☀️Justin's POV☀️
Pinasakay muna namin si meow meow ng taxi and siniguradong safe sya bago kami nagpunta ng airport pa-Iloilo.
Nag aalala pa rin ako sa kanya, ayoko sana syang iwan mag isa and kung pwede lang talaga namin syang isama binitbit ko na sya pa-Iloilo.
The whole time na nasa Iloilo kami di sya nawawala sa isip ko, di ko maiwasang mag worry.
Kumakain kaya sya? Baka umiiyak nanaman or natutulala.
Bat ba kasi di ko kinuha number nya?
2 days lang kami sa Iloilo, pagkabalik naman nagpunta agad ako sa rooftop namin ni meow.
Inangkin na namin yung rooftop haha.
Kaso di sya dumating.
Ilang araw akong nagpabalik balik wala talaga.
Hanggang sa dumating yung graduation day nya. Nagpunta kami ni Josh may dala pa kaming flowers.
Natawag na lahat, pero wala sya.
Nagtanong tanong kami pero walang nakakaalam kung nasaan sya.
Sobrang nag aalala na kami ni Josh.
Sinubukan naming kunin yung address or contact number man lang nya sa admin and kung saang saang office kaso bawal, confidential daw.
Kapatid nya si Josh kaso wala kaming proof kaya wala din.
Pinakiusapan na lang namin sila na at least sabihin samin kung okay lang ba si meow.
Na hindi sya nawawala and walang masamang nangyare kasi kung hindi dederetso na kami sa pulis para magreport.
Pero sabi nila wala naman daw ganung nangyare.
Pinili lang talaga nyang wag umattend and ipadala na lang and diploma nya.
***After a few months***
Finally nakapagdebut na kami as SB19.
May mga fans na din kami nakakatuwa.
May official merch na din and di namin akalain na madaming bibili, nakakataba ng puso.
Finally nagbubunga na yung ilang taong pagsusumikap namin.
Bumabalik balik pa rin ako sa rooftop as much as I can.
Umaasa akong makikita ko si meow everytime na aakyat ako.
Hayy...nasan na kaya sya?
***After a Year***
Nakagraduate na ko lahat lahat pero pumunta pa rin ako ng rooftop.
Hanggang ngayon umaasa pa din akong 1 day bigla ko na lang sayang makikita doon.
Para na kong baliw, ang tagal na rin pero umaasa pa din ako.
Ilang beses kong sinubukang hanapin social media accounts nya pero wala talaga kong makita.
Lately nahihirapan na kong magpunta sa rooftop.
Bigla kasi kaming nagviral at nagtrending. Dumadami na schedules namin.
Dumadami na din fans namin na gusto kaming makita.
Sobrang nakakaexcite yung mga nangyayare.
Sobrang daming opportunity ang dumadating.
Yung marerealize mo na sobrang worth it talaga yung pagod and effort mo.
Gusto ko sanang i-share kay meow tong mga moments na to, yung mga nararamdaman ko gaya ng dati.
Napapanood nya kaya kami kung nasaan man sya?
Si meow junior nga pala, yung pusa namin ni meow sa rooftop...inuwi ko na sya sa bahay pagka graduate ko.
Para sure na maaalagaan sya kahit busy ako.
Sya na lang meron akong alaala ni meow eh.
Nasan ka na ba Catarina Santos? Namimiss na kita.
Di ko namalayan bigla na lang tumulo luha ko.
Pinunasan ko na lang agad bago pa may makakita.
Nasa airport kami ngaun pabalik ng Philippines. Ilang linggo din kaming nandito sa Korea for different activities.
Photoshoots, recordings, meetings at kung ano ano pa.
Madami kaming prinepare para sa mga fans.
Nagsi uwi muna kami sa kanya kanyang bahay pagkabalik namin.
Bukas panibagong araw nanaman, more practice para mas maimprove pa namin skills namin.
***Kinabukasan***
Monday ngayon and wala naman kaming masyadong schedule.
May photoshoot lang kami mamayang hapon pero bago yun syempre practice kami pag may gantong free time.
After ng 20th run ng practice nagpahinga ulit kami, grabe na hingal namin, napahiga na kami sa pagod.
Napapikit ako, bigla ko nanamang naalala si meow.
Hayy...ano bang problema ko? Kaibigan ko lang naman sya...hmmm...parang kapatid.
Siguro ganto din nararamdaman ni Josh.
"Hoy Jah umiiyak ka ba? Nakaka 20 runs pa lang tayo boy iyak ka na?" sabi ni Ken.
Pinunasan ko mata ko, di ko nanaman namalayan.
"Pawis yan noh" sagot ko.
"Ah nagpapawis mata mo" sabi ni Stell sabay kindat.
Nakatitig lang sakin si Josh sabay buntong hininga.
Tumayo si Sejun tapos tinakpan ng towel yung mukha ko.
"Naiihi ako, cr muna ko" sabi ko.
Naisipan kong umakyat sa rooftop ng building namin.
Di man ito yung rooftop namin ni meow nadala ko naman sya dati dito.
Gusto ko lang magpahangin and i-relax utak ko.
Pag bukas ko ng pinto ng rooftop may nakatayong babae.
Nakatalikod, sobrang haba ng buhok abot na sa baywang.
Nakapalda syang denim na kulay black, red na hoodie, and dark blue na shoes.
Nakasuot sya ng red na headphones na may cat ears.
Lalo ko tuloy naisip si meow...hayy.
Tatalikod na sana ko at bababa, lalo lang kasi akong nalungkot nung nakita ko yung babae.
Kaso bigla nyang kinumpas yung kamay nya.
Katulad na katulad ng ginagawa ni meow pag nakikinig sya ng classical music.
Napatulala ako pero dahan dahan akong lumakad palapit sa kanya.
Hinawakan ko yung balikat nya tapos inikot ko sya paharap sakin.
Kinakabahan ako pero kailangan ko lang masigurong ibang tao sya bago ko bumaba.
Pagharap nung babae, ang sama ng tingin sakin, halatang naistorbo ko sya.
"Jah?!"
Niyakap ko sya bigla.
"San ka ba nagpunta meow?" tanong ko sa kanya.
Di ko alam kung namamalikmata lang ba ko o nananaginip pero gusto ko munang maniwala na totoo.
🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
BINABASA MO ANG
SB19 Justin - Mr Sunshine
FanfictionMy defense mechanism has always been trying to escape pag may problema or gulo. When I'm hurt that's also the first thing that comes to my mind, tumakas...lumayo. I just want to be happy and feel complete. But what happens pag nakita ko yung taong m...