Date Published: June 19, 2020
CHAPTER 19.
ELIA'S POV
Tapos na kaming kumain at hinatid na namin sila kuya Sheign pabalik ng bahay. Hindi namin naabutan sila lolo dahil baka nasa Cave of Awakening sila ngayon.
Pagkatapos naming ihatid silang lahat sa bahay ay naglalakad kami ngayon nila mommy, daddy at Lea pabalik ng academy.
"Sana naman ay hindi tayo pagalitan ng landlady." Rinig kong saad ni Lea at napatango ako sa kaniya. "Sana nga. Sobrang strict pa naman no'n." Sagot ko.
"Don't worry, kami na ang bahala sa landlady niyo. Kami na ang kakausap sa kaniya." Sabi naman ni daddy at agad na huminto si mommy mula sa paglalakad.
Napahinto din kami mula sa paglalakad at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa isang direksyon. Tumingin din kami doon pero puro halaman lang ang nakikita namin.
"Alam kong nandiyan ka lang, Shilo..." May nagpakitang isang maliit na babae at mukha siyang manika. Meron siyang damit na kulay pula at hanggang paa niya ito.
"Tulad ng inaasahan, mararamdaman mo nga ako, Ynna." Sabi no'ng manika. "Anong kailangan ng master mo sa'kin?" Tanong ni mommy.
"Nandito ako para kamustahin ka. Nag-alala si master nang naramdaman niya ang Roseus." Sabi naman no'ng manika.
"Ayos lang ako at nako-control ko na ang Roseus kaya 'wag na siyang mag-alala pa. Mauuna na ko dahil may gagawin pa ko, Shilo." Sabi ni mama at naglakad na siya paalis.
"Ayos lang po ba si mommy, daddy?" Bulong ko kay dad at napatingin siya sa'kin. "No'ng nag-usap naman kami kanina ay ayos lang siya. Hindi ko lang alam ngayon."
"Dad, hindi po kaya dahil sa dark magic na nandito ngayon sa gubat kaya nag-iba ang mood ni mommy?" Umiling si daddy.
"Sa totoo lang ay hindi ko alam, anak. Tara. Sundan na natin ang mommy niyo." Sumunod na kami kay mommy na medyo nakakalayo na.
ROSELINDA'S POV
Nandito ako sa isang puno na malapit mula sa academy at lumilipad na naman ang mga soul catchers para kumuha ng kaluluwa sa paligid.
Naihatid na namin ni Hashton sila Elia ng ligtas sa dorm nila kaya naman dito agad akong dumeretsyo dito para makapagpahinga.
"Dear? You there?" Napatingin ako sa baba at nakita ko si Hashton na may hawak na container. Bumaba na ko ng dahan-dahan mula sa puno.
"Baka gusto mo. Nabili ko lang kanina mula sa bayan." Sabi niya at nakita kong ice cream ang inaalok niya sa'kin.
Umupo ako sa paahan ng puno at tumabi naman siya. Kinuha ko 'yong inabot niyang kutsara at sumandal sa kaniya.
"Ayos ka lang? May problema ba?" Umiling ako. "Ngayon ko lang nalaman na hindi pa pala ako handang harapin si Shilo." Pagkwento ko.
"The doll?" Tumango ako. "'Yon ang manikang version ni Danera. Ang kaluluwa niya ay nandoon sa manikang 'yon."
"What happened between the two of you?"
"Tinulungan ko si Chinzen na i-seal siya sa Lake of Seal dahil sa nawalan na siya ng control dahil sa isang pangyayari."
"Kahit na sinabihan niya kami nila Leirey na kami mismo dapat ang mag-seal sa kaniya ay hinayaan kong si Chinzen ang gumawa no'n."
"Dahil ba sa dapat mas malakas ang koneksyon ng isi-seal sa lawa at ang taong mismong magsi-seal dito?" Tumango ako.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy -Revenge From The Past-
FantasyAnother series for Destined Partners: Wizards' Academy. In the far away continent in the world, there is an academy for wizards that will serve as a place for learning new things and a place to protect others. •*•*•*•*• Roselia Crossevel is part of...