Chapter 20.

15 1 0
                                    

Date Published: June 24, 2020

CHAPTER 20.

ELIA'S POV

Habang naglalakad pabalik sa dorm ay may naalala ako na dapat naming pag-usapan kaya naman hinawakan ko siya sa braso.

Napatingin siya sa'kin at kumunot ang noo niya. "Tungkol sa Stone of Time..." Itinapat niya ang hintuturo niya sa labi ko.

"Bukas na lang 'yan dahil alam kong mahaba-habang usapang 'yan, master." Tumango ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad pabalik ng dorm.

~ NEXT DAY ~

Maaga akong nagising ngayon kaya naman naglalakad ako sa hardin ng academy. Masyado pa namang maaga kaya magpapahangin na muna ako.

Umupo ako sa bench nang may nakita akong isa at napatingin sa kalangitan. Napahawak ako sa buhok ko nang humangin ng malakas.

"Master?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Vicente. Umupo siya sa tabi ko at hindi nagsalita. "Tungkol sa Stone of Time..."

"Mas maganda ata kung hindi mo na lang kunin 'to at gamitin." Paninimula ko. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong walang ekspresyon ang mukha niya.

"Masisira ang Time Cycle kapag ginamit mo 'yon, Vicente. Pwede naman tayong gumawa ng iba pang paraan."

"Tutulungan kita para makabawi kay mommy." Dugtong ko pa at hinawakan siya sa mga kamay niya. "Alam ko." Mahinang saad niya.

"Alam kong may masisira kapag ginamit ko 'yon. May mga pangyayaring hindi mangyayari at may mababago din. May makikilala tayong mga tao na dapat makilala natin pero magiging hindi na."

"Naiintindihan ko." Hinawakan niya ko sa pisnge. "Ayokong mapahamak ka kaya gagawa na lang ako ng paraan." Sabi niya.

"Nakausap ko pala si kuya Sheign kagabi." Sabi ko at binaba na niya 'yong kamay niyang nasa pisnge ko.

"Kinuwento niya ang lahat sa'min ni mommy ang tungkol sa'yo." Dugtong ko. "Nako! Ano na naman ba ang sinabi niya tungkol sa'kin?" Tanong niya.

"Sabi niya ay ayaw mong manakit ng mangkukulam dahil sa niligtas ka ng isang taga Khronos noon." Pagkwento ko.

"Ayaw mo ding maging witch hunter pero dahil apo ka ng pinuno ninyo ay wala ka nang nagawa kundi ang pumayag." Tumango siya.

"Sa tuwing may nakikita akong mangkukulam ay hindi ko sila ginagalaw dahil mababait naman sila at walang ginagawa sa'kin." Sagot niya.

"Kaya naniniwala akong mababait kayo, may ibang hindi syempre, pero karamihan ng mga nakikilala ko ay mababait."

"Gagawan ko na lang ng paraan para makabawi sa kaniya." Tumango ako. "Tutulungan kita." Napangiti siya.

"Thank you, master." Sabi niya at sinundot ko ang pisnge niya. "Itigil mo nga 'yan." Reklamo niya pero hindi ko siya pinakinggan.

"Anong ginagawa niyong dalawa?" Napatigil ako mula sa pagsundot sa pisnge niya at napatingin kay mommy at kasama niya si dad.

"Dad, okay lang po ba kayo? May bukol po kayo sa noo." Tanong ko at tumango siya. "Don't worry, I'm fine." Sagot niya.

"Napanood po pala namin 'yung laban niyo kagabi." Sabi ko at nakita kong ngumiti si mommy. "Ang galing ko diba?" Tanong nito at tumango kami ni Vicente.

"Tara na. Para hindi kayo mahuli sa klase." Sumunod ako kay daddy papasok ng academy dahil sa hinawakan niya ko sa braso ko.

Hula ko ay kakausapin ni mommy si Vicente ng pribado kaya hinila na ko ni daddy paalis mula sa pwestong 'yon.

VICENTE'S POV

Habang hinihila ni professor Hudson si master papalayo ay napatingin ako kay professor Rose dahil alam kong kakausapin niya ko.

"Susubukan kong pagkatiwalaan ka pero kapag sinira mo 'yon, papatayin kita." Banta niya agad at tumango ako.

"Babawi po ako sa'yo para pagbayaran ang kasalanan ni papa sa'yo noon. Gagawin ko po lahat para lang makabawi sa'yo." Sagot ko naman.

"Gawin mo kung ano ang tama. Kung ano ang mas makakabuti sa lahat." Tumango ako sa sinabi niya. Tinapat niya ang dalawang daliri niya sa noo ko.

"May sumpa ako sa'yo. Saktan mo ang anak ko, hindi ka papatulugin ng konsensya mo hanggang sa maisip mong magpakamatay na lang." Seryosong saad niya.

"Naiintindan ko po professor kung bakit 'yan ang sumpang binigay mo." Sabi ko at napapikit ng mga mata. Hindi ako natakot sa sumpa niya dahil hindi ako gagawa ng dahilan para masaktan si master.

"Pumunta na sa klase bago ka pa mahuli. Ako pa naman ang professor niyo ngayon." Agad akong tumakbo papunta sa classroom.

ELIA'S POV

Kanina ko pa hinihintay si Vicente dahil sa nag-aalala ako. Sana naman ay walang ginawa si mommy sa kaniya at sana ay bigyan niya ng pagkakataon si Vicente.

Maya-maya lang ay dumating na si Vicente at tumabi sa'kin. "Ayos ka lang? Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ko.

"Binantaan niya ko at sinabihan na 'wag kang saktan. Pagkakatiwalaan niya ko pero 'pag sinira ko 'yon ay papatayin niya ako." Sagot niya.

"Binigyan niya rin ako ng sumpa kung saan kapag sinaktan kita ay hindi ako papatulugin ng konsensya ko hanggang sa patayin ko ang sarili ko." Dugtong niya pa.

"Napaka-brutal talaga ni mommy." Komento ko naman. "'Wag kang mag-alala, ayos lang sa'kin 'yon, master." Paniniguro niya.

Maya-maya lang ay dumating na si mommy at may nasunod sa kaniyang pulang carbuncle. Wow! Kay daddy ay itim sa kaniya naman ay pula.

"Teka..." Sabi ko nang may naalala ako. "10 Seals of Carbuncle?" Tanong ko at napatingin si Vicente sa'kin habang nakakunot ang noo.

"Ano 'yon?"

"'Yon ang pangalawang seal ng Demonaire base kay kuya Drago. Ang unang seal kasi ay ang Angelaire tapos ang 10 Seals of Carbuncle naman ang sumunod." Paliwanag ko.

"Lahat sila ay pula at nag-iisa lang ang itim? Kasama nga ba ang itim na Carbuncle ni professor Hashton?" Tumango ako.

"Base sa pagkwento ni kuya Drago sa'kin noon ay binigay ni mommy ang itim na Carbuncle kay daddy dahil gusto niyong sumama sa kaniya."

"Gano'n pala 'yon. Ang mga pulang Carbuncle naman ay natira kay professor Rose." Komento ni Vicente habang pinapanood namin ang mga ito na sumasayaw sa ere.

"Ang daming Carbuncles."

"Ang sarap panoorin ng sayaw nila."

"Saan kaya makakakuha ng ganiyang Carbuncle?"

"Kung kay professor Hashton ay itim kay professor Rose naman ay pula. Ang galing."

Ilan lang 'yan sa mga komento ng ga estudyante na nakakita sa mga Carbuncle na nasayaw sa ere. Lahat sila namamangha pati rin ako.

Gusto ko ring magkaroon ng Carbuncle bilang familiar. Makahanap nga mamaya sa gubat at magpapa-alam ako kanila head-wizard.

•••• END OF CHAPTER 20. ••••

Destined Partners: Wizards' Academy -Revenge From The Past-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon