🌜Cat's POV🌜
Kinausap ko si mommy about sa engagement namin ni Tof.
Sinubukan nya kong kumbinsihin na i-reconsider but in the end, inintindi nya na lang ako as always.
Happiness ko ang number one priority nya and alam nyang yun din ang gusto ni dad.
Si Tof nagsabi din sa dad nya na aatras na sya sa engagement. Nagalit daw sa kanya pero sanay naman na sya.
Nakausap na sya ni mommy kaya okay na, kailangan nga lang nilang magpaliwanag sa mga bisita namin nung engagement party.
Tinapos at inasakaso ko lang yung mahahalagang commitments ko bago ko bumalik ng Philippines.
Pupuntahan namin ni kuya Josh ang daddy namin sa hospital ngayon.
Kinakabahan ako na di ko maintindihan.
Hinawakan ni kuya yung kamay ko habang naglalakad kami papunta sa kwarto nya.
"It's okay katkat" sabi ni kuya.
Pagbukas ni kuya ng pinto nakita ko agad si daddy. Ang payat nya and sobrang nipis na ng buhok.
Napaiyak na ko. Awang awa ako sa kalagayan nya.
Nag hire lang daw si kuya ng mag aalaga sa kanya kasi syempre kahit gusto nya wala naman syang time para alagaan si daddy.
Yung mga iba naming kapatid di daw talaga nagpakita.
Dumilat si dad and sumenyas na lumapit kami. Lalo kong naiyak.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya.
Kahit hirap, pinilit nyang magsalita.
"Catarina...anak...I'm really sorry for being the worst dad there is...marami akong pagkukulang sa inyong mga anak ko...wala nga ata akong karapatang tawagin kayong anak...ilang buwan na lang ang buhay ko kaya di na ata ako makakabawi sa inyo...parusa ko na ata to for being a pathetic excuse for a father...before I die I just really want to say sorry...you don't have to accept it but please hayaan mo kong humingi ng tawad" pakiusap ni dad.
"I forgive you...I think matagal na kitang napatawad...though wala ka sa tabi ko all these years thankful pa din ako sayo coz you're still my father. Wala ako dito kung hindi dahil sayo. And di ako pinabayaan ni God, mom was an amazing mother, I couldn't ask for anything more. I also had a step dad na itinuring akong tunay na anak. He never made me feel na iba ako sa kanya. Kaso lang wala na sya ngayon, nasa heaven na. But then I have kuya Josh beside me again, he's the best kuya in the world. I also met people na minahal at inalagaan ako ng sobra. So you calling me your child is more than enough to me...dad" sagot ko then niyakap sya.
Umiyak na din ng tuluyan si dad.
"I don't know what I did to deserve the two of you. I'm really sorry mga anak" sabi ulit ni daddy.
Yumakap na din si kuya Josh.
"Well, you chose two amazing woman to be our mothers" sagot ni kuya.
"I hope I can go to heaven para makapagpasalamat sa tumayong ama sayo Cat pero sa dami kong kasalanan baka nakareserve na pwesto ko sa impyerno, but I'm hoping na makadaan saglit sa langit makapagpasalamat man lang haha" biro ni dad.
Pasaway talaga tong tatay ko.
"Don't say that, just ask for forgiveness and pagsisihan nyo lahat ng nagawa nyo. Patawarin nyo rin po sarili nyo and let go of everything. Di pa po huli ang lahat, may time pa po kayo para humingi ng tawad at magsisi" sabi ko kay dad while giving him an assuring smile.
"Salamat anak"
Ang sarap pakinggan na paulit ulit nya kong tinatawag na anak.
It felt like I just found a long lost piece of myself.
***After a few months***
I went back to school para ipagpatuloy ang pagkuha ko ng masters degree a few months ago.
Inalagaan ko si daddy at the same time.
I wanted to be by his side sa huling mga sandali ng buhay nya. Ayokong mag isa sya and ayokong malungkot sya before he go kaya I did my best na iparamdam sa kanyang may nagmamahal sa kanya ng totoo.
Palagi ring bumibisita si kuya basta may pagkakataon.
A month ago hindi na kinaya ng katawan ni dad, we had to say our last goodbyes.
Sa dami ng "friends" nya kami lang ni kuya ang nasa funeral nya.
Hindi na rin kasi sinabi ni kuya Josh sa members nya yung about dito.
Alam nya rin kasing di pa ako ready makita si Jah and gusto nyang bigyan ako ng maraming time para ipagluksa si daddy ng maayos.
The past months naging busy din ako sa pagbibuild ulit ng sarili ko. Sa pagbuild ng future na gusto ko and sa pagbuild ng Catarina na di basta bastang matutumba ng walang kalaban laban.
Thanks to my real dad I was able to get back a huge chunk of myself. Medyo matagal tagal pang proseso pero slowly but surely I will rise from the ashes.
🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
BINABASA MO ANG
SB19 Justin - Mr Sunshine
FanfictionMy defense mechanism has always been trying to escape pag may problema or gulo. When I'm hurt that's also the first thing that comes to my mind, tumakas...lumayo. I just want to be happy and feel complete. But what happens pag nakita ko yung taong m...