☀️36

805 28 11
                                    

☀️Justin's POV☀️

Nagulat ako sa sinabi ni Stacey. Di naman ako nainform na kami pala. I mean di man lang ako ininform na may sasabihin syang ganto.

Hindi naman totoo lahat yun. Hindi din totoo na kilala nya dati pa si meow. Di rin sya bumibisita sa studio, nagpunta lang sya nung meeting.

Sana sinabihan man lang ako about dito para di ako nagulat.

Pero mas kinagulat ko nung bigla nya kong hinalikan!

Napatingin ako kay meow after. Tinakpan ni Ken yung mata nya. Thank you Ken pero tingin ko nakita nya.

Sumenyas si Ken na aalis na sila.

Hinawakan ni Stacey yung pisngi ako at pinatingin ako sa kanya.

Tinapos ko na lang yung interview kahit sobrang uncomfortable na ko.

Kinausap ko din si Stacey in private about sa sinabi at ginawa nya.

"Stacey, di mo dapat sinabi yun saka di mo man lang ako ininform na sasabihin mo yun, and may agreement na bawal ako sa kiss di ba?" sabi ko sa kanya.

"Pumpkin, I'm just helping you out. Magbebenefit din dito yung sis ni Josh...Carolina ba yun?" sagot nya.

"Catarina" singit ko.

"Yes...Katrina..."

"Catarina"

"Cat...whoever she is...my fans, our fans will leave her alone na. And the agreement says bawal kitang i-kiss sa movies and teleseryes natin, not in real life so I think it's fine"

"It's not, that agreement was made for the sake of A'TINs. Nakita yung kiss live on national TV, ano sa tingin mo reaction ng fans namin? And nakita yun ni meow...ni Cat! Nakita din yun ni Josh patay ako neto"

"Normal naman dito sa Philippines na nagiging couple ang love teams in real life. Di na dapat sila magulat satin"

"Pero hindi tayo couple. Girlfriend ko si meow...si Catarina and I love her sooo much. Di ko alam kung pano ko babawiin yung statement mo na yun ngayon"

"Bat mo babawiin? Don't you dare Justin! Bakit hindi na lang kasi tayo? This will be great for both our careers. Pati yung boy group nyo lalong aangat because of this"

"Mahal ko si Catarina, gusto ko ngang isigaw sa mundo eh. Maganda ka Stacey and maraming nagkakagusto sayo but my heart belongs to her. And music at talent namin ang mag aangat sa grupo namin hindi fake news at petty publicity stunts. I'm sorry but I have to go"

"Justin!"

Di ko na sya pinansin. Sobrang nakakadisappoint sya. Bat ba ako nagka-crush sa kanya dati? Kung alam ko lang.

Sinubukan kong tawagan si meow pero mukhang naka off phone nya.

Tinawagan ko si Ken. Ni-reject nya yung call. Pero tumawag sya.

"Sorry bro mali napindot ko" sabi nya.

"ok lang, si meow?" tanong ko sa kanya.

"tulog na sa kwarto nya, hintayin ko lang sa Josh, ayoko syang iwan mag isa dito nakatulala kasi sya kanina nag aalala ako. Jah...yare tayo kay Josh, mas takot pa ko sa kanya kesa sa mga boss sa sitwasyong to. Natatakot ako para sayo, bro"

Nakatulala si meow? Nasaktan ko ata sya, ano ba yan.

Kawawa naman baby ko, di ko naman gusto yun eh. Alam kong alam nya pero masakit pa din yung narinig at nakita nya.

"Kumain ba si meow?"

"Oo pinilit ko kumain kanina kaso konti lang, natulog na"

"Sige pupunta ko jan kakausapin ko si Josh"

"Sigurado ka? Wag na lang kaya muna, palamigin mo muna ulo ni Josh. Sinubukan ko syang tawagan kaso mukhang di pa sila tapos, di sya sumasagot eh. Pero siguradong galit yun pag nabalitaan nya na"

"Mas mabuti nang mag explain ako agad. Tatanggapin ko na lang galit nya. Saka gusto ko rin i-check si meow"

"Sige mag stay na lang di ako para may taga awat kayo"

***After a few hours***

Nasa bahay na ko ni Josh pero wala pa sya. Tulog pa din si meow di ko na ginising, kiniss ko na lang sa noo.

Nagprayer meeting na kami ni Ken. Natatakot talaga kami kay Josh.

Nacontact na sya ni Ken. Ang haba ng sinabi ni Ken kanina pero ok lang sinagot nya.

Bumukas na yung pinto. Napatayo ako.

Seryoso yung mukha ni Josh.

Tumayo na din si Ken na halatang nagreready na in case sugurin ako ni Josh.

Pero dumeretso sya sa kwarto ni meow para i-check sya. Nung nakita nyang tulog kiniss nya na lang sa ulo the  inayos yung kumot.

Umupo lang sya sa 1 seater sofa sa gilid ko. Umupo na din kami ni Ken.

"Namamaga mata ni katkat. Ilang beses pa mangyayari to Jah?" seryoso pero mahinahon nyang tanong.

"Hindi totoo lahat ng sinabi ni Stacey and hindi ko aware n..."

"Hindi totoo pero alam nating lahat na nasaktan si kat"

Di ako nakasagot, napayuko na lang ako. Tahimik lang si Ken.

"Oh di ba? Di mo kayang sagutin? Kasi di mo kontrolado. Gusto kitang ikahon at itapon sa malayo sa totoo lang. Gusto kitang ilayo kay katkat kaso mahal ka niya eh. Di ko na alam kung anong gagawin ko" sabi ni Josh na sumandal sa sofa at pumikit.

Mas mahirap pala na mahinahon si Josh. Mas gusto ko yung sinisigawan nya ko kesa ganito.

Parang 10x yung guilt na nararamdaman ko...

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon