Chapter 12.

16 3 0
                                    

Date Published: June 6, 2020

CHAPTER 12.

ROSELINDA'S POV

Kakarating ko pa lang sa forbidden area at agad kong nakasalubong ang nilalang na tinatawag nilang Cerastes.

Meron siyang sungay na para bang isang ram pero ang katawan nila ay parang isang ahas. Nang nakita niya ko ay agad niya kong inatake.

Ginamit ko na ang Roseus at gumamit na ng mahika para tumigil siya. "Daemonium perpetuum." Saad ko at may lumabas nang itim na laser na may itim at pulang kuryente sa buong paligid nito.

Natunaw na ang katawan nito at napabuntong hininga ako. Wala namang ganito noon dito pero bakit nagkaroon ngayon?

Hindi ba 'to binabantayan ng mga anak ko? Lagot talaga sa'kin 'yung mga 'yon 'pag nakita ko sila. Pati rin sila Drago ay idadamay ko.

Naglakad na ko para imbestigahan na ang buong lugar. Sana naman ay hindi umabot 'to sa academy o sa bayan.

~~~~

Naglalakad pa rin ako sa forbidden area ng gubat nang may nakasalubong akong babaeng nakaluhod sa sahig.

Una, Cerastes ang nakita ko, ngayon naman ay babae. Meron pa bang mas lala ngayon? Ano kaya ginagawa ng babaeng 'to dito? Hindi niya ba alam na delikado dito?

Napalaban ako ng wala sa oras kanina dahil sa Cerastes na 'yon. Buti na lang at kontrolado ko na ang sarili ko ngayon hindi tulad noon.

Kung saan isang mahinang dark magic lang ay hindi ko na kayang kontrolin ang Roseus na nasa katawan ko.

Tinitigan ko lang 'yong babae hanggang sa may lumabas na pigura ng lalaki na alam kong prumo-protekta dito.

"Ikaw na po ang bahala sa kaniya, paki-usap." Tumango ako at hinawakan na ang babae sa balikat niya. May narinig akong nabasag na salamin at doon ko lang napagtanto na may selyo siya.

Lumingon sa'kin ang babae at tumayo. Hawak-hawak ang kamay niya, naglakad na kami papunta sa labasan ng gubat.

ELIA'S POV

Pagkarating namin ni Vicente sa safe area ay nandoon na sila head-wizard at masamang nakatingin sa'kin si daddy.

"Tulad ng sinabi niyo, nandito na siya pero naiwan 'yong kaibigan niya." Sabi ni Vicente. "So, inutasan ka pala nila." Mahinang saad ko.

"To be honest, no. Wala rin silang alam tungkol dito sadiyang nag-usap lang kami ni professor kanina." Sagot niya.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya o hindi na wala nga siya kinalaman dito pero hinayaan ko na lang.

Napatingin ako sa kalangitan nang may nakita akong liwanag doon. May naririnig din akong musika.

"Anong meron?" Tanong ko habang nakatitig sa kalangitan. Maya-maya lang ay may naririnig na kong boses ng babae na nakanta.

~ Inside I've been shaken, my sanity taken
Our broken halves, they intertwine
From once was yours and once was mine
I'm breakable - unbreakable
I'm shakeable - unshakeable
I'm breakable - unbreakable
I'm breakable ~

(Song: Glassy Sky (Cover) by: AmaLee)

"Mukhang gising na ang pangtatlong pillar ng Dragon Tale Tribe." Rinig kong komento ni head-wizard.

Destined Partners: Wizards' Academy -Revenge From The Past-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon