🌜29

814 25 14
                                    

🌜Cat's POV🌜

Nahanap na nila yung nagpakalat ng pictures namin ni Jah.

Natake na lahat ng necessary legal actions pero mainit pa din yung issue.

Di dineny pero di din kinonfirm ng company ung about sa relationship namin.

Nakakapuslit puslit na ng pagbisita sakin si Kuya pero si Jah hindi pwede.

Karamihan sa A'TINs super understanding naman at nakasupporta pa din sa grupo and kay Justin.

Pero yung fans talaga nila Stacey sobrang lala.

Pinatawag ako sa company today for a meeting daw about sa nangyayare.

Sinundo ako ni Kuya. Kakarating lng namin sa office.

"katkat? okay ka lang?" tanong ni kuya habang pinapark yung kotse.

Tumango lang ko.

Hinaplos lang nya yung buhok ko at pinagbuksan na ko ng pinto.

Maraming fans at press ang nag aantay sa labas ng building kanina pero kontrolado naman ng security.

Hawak hawak lang ng mahigpit ni kuya yung kamay ko hanggang sa elevator.

Paakyat na kami.

Pagbukas na pagbukas ng elevator si Jah agad bumungad sakin.

"Baby!" sabi nya at niyakap ako ng mahigpit.

"Jah" saway ni kuya, mukhang galit sya kay Jah.

Inilayo ni Sejun si kuya samin.

"Tara na guys" yaya ni Ken.

Pumasok na kami ng conference room.

Nandito din pala si Stacey at yung manager nya.

***Kalagitnaan ng meeting***

"We invited you here Cat kasi aware naman kami sa kung ano talagang meron sa inyo ni Justin and we respect that, but we have to make a decision here para sa ikabubuti ng lahat and ng boys" sabi ng isa sa heads ng company.

"And ng JustStay" sabi ng manager ni Stacey.

"Yes...of course...and napag usapan kasi ng management na it's better to be safe muna...and...we thought of having Justin...ummm...how do I say this..." nag aalangang sabi ng isa pa sa mga heads.

"Deny kung ano mang meron kayo for the sake of everybody, you want what's best naman di ba?" sabat ni Stacey.

Di ako nakasagot. Ang sakit kasi nun.

Mas masakit pang i-deny ako ni Jah kesa mura-murahin ng fans nila.

"No! Sorry pero di ko po kayang gawin yun. It's okay na manahimik ako and not confirm our relationship but I will never deny it" sagot ni Justin.

Sobrang gumaan yung pakiramdam ko sa sinabi ni Jah.

Parang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko the past weeks.

"Nakasuporta pa din naman ang A'TINs samin kahit may issue na ganito eh" sabi ni Ken.

"Yes, very understanding naman ang A'TINs kaya I don't think Jah should deny it, wag na lang siguro syang magconfirm din" sabi naman ni Sejun.

"Di din naman pinipilit malaman ng A'TINs eh, sa totoo nga po nyan karamihan sa kanila ini-encourage pa yung iba na wag nang i-brought up yung issue para mawala na" sabi naman ni Stell.

"But JustStay is so upset, sobrang naaapektuhan yung loveteam namin, may offer pa naman saming bagong movie, nagagalit na yung fans ko kay Justin"

"Then do something about your fans, ask them to stop attacking katkat" sabi ni kuya Josh.

"They have the freedom to express their opinions, bat ko sila pipigilan it's their right" sagot ni Stacey.

"Your fans are looking up to you, as an artist with great influence it's your responsibility to be a great example to them" sabi ni kuya.

"Then what do you want me to do?"

"Ask them to stop in the nicest way you can, fans mo sila you should know kung pano sila i-handle, sobra na yung mga sinasabi at ginagawa nila kay katkat"

"Why are so concerned about this girl? Ano to gusto mo din sya? My god baka naman totoo talaga yung sinasabi ng tao about you...ummm...Cat?" sabi ni Stacey sabay tingin sakin na parang jinajudge buong pagkatao ko.

Tumayo bigla si kuya.

"Bastos to ah!" sabi nya.

"Josh...calm down" pinaupo ni Sejun si kuya Josh.

"So gusto mo nga? Kayo na lang kaya, wag na si Justin since okay lang naman sa fans nyo. Gwapo din naman sya Cat and sikat, bagay kayo" sabi ulit ni Stacey.

Pinipigilan ni Sejun si kuya. Tinutulungang kumalma.

"Ummm...kapatid nya kasi si Cat Ms. Alvarez. Please excuse Josh sobrang concerned talaga kasi sya sa sister nya and kahit naman siguro sino. We know Cat very well and lahat ng sinasabi ng haters about her is kabaliktaran ng kung sino sya" sabi ng isang head.

"oh...sorry, but then may iba pa namang members, wag na si Justin" sabi ulit ni Stacey.

"Masama pala ugali neto sa totoong buhay noh?" sabi ni Ken.

Pasimpleng tinakpan ni Stell bibig nya.

"Okay...enough...we respect Justin's decision but we have to think of a way para maresolve tong issue na to...or sana mabura na lang as soon as possible" sabi ng isa pang head.

"And another thing na napag usapan namin just in case di pumayag si Justin, kailangan nating i-postpone muna yung comeback, baka kasi maapektuhan ng issue yun, di pa din naman alam ng fans yung tungkol dun so di naman tayo masyadong mawawarla, more contents na lang muna tayo for them on youtube para din malibang sila" sabi ng isang head.

"Okay po kami dun, di ba guys?" tanong ni Sejun and sabay sabay naman nag agree ang members.

***after ng meeting***

May mga pinag usapan pa kanina about Stacey and Jah pero di na ko masyadong nakinig.

Kinakausap pa ng management yung SB19.

Pumasok muna ko ng studio.

Nalaman ni Tof na andito ako kaya pinuntahan at sinamahan nya muna ko.

Kanina pa kami nag uusap.

Biglang bumukas yung pinto.

"Hi...oh hi, Kristof is it? Good thing your here" sabi ni Stacey.

"Ummm...why?" tanong ni Tof.

"May offer lang ako kay Cat" tumabi sya samin.

"Ano yun?" tanong ko.

"Pwede bang ikaw na ang lumayo kay Justin, yun yung best for him, stop dragging him down"

"She's not dragging him down" sabat ni Tof.

"Wow, super supportive naman ng friend mo. I had someone do a background check on you Cat, though namiss nya yung about sa pagiging kapatid mo si Josh, juicy naman yung mga nalaman nya"

"Ano bang gusto mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"Justin is more than just a love team to me and of course I love my career kaya di pwede sakin tong nangyayare. Stay away from Justin or I will tell the world kung anong sekreto nitong kaibigan mo. Sayang naman sumisikat na sya. Okay ba sayo na dalawang career na ang masisira mo in a year?" banta ni Stacey.

"Wag mong idamay si Tof dito!" sabi ko.

"Then do as I say" sabi ni Stacey at umalis na.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon