Date Published: June 6, 2020
CHAPTER 13.
ROSELINDA'S POV
Tahimik lang akong nakaupo sa tangkay ng puno at nakatitig sa kwintas na binigay sa'kin noon ni Hashton.
Napasandal ako sa puno at napapikit ng mga mata. Ang tagal kong nawala, ako pa rin kaya ang mahal niya?
Napatingin ako sa kaliwa ko ng may naramdaman akong paparating at nakita ko ang witch hunter.
Tinitignan ko lang siya at wala akong sinabi o kinilos laban sa kaniya dahil hindi ko namang gawaing magalit sa isang walang kasalanang tao kahit na anak pa siya ng nagkasala sa'kin.
"Roselinda Ynna Crossevell..." Napangisi ako ng palihim nang kilala niya ako. Sinabihan pala siya tungkol sa'kin.
"Anak ka ni Ricasheign. Vicente diba?" Tanong ko nang gumamit ako ng isang archive spell ng patago para malaman ang tungkol sa kaniya.
Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa hawak kong kwintas at hindi na siya pinansin pa.
Kung may balak man siyang atakihin ako, ang mga soul catchers na ang bahala sa kaniya dahil wala ako sa mood na makipaglaban.
"Gusto kong bumawi sa ginawa ni papa sa'yo noon." Rinig kong saad niya at tinawanan ko lang siya.
"Sa tingin mo ba ay makakabawi ka kung ikaw mismo ay may planong hindi dapat?" Tanong ko at napalingon ulit sa kaniya.
"Kung sa umpisa pa lang naman ay gusto mo nang gamitin ang anak ko para makuha ang gusto mo, sa tingin mo ba makakabawi ka?"
"Layuan mo ang anak ko kundi ako mismo ang papatay sa'yo, witch hunter." Banta ko.
Humarap sa kaniya 'yong isang soul catcher at nagha-handa nang umatake. Isang sinyales lang ay magpapakawala na siya ng isang malakas na atake.
Hindi lang naman mga ordinaryong soul catchers ang meron dito, lahat sila ay marunong manakit para protektahan ang master nila.
"Ano kaya 'tong ilaw na 'to? Sobrang liwanag naman." Napatigil ako nang may narinig akong pamilyar na boses.
Pinatunog ko na ang dalawa kong daliri at mas lumiwanag na ang paligid hanggang sa mag-teleport na ko sa bahay namin.
VICENTE'S POV
Napatakip ako ng mata nang lumiwanag ng sobra ang paligid. Mas mailap pala siya kesa sa inaasahan ko. Nakita kong nawala na siya pati na rin ang mga spirit orbs at Soul Catchers sa paligid.
"Anong ginagawa ng estudyante ng academy dito?" Napalingon ako nang nakita ko sila professor Lenrick at kasama niya sila professor Mychuka, professor Hudson at professor Hashton.
"May nakita po akong soul catcher at sinundan 'yon." Sagot ko at napatingin sila sa paligid.
"Anong ginagawa ng mga soul catcher dito?" Takang tanong ni professor Mychuka. Napalingon kaming lahat sa kumuluskos at may nagpakitang dalawang lalaki sa'min.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy -Revenge From The Past-
FantasyAnother series for Destined Partners: Wizards' Academy. In the far away continent in the world, there is an academy for wizards that will serve as a place for learning new things and a place to protect others. •*•*•*•*• Roselia Crossevel is part of...