Hayy, ano bang gagawin ko? ano bang uunahin ko?
Sobrang hectic na ng sched ko wala na kong time sa ibang bagay since pinagsabay ko ang studies at ang training ko.
Sobrang stressed na ko, tama ba tong ginagawa ko? Di ko naman kayang bitawan ung studies ko, nagpromise ako kina mommy. Ayoko din namang sukuan pangarap kong maging professional performer.
Ang daming tumatakbo sa isip ko ngaung araw. Nagdadalawang isip na ko kung kaya ko pa ba talaga.
Wala ung prof ko sa current class ko kaya nagdecide ako na pumunta na lang sa room ng next class ko para makapagpahinga since for sure walang gumagamit ng room na un ngaun.
Nasa 4th floor ung room namin, may elevator naman pero mas pinili kong maghagdan para makapag isip isip.
Almost nasa 3rd floor na ko nang magchat ung isa kong co-trainee.
***Messenger***
Hotdog: oy ayos ah bat mo pinalitan nickname ko?
Hotdog: anyway..nakapag isip isip ka na ba?
Jah: di pa din ako nakakapagdecide eh
Hotdog: ang akin lang naman eh sayang naman ung nasimulan at pinaghirapan mo kung ngaun ka pa susuko.
Jah: un nga ang iniisip ko kaso di na ko sure kung may patutunguhan ba to parang wala kasing nangyayare eh
*****************
"STOOOP!" sigaw ng isang babae.
Syempre masunurin ako naka mannequin challenge tuloy ako ngaun.
Pero di ko alam kung bat ako sinigawan naglalakad lang naman ako.
Teka...rooftop ba to? Hala sya, nasa rooftop na pala ko lakad ako nang lakad. Baka bawal dito kaya ako nasigawan, nakakahiya.
"ummm...yu-yung kuting m-matatapakan mo" sabi nya.
Napatingin naman ako sa may paanan ko, muntik ko na matapakan yung pusa!
Sobrang nakokonsensya talaga ko, pano kung natapakan ko talaga, kawawa naman.
Sa reaction nung babae kanina, siguro kung natapakan ko yung kuting baka inihulog na ko nun sa hagdan.
Nakapagkwentuhan kami saglit habang naglalakad lakad sa rooftop para hanapin yung nanay nung kuting.
At akalain mo yun sa saglit naming pag uusap nakapagdecide na ko kung anong gagawin ko sa sitwasyon ko ngayon.
Ayon nga lang may bago nanaman akong problema. Anong gagawin ko ngayon dito sa kuting na basta nya na lang ipinasa sakin sabay alis? huhuhu.
Ni hindi ko natanong pangalan nya. Natatawa ko pag naaalala ko yung itsura nya kanina after nya ko sigawan haha. Namula bigla yung pisnge nya tapos nauutal...ang cute hehe
Hmmm...meow meow na lang muna itatawag ko sa kanya habang di ko pa alam hehe. Pero makikita ko kaya sya ulit?
***a few moments later***
"ayan kain ka na, saka ito karton para di ka mabilad pag maaraw" oo kinakausap ko yung pusa.
Iniwan ko sya saglit para manghingi nang karton sa cafeteria at bilhan sya ng pagkain.
Pano kaya napunta tong kuting na to dito? Buti na lang kumakain na.
"sige kain ka madame ha" sabi ko habang hinahaplos haplos ko yung kuting.
***after a few days***
Ilang araw na kong nagpapabalikbalik sa rooftop. Nagbabakasakaling makita ko ulit si meow meow. Ewan ko kung bat gusto ko ulit syang makita.
Hmmm...siguro kasi gumaan yung pakiramdam ko after ko syang makausap last time?
Saka pinapakain ko din yung kuting kaya lagi akong nagpupunta dito. Dinalhan ko din sya ng bahay bahayan na kahoy para mas matibay.
Project ko to nung highschool nakatambak lang naman sa bahay.
Mas na appreciate pa nung pusa kesa dun sa teacher ko na 81 lang binigay saking grade after kong mamartilyo kamay ko ng ilang beses.
"hindi ba pumupunta dito yung savior mo?" nasanay na kong kinakausap yung pusa tuwing pumupunta ko dito. Nakakabawas ng stress.
Ano kayang gagawin ko kung isang araw sumagot to? hahaha wag naman po.
"estudyante rin ba sya dito? parang wala kasi syang suot na ID"
"wala ka rin namang suot na ID nun ha" grabe yung gulat ko akala ko nagsalita yung pusa si meow meow lang pala.
"Meow meow!" napatayo ako bigla sa sobrang tuwa ko na nakita ko sya ulit finally, medyo nakakahiya haha.
"Ummm...meow?" napatakip na lang ako ng bibig, di ko namalayang nasabi ko pala yun out loud. Oh lupa kainin mo ko!
"ah...haha di ko kasi alam pangalan mo kaya meow meow na lang tinawag ko sayo" sabi ko habang nagkakamot ng ulo.
"Cat" sabi niya.
"Oo pusa" sagot ko naman pero natawa sya.
"Cat pangalan ko, Catarina Santos" nakakahiya na talaga ko ano bang ginagawa ko sa buhay ko?
"ah...haha Justin, Justin de Dios" sagot ko naman at inabot ang kamay ko para chumansing...joke...para makipag shake hands.
At ayon nagkwentuhan ulit kami about kung ano-ano. Psychology student pala sya, graduating, ako 3rd year Multimedia Arts student.
Masarap syang kakwentuhan, kita at ramdam mong nakikinig sya sa lahat ng sinsabi mo. Tapos yung way ng pag tingin nya parang nakatingin sya sa soul ko.
🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
BINABASA MO ANG
SB19 Justin - Mr Sunshine
Fiksi PenggemarMy defense mechanism has always been trying to escape pag may problema or gulo. When I'm hurt that's also the first thing that comes to my mind, tumakas...lumayo. I just want to be happy and feel complete. But what happens pag nakita ko yung taong m...