🌜Cat's POV🌜
Excited na ko, ngayon na lang ako makakabalik sa paradise tapos kasama ko pa si Jah.
Namiss ko to sobra.
Sinuot ko yung same na damit na suot ko nung nakilala ko si Jah.
Sobrang happy ko talaga for them na natutupad na mga pangarap nila pero minsan naiisip ko din na masarap din bumalik sa dati.
Yung simple lang, yung di komplikado. Yung masaya lang kami. Kwentuhan sa rooftop.
Selfish ba ko para isipin yun?
Tumawag si Jah, malelate daw.
Nauna na ko sa rooftop. Pero naglibot libot din muna ko sa campus.
Alas sais na wala pa rin si Jah.
***6:20 pm***
Nagnotify ung phone ko. May FB live interview ang JustStay.
Kilig na kilig nanaman si Justin.
Dapat di ko na to pinapanood, nasasaktan lng ako.
Pero wala naman akong karapatang masaktan.
Last question na daw.
"So what's the real score between you and Justin?" tanong ng host habang naghihiyawan ang mga fans.
"ummm..." di sumasagot si Stacey, tumatawa lang, kilig na kilig.
Si Justin ayun ngiting ngiti, namumula.
Nagkakatinginan sila ni Stacey tapos lalong ngumingiti.
Anong ibig sabihin nun? Sila na talaga? Or may something special.
Pero one way or another dun din naman sila mapupunta.
Bagay na bagay sila.
Di ko namalayan umaagos na pala luha ko.
Iyak tawa ako mukha kasi akong tanga hahaha ang bitter.
"Justin nagbablush ka!" pang aasar ng host.
Sumagot na si Stacey.
"All I can say is that Justin and I share something very special and we just want to enjoy and cherish what we have right now" lalong naghiyawan ang mga fans.
Wala na. Durog na talaga si Catarina Santos. Napulbos na.
Di ko na malaman kung panong iyak gagawin ko.
Para kong tanga bat ba ko umiiyak? Kala mo nagbreak kami o niloko ako eh WALA NAMANG KAMI!
Pero bakit feeling ko nadaya ako?
Bakit feeling ko naagrabyado ako?
Bakit feeling ko sakin dapat yung mga tingin na yun ni Jah?
Ayoko nitong nararamdaman ko.
Masaya si Jah, dapat masaya ko para sa kanya. Kaibigan ko sya eh. Dapat happiness ko yung happiness nya.
Never syang naging akin so bakit ko sya pinagdadamot?
Pero ang sakit sakit kasi. Sinubukan ko namang pigilan eh.
I swear, I did my best para mawala to, but I failed.
And worse? Mas lalo lang akong nahulog sa kanya.
Now, I feel trapped.
Tinawagan ko si Kristof para magpasundo.
"Tof?" sabi ko, halos wala ng boses.
"Kitty? What's wrong? Are you crying? Asan ka?" sunod sunod na tanong nya.
"rooftop...blue...building...campus...Justin" sabi ko in between mga hikbi ko.
"ok, I'll come get you, stay there"
Gets na agad ni Tof kung anong nangyayare sakin.
Nakasiksik na lang ako sa pader, umiiyak habang yakap yakap tuhod ko.
Pano ba maaalis tong lintik na love love na to.
Ayoko neto! I just want to be okay again.
Narinig kong may umaakyat.
Maaasahan talaga tong si Tof, ang bilis sumaklolo.
Then narinig ko syang nagsalita.
Si Justin pala. Sana di na sya nagpunta. Ayoko muna syang makita.
Paulit ulit syang nagsosorry dahil late sya.
Akala nya yun yung iniiyakan ko?
Wala talaga syang idea.
Di ko alam kung maganda ba yun, na hindi nya alam. Pero ang sakit at the same time.
Like ako lang talaga mag isang nahihirapan dito while Jah is clueless.
Sinubukan nya kong yakapin but I pushed him away.
Pag hinayaan ko sya, baka lalo lang akong masaktan.
Buti na lang dumating na si Tof.
Hinatid nya ko pauwi na nagnganga-ngalngal.
Pinagtitingin kami ng mga tao sa daan. Pero wala syang pake, mas inuuna nyang pakalmahin ako at siguraduhing di ako madadapa or what not.
Days passed and sinubukan akong kausapin ni Jah pero mas pinili ko na lang umiwas.
Ayokong malaman nya. Mas maaawa lang ako sa sarili ko pag nagkataon.
Road trip lang kami ni Tof tuwing may pagkakataon.
Nililibang nya ko to cheer me up. Buti na lang anjan sya kundi baka sobrang miserable pa sa miserable yung state ko ngayon.
Nasa studio ako ng SB19 ngayon, tumutulong sa pag aayos ng decorations para sa FB live nila mamaya.
Maya maya dumating na sila.
Kinukulit nanaman ako ni Jah. Sumasagot ako pero tipid na tipid lang.
"katkat? pwede ba tayong mag usap? tanong ni kuya Josh.
"sige kuya, bakit po?"
Dinala ko ni kuya sa may hagdanan.
"what's wrong kat? tagal ko nang napapansin na parang ang lungkot lungkot mo and it seems to be getting worse everyday" tanong nya na punong puno ng pag aalala.
"wala kuya, stressed lang po"
Tiningnan nya ko sa mata.
"parang di stress yung nakikita ko kat. Alam kong malaki ka na and kayang kaya mong i-manage kung ano man yan pero wag mong solohin. Pag ready ka na, tell me, makikinig ako and I'll do my best na matulungan ka. Okay?"
"Opo, thanks kuya" sabi ko at nginitian sya. Sweet talaga ni kuya Josh.
"Cheer up! Ganda ganda ng kapatid ko eh manang mana sakin. Tara na" sabi nya sabay akbay sakin habang pabalik na kami sa studio.
🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
BINABASA MO ANG
SB19 Justin - Mr Sunshine
Fiksi PenggemarMy defense mechanism has always been trying to escape pag may problema or gulo. When I'm hurt that's also the first thing that comes to my mind, tumakas...lumayo. I just want to be happy and feel complete. But what happens pag nakita ko yung taong m...