🌜37

806 30 7
                                    

🌜Cat's POV🌜

Sabi ni Ken kagabi bago ko matulog di daw muna ko pinapapasok ng mga boss. Mag off daw muna ko today.

Alam ko na inaalala nila na naaapektuhan ako sa nangyare sa interview kahapon.

Ang daming rose petals sa kama ko hanggang sa sahig.

Nagpractice ata si kuya Josh magflower girl chour.

Ano ba yan ang dami kong lilinisin, off ko nga ngayon eh.

Naririnig kong may nagluluto sa labas. Di siguro umalis si kuya ngayon para i-comfort ako.

Alam ko wala syang sched ngayon pero dapat makikipagkita sya sa mga dati nyang kagrupo.

Naligo na ko agad. Di na kasi ako nakapaglinis ng katawan kagabi dere-deretso tulog ko.

Nag ayos ako, nagpaganda, tapos sinuot ko yung regalong cute na white dress sakin ni kuya.

Gusto ko lang ipakita na okay ako para di sya mag alala.

Lumabas na ko. Dumeretso ako sa kusina.

Hanggang sa labas ang daming petals.

"Kuya bat ka naman nagkalat, ang dam..." naputol yung sinasabi ko.

Nakaupo si kuya sa tabi ng countertop, naglalaro ng mobile game.

Si Jah pala yung nagluluto.

Napatingin sakin si kuya at ngumiti.

"Morning! oy hindi ako ang nagkalat si Jah may gawa nyan" bati nya.

Napalingon si Jah. Nagpout sya. Hindi yung pa-cute, yung paiyak na pout parang sa baby. (Di ko talaga alam yung term para dito hahaha, ginoogle ko na, ang lumalabas welling up, pushed lower lip forward ano daw? quiver, pout, pout na lang balakayojan chour 😂)

Pinatay na nya yung kalan. Inalis yung oven gloves nya at yumakap sakin.

"sorry" sabi ni Jah.

"ok lang wawalisin ko na lang" sagot ko.

"ha? hindi wag mo walisin surprise ko nga yan eh. Sorry dun sa kahapon, hindi totoo yung mga sinabi ni Stacey"

"Alam ko naman yun eh"

"Saka yung...yung ano...hindi ko alam na gagawin nya yun...sorry"

"hayaan mo na yun, wala na tayong magagawa, nangyari na eh"

"hindi ko na hahayaang mangyari ulit yun promise, salamat naman at kalma..."

"dapat lang, kasi pag naulit pa yun, ingungudngod ko sa semento mga nguso nyo. Saka magtoothbrush ka nga ng 10 times. Yung damit na suot mo kahapon ayoko nang makita yun, sunugin mo pati lahat ng accesories na suot mo!"

"Ha? Balenciaga yung suot...tapos yung watch ko chopard...yung..."

"Okay" sabi ko then kumuha na ko ng walis.

"wait lang katkat baka naman pwede nating pag usapan pa to, kahit yung chopard lang, baka pwedeng hingin ko na lang kay Jah"

Nagsimula na kong magwalis.

"Sige babe susunugin ko promise, papakita ko pa sayo"

"Uy wait lang naman, akin na lang yung relo" pakiusap ni kuya.

Nagwalis ulit ako.

"Hoy Josh wag ka nang magulo"

Kinuha ni Jah yung walis saken.

"Anong hoy baka gusto mong di na makatungtong dito sa pamamahay ko"

"Sorry kuya, bigyan na lang kita ng ibang relo" sabi ni Jah.

"Yaaan, ganyan dapat"

"Ben 10 tapos tutunog ng ayiyayiyay pag pinindot" sabi ni Jah sabay hila sakin palayo para tumakas kay kuya.

"Wag mo kong makuya-kuya! Nanggigigil ako naku nanggigigil ako"

***After a while***

Nag almusal na kami. Ang sarap ng luto ni Jah.

Chour, sunny side up saka bacon lang naman niluto nya pero masarap naman talaga.

Tapos ang daming fruits. Dun sya bumawi, ang ganda ng plating kasi gumawa sya bunny, cat, swan at kung ano-ano pa gamit yung mga prutas.

Tapos binigyan nya ko ng bouquet ng peach na roses. Isa yun sa mga favorite kong bulaklak.

Pano ko namang magagawang magalit o magtampo ng matagal sa lalakeng to? Sobrang sweet na sobrang cute pa.

"Ano to Jah? Umagang umaga may pakandila ka pa" sabi ni kuya Josh.

"Para romantic" sagot ni Jah.

"Sa gabi yun ginagawa ano ka ba saka ang liwaliwanag dito oh" reklamo ni kuya.

Sinara ni Jah yung mga kurtina.

"Ayan ok na?" tanong nya.

"Ok na...kung brown out yung concept mo or spirit of the glass. Wala ka namang candelabra, pinatong mo lang sa table yung kandila kumalat na yung wax oh!"

Natawa na ko, ang cute nila. Para silang totoong magkuya hahaha.

"Kumain na tayo, buksan mo na Jah yung bintana. Patayin na natin tong kandila. Thank you, sobrang naappreciate ko talaga to" sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Buti naman tumatawa ka na" sabi ni Jah na nakangiti din.

Bumukas yung pinto.

"Good morning! Uy ano yan? Sakto di pa ko nagbibreakfast" sabi ni Ken.

"Pano ka nakapasok?" tanong ni kuya.

Kinuha nya yung isang strip ng bacon sa plato ni Jah at kinain.

"Syempre pumasok sa pinto"

"Nakalock yun"

"Nakita ko kahapon yung password pag pindot ni Cat"

Umupo sya sa tabi ni kuya Josh. Ikinuha ko na sya ng plato.

"Thanks" sabi nya.

"Bat ka andito?" tanong ulit ni kuya.

"Grabe naman di ba ko welcome dito? Parang kahapon todo pakiusap ka na samahan ko si Cat, tapos ngayon wala na lang ako? Wag ganun par...paabot ng Juice...thanks"

"Hindi naman, nakakagulat lang na bigla kang sumulpot"

"Nag aalala lang ako kay Cat, kung nakita nyo lang kasi sya kahapon"

"Salamat Ken" sabi ko sa kanya while giving him a warm smile.

Ang swerte ko kasi kahit wala akong Dad na mag magtatanggol at mag aalala sakin sa mga gantong sitwasyon, andito naman ang mga kuya at not so kuya ko na halinhinang nag aalaga sakin tuwing may pagkakataon.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon