Chapter 29.

10 1 0
                                    

Date Published: February 17, 2021

CHAPTER 29.

ELIA

Pagkaalis namin mula sa lugar na 'yon ay agad akong tumakbo paalis. Narinig kong tinawag ako ni Vicente pero hindi ko siya pinansin.

VICENTE

What happened to her? Bakit bigla na lang siyang naging gano'n? May nangyari ba na hindi ko naramdaman kanina?

"Pakibantayan si Elia. Hindi pa naman niya kontrolado ang Scyke." Sabi ni professor Rose at naglakad na siya paalis.

(Note. Shayk po ang pronuncian ng Scyke.)

Mukhang may kakaiba din kay professor ngayon at hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Napabuntong hininga ako nang nagkaroon ako ng idea bigla.

Hula ko ay nag-iba ang mood niya nang nakita niya si papa kanina. Isa din si papa sa mga pinatay niya kanina at hindi ako galit doon.

Pakiramdam ko pa nga ay parang nakawala pa ako sa isang kulungan dahil alam kong magiging malaya na ako mula sa kanila ni mama.

"Gawin mo kung ano ang dapat mong gawin, Vince. 'Wag kang matakot dahil wala kang mapupuntahan kapag natakot ka." Sabi ni kuya at tumango ako.

Sinundan ko na si master para protektahan at tulungan siyang kontrolin ang Scyke mula sa katawan niya.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nasa kailaliman na ako ng gubat pero hindi ko pa rin siya nakikita. Dapat pala ay sinama ko na si Wolfie para mas maging madali ang paghahanap ko.

Napatigil ako mula sa paglalakad nang may naisip na naman akong idea. Mas maganda nga kung bumalik na muna ako sa dorm para kunin si Wolfie.

Alam kong alam niya kung paano mahanap ang master niya. Kaya naman bumalik na ko sa dorm para kunin si Wolfie.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nakuha ko na si Wolfie at kasalukuyang hinahanap ang amoy ni master. Kanina pa kami paikot-ikot dito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya nakikita.

"Wolfie, ganito ba talaga kahirap hanapin ang master mo? Kanina pa tayo nandito." Komento ko at tumahol siya.

"Kuya Ash? Ikaw na ba 'yan? Paano ka naging kulay pink na werewolf?" Tumakbo ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si professor Sarah.

May kasama siyang isang lalaki na naka-uniform din na pang professor sa academy pero ito ang unang beses na nakita ko siya dito.

'May bagong professor na naman ba ang academy ngayon?' Tanong ko sa isip ko.

Napatingin ako sa werewolf na kulay pink at naramdaman ko ang prisensya ni master sa kaniya. 'Wag mong sabihin na si master 'to?

"Sarah? Nandito ako kaya ano ang pinagsasabi mo?" Tanong ng isang bagong dating na lalaki at nakasuot din siya ng uniform na pang professor.

"Woah! Saan nanggaling 'yung ganiyang werewolf?" Gulat nitong tanong. Tumahol si Wolfie at tumakbo palapit doon sa werewolf.

Napatingin sa direksyon ko naman sila professor Sarah. "Anong ginagawa mo dito, Vicente?" Tanong ni professor Lenrick na kakarating lang.

Destined Partners: Wizards' Academy -Revenge From The Past-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon