🌜Cat's POV🌜
Nag arrange sina tito Arthur ng maliit na engagement party para samin ni Tof. Family saka close friends lang nilang dalawa ni mommy ang invited.
Wala nang nagawa si Tof sa gusto ng Dad yan. Sakin okay lang si Tof naman to eh.
Ang condition lang na hiningi nya is hindi muna dapat malaman ng iba lalo na sa Philippines yung about sa engagement since idol sya.
Patapos na yung program at formalities, nagtoast na kami.
Napatingin ako sa pintuan, may nakita akong familiar na mukha.
Si...si...Jah? Kasama nya sila kuya.
Bumilis yung tibok ng puso ko.
Nabitawan ko yung wine glass na hawak ko.
For a second parang gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin sya.
Then biglang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko dahil sa kanya.
I excused myself and nagpunta muna ko sa restroom para ikalma sarili ko.
I started crying. Pinigilan ko tong iyak na to for so many months then sa isang iglap, bumuhos lang din lahat.
Pero kailangan kong i-compose yung sarili ko. Hindi ako pwedeng magmukhang mahina at kawawa.
Galit ba ko kay Jah? Bakit hindi ako magagalit? Dinaya ako. Niloko ako. Nagmukha akong kawawa.
Yung love na binigay ko tinapon lang. Yung tiwala ko sinira lang. Yung mga pangarap kong kasama sya nawala lang sa isang iglap.
Inayos ko sarili ko. For sure makikita ko si Jah sa party, di naman sila basta aalis.
Lumabas na ko...
Nakaabang sa labas sina Jah. Ngumiti ng may lungkot sina kuya.
"Babe" tawag ni Jah sakin.
Napataas kilay ko, di ko napigilang mapangisi ng medyo sarcastic.
Babe daw, siraulo pala to eh.
"Kuya" ngumiti ako kay kuya Josh and niyakap sya.
Sobrang namiss ko sya and alam kong sobrang nag alala sya sakin.
Niyakap nya din ako and kiniss sa noo.
"Katkat naman, dapat di ka bigla biglang umaalis tapos di mo man lang ako kinontact" malumanay na reklamo ni kuya.
"Sorry na" malambing na paghingi ko ng tawad sa kanya.
Niyakap ko pa ang mga iba kong kuya, namiss ko talaga sila ng sobra.
"Tagal ka naming hinanap Cat, kung saan saan" sabi ni Stell.
"Parang mababaliw na nga yan si Jah kakahanap sayo" sabi naman ni Ken.
Matapos yung ginawa nya? Talagang baliw sya.
"Cat, hayaan mo sanang mag explain si Jah" pakiusap ni Sejun.
"Meow..." di ko sya pinatapos magsalita.
"Explain? Wala naman syang kailangang i-explain. Tapos na yun, ikakasal na ko, let's move on" sagot ko.
Nag iba yung expression ng mukha ni Jah. Kala mo sobrang na-hurt at nalungkot na parang saming dalawa ako yung masama. Ako yung walang awa? Ako yung nanakit?
Kailangan ko munang makalayo sa kanila, baka di ko na mapigilan sarili ko.
"Sorry, asikasuhin ko muna yung ibang bisita, enjoy the party, balikan ko kayo later ha" paalam ko sa kanila.
Gusto ko pa silang makakwentuhan kaso andito din si Jah kaya kahit ayaw ko kailangan kong umiwas.
Naglakad na ko palayo pero pinigilan ako ni Justin.
"Babe, please..." tawag ni Jah sakin na parang punong puno ng lungkot at pakikiusap.
For a second na naman, parang gusto ko syang yakapin. Parang gusto kong alisin yung lungkot sa boses at mga mata nya.
Pero hindi pwede Catarina, wag kang papaloko jan!
Naiirita ako na tinatawag nya pa rin akong babe.
San kaya kumukuha ng kapal ng mukha tong lalakeng to?
Di ko na napigilan luha ko.
Naiinis ako sa sarili ko na parang gusto ko pa ring i-comfort tong lalakeng to matapos ang lahat.
Humarap ako at sinampal sya sa sobrang inis.
"Wag mo kong mababe-babe at maplease-please, ang kapal naman ng mukha mo. Matapos mo kong ipahiya, lokohin at pagmukhaing tanga may lakas ka pa ng loob na tawagin akong babe? Tingin mo isang sorry mo lang mabubura na lahat ng sakit na ipinaramdam mo? Tingin mo isang sorry mo lang tatakbo na ko agad pabalik sayo? Kahit milyong sorry mo pa Justin hindi ako kayang buuhin nyan ulit. So PLEASE, wag ka na ulit magpapakita sakin Justin...please. Excuse me guys" sabi ko bago ko tuluyang umalis habang patuloy yung pagtulo ng mga luha kong pilit kong pinupunasan.
Nakita ko ding tumulo mga luha ni Jah bago ko tumalikod. Pero di na ko papauto sa mala anghel na mukha ng manlolokong yun.
Bat pa sya nagpunta dito? Dapat inasikaso nya na lang yung mag-ina nya baka awayin pa ko ng demonyitang nanay ng anak nya.
Gusto ko sanang iinvite sila kuya sa bahay, pero di ko alam kung pano ko gagawin yun ng di nila isasama si Justin.
Di naman na nya kailangang magpaliwanag. Itikom nya na lang yung bibig nya.
Wala namang silbi yung sorry nya. Di naman nun mababago yung mga nangyare.
Mas masakit lang pag nagsorry sya, lalo lang akong mukhang kawawa.
🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
Sorry ang tagal ko mag update. I feel too tired and too sad for no reason kaya di ko mapagana imagination ko lately. Anyway, sana okay lang yung update ko. I'll try my best na mag update ulit bukas 💙
BINABASA MO ANG
SB19 Justin - Mr Sunshine
FanficMy defense mechanism has always been trying to escape pag may problema or gulo. When I'm hurt that's also the first thing that comes to my mind, tumakas...lumayo. I just want to be happy and feel complete. But what happens pag nakita ko yung taong m...