Chapter 35.

15 1 0
                                    

Date Published: March 3, 3031

CHAPTER 35.

ELIA

Inihiga na ko ni daddy sa kama ko at kinumutan. Hinalikan niya ko sa noo ko at umupo sa gilid ng kama.

"I'm glad that you're safe, dear." Sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa kama ko.

"Sorry po kung pinag-alala na naman po namin kayo." Umiling siya sa'kin at hinimas ang buhok ko.

"'Wag ka nang mag-alala pa. It's fine. This is part of of our lives kaya sanay na ko." Sagot niya.

"Buti na lang ay nagbigay ka ng sulat sa'min kaya naabutan pa namin kayo kasi kung hindi, baka patay na ngayon si Vicente."

"Nang nakita ko pong duguan si Vicente, hindi ko po maintindihan pero nakaramdam po talaga ako ng sobrang sakit at takot." Pagkwento ko.

"Natatakot po akong mawala siya, daddy." Hinawakan niya ko sa pisnge at natawa ng mahina.

"I know what you feel. We're afraid of losing someone so important to us kaya naiintindihan ko ang nararamdaman mo." Sagot niya.

"Kaya 'wag ka nang mag-alala pa. He's safe. You saved him from them - from death. Kaya magpahinga ka na." Tumango ako.

Inayos na niya ang kumot ulit at pinikit ko na ang mga mata ko para matulog ulit.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito naman ako ngayon sa isang higaan at umupo ako sa kama. Tumingin ako sa paligid at bumangon. Naglakad ako palapit sa bintana.

Agad akong nagtaka nang nakita ko ang labas ng Hidden Tower. Nasa Hindden Tower ako ngayon?

"Tulad ni Linda, konketado ka din sa Hidden Tower." Napatingin ako sa katabi ko at nakita ko si kuya Zidane.

"Tayo ang tagapangalaga ng tore kaya konektado tayong lahat dito, Elia. Hindi nating pwedeng iwan ang tore kaya kailangan nating bantayan ito." Tumango ako.

"Paano si Aphiscus?"

"Ang kaibigan mo at ang professor niyo na ang bahala sa kaniya. Kaya hintayin mo na lang na maligtas nila siya."

"Kaibigan at professor? Si Shiloah at sino ang isa? Marami kaming professors ngayon."

"Si Bryan. Siya ang natulong ngayon kay Shiloah para humanap ng paraan na mailigtas si Aphiscus." Napatango ako.

"Okay lang naman sila diba?" Tumango siya sa'kin at ngumiti. Hinimas niya ang ulo ko.

"'Wag ka nang mag-alala sa kanila. Kaya naman nilang protektahan ang sarili nilang dalawa." Paniniguro niya kaya hindi na ko nagsalita pa.

"Kailangan matalo agad ang mga kalaban para hindi nila magalaw ang Hidden Tower. Ayokong mapahamak ulit si Vicente tulad kanina." Saad ko.

Napahawak ako sa salamin ng tore at napabuntong hininga. Hindi ko agad na may baril palang dala ang witch hunter na 'yon.

Destined Partners: Wizards' Academy -Revenge From The Past-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon