Kyla's Point Of View
Nakita rin niya ako. Nang magkasalubong kami ay tumigil din sila. Kala mo iiyakan kita. Yabang neto parang di ka nag effort noong makuha ako noon.
Ang mga babae ay di dapat sila ang umiiyak sa mga lalake, dapat ang mga lalake ang umimiyak sa mga babae... Tandaan niyo yan mga girls, tularan niyo ang lola niyo. Wag marupok
Kasama niya si Kim. Si Kim nga pala yung babaeng ipinagpalit niya sakin. Nakasuot siya ng pekpek shorts, alam niyo yung pang pokpok talaga? Mag yelo sana hita neto.
Pano ba naman ang lamiglamig dito sa baguio tas nag gaganyan siya? Hindi naman sa ano pero may sira pala itong ipinag palit niya sakin eh. Sana naman pag ipagpalit niyo ex-gf niyo yung matinotino naman sana ipalit niyo para hindi nakakahiya sa iniwan niyo.
Yung lipstick naman niya talagang pulang pula at naka make up pa. Sige girl gawin mong coloring book ang mukha mo, support kita diyan. Mukha siyang bakla sa kapal ng make up. Ako kasi di talaga ako nag li-lipstick at nag me-make-up, naiirita ako tsaka di ako komportableng kumain at uminom na may lipstick sa labi ko.
I dislike cosmetics because it was simply created to make an illusion of beauty. Wala paring makakatumbas sa natural beauty.
Naka jacket naman siya. Nakalugay ang buhok tsaka naka nailpolish ng black.
Ibinalin ko naman kay Josh ang attensyon ko. From head to foot desenteng dinan kahit papaano. Syempre may taste naman ako kahit paano no. Hindi yung kung sino sino nalang ang pinapatulan.
Sobrang awkward lang kase naman pfttshbhahaha pota suot niya yung regalo kong t-shirt noong first nonthsary namin. Potek... Whahaha kakahiya to
"Nang dito ka rin pala?" Naka ngising tanong ni Josh, Josh nga pala ang pangalan ng ex ko.
Tadjakan ko kaya ito
"Oo naman. Namamasyal kami ng boyfriend ko." Sambit ko sabay hawak sa kamay ni Shaulon. Buti nalang may kasama ako ngayon. nako kawawa naman ako pag siya lang tong may ka holding hands syet. "Shaulon si Josh nga pala." pagpapakilala ko
"oh tol... "
"Pre Josh nga pala at si Kimberly, girl friend ko. Magkakilala na kayo dati Kyla diba?" tanong ni Josh.
"Oo naman." Sagot ko. Kase naman nakasagutan ko na yang Kim nayan dati kase nagseselos siya noong kame pa noon ni Josh. Pero sa chat lang kami nag away.
Oo nakabangga ko siya. Pano ba naman, pinagmamayabang niya na lagi daw siyang sumasali sa pageant. Siya daw nag pinaka magandang naging girlfriend ni Josh. Kapal ng mukha. Sabi ko naman sa kanya "Eh ano naman ngayon kung sumasali ka sa mga pageant? Ang tanong nananalo ka ba?" sabi ko noon tas dagdag ko pa "Marami akong trophies, certificate of recognition at medals sa bahay. Gusto mo isampal ko lahat ng yun sa mukha mo?" Sabi noon sa kanya. Edi siya na ang pinakamagandang naging gf ni Josh, ako naman tong pinakamatalino. Baka mamaya sabihin niyong para akong SUNRISE.... Pasikat. Hindi naman sa nag mamayabang, eh totoo naman kase.
Pinagmamayabang ba naman ang pagsali niya sa mga pageants di naman nananalo. Buti nalang may bala ako at dapat ganun din kayo pagmakikipag away. Dapat di na uubusan ng bala.
Malditang to kala siguro niya di ko siya papatulan. Hindi siya makatitig saken ng deretso tsaka umiirap pa. Gusto atang matusok ang mata?
Di talaga siya na mamansin. Ayaw kong rin namang makipag plastikan
"Josh, ba't nga pala may piso sa tenga mo?" Tanong ko.
"Ito ba?" sambit niya sabay turo sa tenga niya. "Pampa swerte 'to." Sambit nito
BINABASA MO ANG
Let Me Love You
RomanceThis story will make you want to fall in love! Date Published: 02/25/2020 #Taglish #Romance #Drama