Chapter 2: Good Day

2K 28 6
                                    

KYLA'S POINT OF VIEW

*ting*

Nakuha ng attensyon ko yung cp ko pagkarinig kong mag ring yung messenger

*Gian message you*

Awtts ba't bigla akong napangiti? nababaliw na ata ang labi ko. Pinipigilan kong ngumiti pero wala talaga eh. Nakita lang na nag message siya, automatic na abot tenga ang ngiti syet ba't ganito?

Gian: hello

Ako: ...Love goodbye?

Gian: luhh... Hello love stay haha

Ako: Haha walang nag i-stay

Gian: ako, di ako nang iiwan

Di daw nang iiwan. Linyahan ng mga lalakeng bolero

Ako: Naniwala ako sayo

Gian: Seryoso... Ang totoo ako ang iniiwan

Ako: Bakit naka ilang ex kana ba?

Gian: dalawa lang

Edi wow may experience

Ako: Bakit anong nangyari?

Gian: Wala past is past haha

Ay ayaw pag-usapan. Di pa ata to naka move on eh.

Ako: Nasaan ka ngayon?

Gian: Nasa puso mo

Nakx naman

Gian: Ikaw nasaan ka?

Ako: Nasa loob ng damit ko

Pilosopo ang lola niyo...

Gian: hahaha nice... Kumusta ka na

Ako: ito busy as usual

Gian: Busy saan? Marami ka sigurong ka chat?

Ako: Wala...

Totoo yun mah prends.

Gian: Talaga ba? Baka mamaya sa iba kana kinikilig

Ako: Hindi ah. Ikaw lang talaga ka chat ko ngayon

Kung makapag ikaw lang kala mo jowa yung ka chat... Ang landi ih

Gian: Talaga?

Ako: Oo

Gian: Kumain kana ba?

Ako: Di pa eh, Ikaw kumain kana?

Gian: Hayst muntik ko na ngang makalimutan eh kase iniisip kita

Ayeiii naman mah prends. Hayst hindi ba to ma uubusan ng ka kornihan?

Gian: Hahaha kumain kana, wag kang magpapalipas ng gutom ha. Magagalit ako niyan

Ako: Ikaw rin, kumain kana

Gian: Ingat ka lagi ah, mamahalin pa kita

Hayst ang harott mo boi enebe

Ako: Mahalin mo muna sarili mo

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon