Chapter 43 | Roselinda.

20 1 0
                                    

Date Published: March 24, 2021

Kasalukuyang ginagamot ko ang mga sugat na nakuha ni Elia mula kay Charina kanina. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya pero hindi ko na hahayaang maulit 'to.

"Nagamit ni Elia ang dark spirit na Scyke." Paninimula ko at nahalata kong kinabahan sila. Sa totoo lang ay kinakabahan din ako.

"Scyke: The Special One." Saad ni Ashveil. "Special One? Paanong Special One?" Tanong ni Henry.

"Base sa nabasa ko ay may dalawa siyang kakayahan at 'yon ay ang mind control at mind switch. Kaya niya ding sirain ang kalahati ng mundo." Paliwanag ni Ashveil.

"Dalawa din ang anyo nito, una ay ang nakita nating pink na werewolf at isa naman ay parang dragon." Dugtong niya pa.

"Tama ka doon. Kaya nga nag-aalala ako para kay Elia dahil baka dumating 'yong oras na hindi na niya ma-control pa ang Scyke."

"Lahat ng anak namin ni Hash at may kaniya-kaniyang dark at special spirits. Pati si Sheign ay meron din pero kontrolado niya ang kaniya."

"Inveil. Sa pagkaka-alala ko ay 'yon ang sinabi ng pinsan mong si Eula." Tumango ako kay Lenrick.

"Kontrolado din naman ni Rosell ang Morpheus pero ang problema lang talaga sa kaniya ay ang hindi normal na lakas ng kapangyarihan niya."

"Ang hindi lang naman nakaka-control ay si Elia dahil kontrolado naman ni Lea ang kaniya." Nag-aalalang saad ko pa.

"Ano kaya ang nangyari at lumabas ang Scyke? Delikado 'yon ah. Hindi tulad ng Demonaire na nararamdaman natin ang prisensya pero ang Scyke ay hindi." - Lenrick.

"Wala naman kasing prisensya ang Scyke hindi tulad ng Demonaire at ng iba pang mga spirits kaya hindi mo talaga siya mararamdaman." Sagot ko.

"That's the reason why it's also dangerous." Komento ni Hashton at pumasok sa loob ng clinic sila head wizard pati si Lea.

"Okay lang po ba si Elia, mommy?" Tumango ako kay Lea at napahinga siya ng maluwag. Lumapit siya kay Elia at binantayan.

"Narinig namin na lumabas ang Scyke mula sa katawan ni Elia. Kamusta na siya ngayon?" Tanong ni head wizard.

"Ayos na po siya ngayon, head wizard. Kailangan niya lang po ng pahinga." Sagot ko.

"Anong nangyari kay Mr. Atlas?" Tanong naman ni professor Mychuka at lumapit kay Vicente.

"Hindi po namin alam pero base sa marka na nasa leeg niya po ay mukhang sinakal po siya ng sarili niyang ina." Sagot ko.

"Sarili niyang ina?" Tumango ako.

"Si Charina po ang bagong pinuno ng mga witch hunter dahil wala na si Ricasheign at hula ko ay nandito siya para patayin ang anak niyang nag-traydor na."

"Kung gano'n, wala nang pakinabang sa kanila si Vicente. Kailangan din natin siyang protektahan mula sa kanila dahil alam kong babalikan nila siya." - Head wizard.

"Sasabihan ko agad sila Arcy na nandito para masabihan din ang mga nasa ministry." Naglakad na palabas si professor Mychuka mula sa clinic.

Destined Partners: Wizards' Academy -Revenge From The Past-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon