Chapter 25.

19 1 0
                                    

Date Published: July 1, 2020

CHAPTER 25.

ELIA'S POV

Nakita naming pumasok si Vicente sa loob at napatingin sa'ming lahat. Sinara na niya 'yung pintuan at lumapit sa pwesto namin.

"May nakasalubong po akong assassin kanina at gusto niya kong patayin." Paninimula niya agad. Walang nagsalita habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Gusto niya po akong patayin dahil sa hindi ko ginagawa kung ano ang pinapagawa sa'kin ng bagong pinuno ng mga witch hunters."

"May bagong pinuno na pala ang mga witch hunters." - Mommy.

"So, magkakampi ang mga assassins at witch hunters?" Tumango si Vicente sa tanong ni daddy at napabuntong hininga.

"Anong kailangan nila?" Tanong naman ni kuya Strex. "Ang Stone of Time na nasa HIdden Tower. Gusto po nilang ibalik ang oras para maging tagumpay ang mga plano ng mga witch hunters."

"Iba sa gusto mong gawin?" Tumango siya sa'kin. "Gusto kong makuha ang bato para mapigilan si papa at hindi para manggulo." Paliwanag niya.

"Pero 'yung sinasabi niyo pong dark bottle noong isang araw may kinalaman din po ba dito, mommy?" Tanong ko nang may naalala ako.

"Hindi. Nagkaroon lang ng dark bottle doon ay dahil sa inyong mga estudyante at walang kinalaman ang mga assassin dito." Sagot niya.

"Speaking of the forbidden area, naayos niyo na ba 'yon?" Tanong naman ni daddy at umiling si mommy saka napayuko.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos ni Blood 'yon dahil hinihintay pa naming humupa 'yung lakas nito." Sagot niya.

"Hindi sapat ang kapangyarihan ng hiyas ni Blood ang kapangyarihang nandoon kaya hindi kami pwedeng sumugod na lang basta."

"Wala ba tayong mahihingian ng tulong?" Tanong naman ni kuya Strex. "Si Dana lang ang naiisip ko pero hindi natin siya pwedeng istorbohin." Sagot ni mommy.

Nagulat kami nang biglang may bumangga sa bintana at may nakita kaming raven. Familiar ni kuya Sheign?

"Kaninong familiar 'yan?" Tanong ni professor Mychuka. Lumapit ako sa bintana at binuksan 'yon. Agad naman itong pumasok at lumapag sa balikat ko.

"Anong meron Raven? May nangyari ba kanila kuya Sheign?" Tanong ko at naging batang lalaki na siya.

"May umatake pong mga assassin sa Spring of Awakening." Nakita kong nag-alala agad si mommy dahil sa narinig niya.

"Pero 'wag po kayong mag-alala dahil nagpakita po ang kaluluwa ni master Rosell."

"Ang Dream Space... Nagamit na niya." Komento naman ni mommy. "Wala naman nasaktan diba?" Tumango si Raven.

"Kahit isa po sa kanila ay walang nasaktan dahil po sa Dream Space." Napabuntong hininga kaming lahat.

"Naiintindihan namin. Salamat, Raven." Sabi ni mommy at umalis na si Raven para bumalik kay Sheign. 

"Mag-imbestiga tayo ngayon, Hash." Sabi ni mommy at tumingin siya kay kuya Strex. "Ikaw na ang bahala kay ate Roseline."

"'Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa kaniya." Tumingin naman si mommy sa'min ni Vicente.

"Bumalik na kayo sa dorm para mas ligtas. 'Wag kayong pupunta kahit saan at paki-sabihan na lang din ang iba pang estudyante." Tumango kami at lumabas na mula sa opisina.

Destined Partners: Wizards' Academy -Revenge From The Past-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon