Chapter 36.

21 1 0
                                    

Date Published: March 5, 2021

CHAPTER 36.

ELIA

Maraming bumagsak dahil sa hindi nila na-control ang mga tinawag nilang summons at may mga hindi nakapag-tawag.

Kinakabahan ako ngayon dahil sa hindi ako kasing lakas at kasing galing ni mommy. Sana naman ay hindi masyadong mataas ang expectation nila sa'kin.

"Atlas, Vicente." Pagtawag ni professor Blood kay Vicente. Binitiwan na ni Vicente ang kamay ko at naglakad papunta sa gitna.

Kinuha na niya ang maliit na bakal mula sa bulsa niya at humaba 'yon. Hinawakan niya 'yon sa gitna.

"Portal of the other world, I'm calling thee, Shadowy Chimera, Cancello Aperto." Pag-cast niya ng spell at lumabas ang isang nilalang na gawa sa anino.

Isa siyang chimera pero gawa ang katawan niya sa anino.  Naglakad ito palapit sa'kin at bigla akong kinabahan.

Tumingin sa 'kin 'yon at binuksan ang bunganga niya. May lumabas doon na usok at may nakita akong lumabas na usok mula sa kaniya.

Inilahad ko ang mga kamay ko at naging isang bulaklak ang usok na 'yon kaya medyo nagulat ako.

Napatingin ako kay Vicente at nakita kong namumula ang mukha niya. Bumalik na sa kaniya ang shadowy chimera.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa bulaklak at inamoy 'yon. Napangiti ako nang nakatanggap ako ng bulaklak mula sa kaniya.

Naglakad na siya palapit sa'kin at tumingin ako sa kaniya. "Thank you." Sabi ko at nginitian niya ko na para bang nahihiya siya.

"Welcome, I guess?" Nahihiyang saad naman niya. Nanood na ulit kami sa mga sumunod na estudyante.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito na ko sa gitna at kinakabahan. Huminga na muna ang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Gate of the other dimension, come forth, Rose Shamaness! Aprta Portal!" Pag-cast ko ng spell.

"Ano? Delikado 'yan, Elia!" Sigaw ni mommy pero hindi ko pinansin ang sinabi niya. Wala akong magagawa.

Ito lang ang pwede kong tawagin ngayon na mythical beasts dahil siya lang ang nag-iisang meron ako.

Lumakas na ang hangin at may lumabas na limang magic circle sa paligid. May lumabas na isang malaking babae na nakapula.

Gawa sa rosas ang lahat ng suot niya pati ang maskara. May pumapalibot din sa kaniyang mga talulot ng rosas.

Inilahad niya ang kamay niya at may inabot siyang talulot kay mommy. Kinuha naman 'yon ni mommy at ngumiti.

"Rose Shamaness... Isang special mythical beast na mahirap palabasin." Komento niya habang nakangiti.

"I see. Kung gano'n kontrolado niya. Sige." Sabi ni daddy at nawala na ang Rose Shamaness.

"Pero..." - Mommy.

Bigla akong nakaramdam ng hilo at napaluhod. Bigla akong nanghina nang nawala na ang Rose Shamaness.

"Ang kabayaran no'n ay manghihina ang user at mahihimatay." Pagkasabi ni mommy no'n ay nawalan na ko ng malay.

VICENTE

Agad akong tumakbo palapit kay master at binuhat siya. Isa sa epekto ng tagumpay na pagtawag sa Rose Shamaness ay mawawala ang lakas nito.

Destined Partners: Wizards' Academy -Revenge From The Past-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon