meroon din akong mga drawing ng nasa Burnham park kami, tas noong nasa hotel kami na may katawag ako, at noong nasa kwarto akong nakatulog?
BINABASA MO ANG
Let Me Love You
RomanceThis story will make you want to fall in love! Date Published: 02/25/2020 #Taglish #Romance #Drama