☀️52

801 31 6
                                    

☀️Justin's POV☀️

Tapos na magperform sina meow. Magpapakilala na sila.

"Burn it up...fire! Hi we are PHoenix" sabay sabay nilang bati.

🌜🐕🐈
Nakuha ko lang yung idea sa bagong song ng SB19 na Alab pakinggan nyo po super ganda.
🌜🐕🐈

"Hi, I'm the Leader of PHoenix my name is Mika"

"Hi everyone, I'm the Main Dancer of PHoenix my name is Sasa"

"Good evening everyone, I'm PHoenix's  Angelic Vocal my name is Tala"

"Magandang gabi po, ako si Aina ang Visual at pinakacute na bunso ng PHoenix"

"What's up everyone? I'm the most charismatic member of PHoenix...name is Cat" sabi ni meow sabay kindat.

Feeling ko nagskip ng beat yung puso ko dahil sa kindat nya. Ibang iba yung aura ni meow ngayon, nag uumapaw sa charisma.

"Marahil nagtataka po kayo kung bakit lima kami eh apat lang naman ang nasa teasers and ang nabalitang member ng grupo namin. Five po talaga kami, gusto lang po namin kayo i-surprise na may secret member kami. And yes po, sya po yung kapatid ni kuya Josh of SB19. Di na kailangan ng DNA test parehong nag uumapaw sa charisma. Kahit po sa ibang staff surprise po to secret trainee din po kasi sya hahaha" paliwanag ni Mika.

"About naman po sa name ng group namin, napili po namin yung PHoenix, and inemphasize namin ung PH for Philippines. Gusto po namin sundan ang yapak ng SB19 na makilala worldwide and gusto namin kahit saan kami magpunta dala namin ang pangalan ng Pilipinas. Then Phoenix is know as the symbol of rebirth and perpetual continuation. No matter how many times we stumble and fall we will rise from the ashes to overcome challenges and succeed" paliwanag ni meow.

May mga itinanong pa ang press sa kanila then sabay sabay kami nagcount down sa pagrelease ng MV nila.

Gustong gusto kong lapitan si meow pero di ako nagkaroon ng chance kasi umalis na agad sila. May mga interviews at guesting na agad silang pupuntahan.

Pinilit ko si Josh na sabihin sakin kung saan nakatira si meow kaso hindi daw talaga pwede baka daw magalit sa kanya.

Maghihintay na lang muna ko na makalipat kaming lahat sa bagong building, dun magkakaroon na ko ng chance makausap sya.

After ilang oras nagviral na yung MV ng PHoenix. Ang dami na agad nilang bagong fan. Sobrang daming fan boy, at ang dami ng fanboy ni meow.

May tumatawag pa sa kanya ng babe. Pssst! Hoy! Ako lang babe nyan!

Pero sobrang nakakaproud sila, lalo na si meow. Di pa rin ako makapaniwala.

***After a few days***

Lilipat na kami sa bagong building! Makikita ko na lagi si meow beybeh!!!

Bumili ako ng flowers para sa kanya, sana magustuhan nya.

Di ko pa nalalapag gamit ko sa training room namin dumeretso na ko sa training room ng baby ko.

Excited akong pumasok pero wala sya sa loob.

"Good morning kuya Justin" bati ng 4 members ng PHoenix.

"Asan si meow?" tanong ko.

"Po?" tanong nila.

Ay di nga pala nila alam na yun yung tawag ko kay meow kasi wala pa sila dito nung okay pa ang lahat.

"Ah...I mean si Cat, wala pa?" tanong ko ulit.

"Oh...my...god..." sabi ni Sasa.

"Bakit?" tanong ni Mika.

"So si ate Cat pala si meow...yung iniiyakan mo dun sa video" sabi ni Sasa.

Nagulat silang lahat.

Siniko sya ni Tala ng kaunti para sawayin.

"Ssshhh, secret lang yun ha" sabi ko sa kanila.

Tumango lang sila tapos nagtinginan habang nanlalaki mga mata.

Bumukas yung pinto.

Si meow!

"Hi babe!" masiglang bati ko.

Napatingin sya sangin then nagblush at tumingin sa ibang direksyon.

"Hi...Justin" bati nya.

Nilapag nya yung gamit nya sa couch.

"umm...para sayo" inabot ko yung flowers.

"salamat"

"grabe di ko akalaing gagawin mo to meow, never kong na-imagine na magiging idol ka...hindi sa sinasabi kong di ka magaling or wala kang potential pero ang dream mo kasi di ba maging paychologist and wala kang hilig dito?" tanong ko kay meow.

Inilapag nya yung flowers sa couch.

"Sumunod ka sakin" utos nya habang naglalakad palabas ng training room.

Dinala nya ko sa hagdanan. Bago na yung building pero sa hagdan pa rin kami nag uusap. Bat ba ang hilig namin mag usap sa hagdanan?

"ico-convince mo na naman ba kong bumalik sayo?" tanong nya.

"oo" sagot ko.

"Nagsisimula pa lang yung career namin, ayoko ng issue, damay mga kagrupo ko pag nagkataon"

"Dito lang naman sa building eh, mag iingat ako"

"aahh...itatago mo na naman ako? Tss...ayoko nang magtago. Tigilan mo na yan ngayon pa lang, please" sabi nya then tumalikod na at naglakad pabalik.

"Hindi mo ba ko na-miss?" tanong ko.

Napahinto sya saglit then iniwan na ko sa hagdanan.

Natigilan ka, isa lang ibig sabihin nyan meow...bwahahahaha wag ako, huli ka ngayon.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
Sorry ang tagal ng update naging busy lang sa pagfafangirl hehe

Share ko lang kinikilig pa din kasi akooooo.

Na-notice na naman ako ng JoshTin. Nung una sa twitter, nireplyan nila pareho yung isang tweet ko.
Then sa concert sa Cuneta, nginitian and tinanguan ako ni Josh kasi nakita nya name nya dun sa LED scroller ko sa phone. Natulala ako ako maygaaaad. Then nung magpeperform na sila nung kanta ng Ikon pinalitan ko nakasulat sa LED ko ginawa kong ABS kasi gusto kong makita ang pandesal ni Boss Babe Josh hahaha
Di nakita ni Josh pero napansin ni Justin. Sabi ng katabi ko sakin "uy tinuturo ka ni Justin!" tulala na naman ako kasi ang pogi ni Jah tapos natawa sya then si Ken ata katabi nya nun di ko matandaan kasi aligaga na ko hahaha pinatingin nya din sakin maygaaaad.
So ayon JoshTin pa din kase! hahaha
Happy New Year mga kapatid!
💙💙💙

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon