I
Nagmamadaling sumakay si Alliyah sa kaniyang kotse at halos matapilok pa siya sa bilis ng lakad niya. Ini-start niya ang engine ng kotse niya. Napukpok niya ang ang steering wheel ng hindi agad ito nag-start.
Damn this car! Bulong niya sa kaniyang sarili. Pati ba naman itong lintik na kotseng to ipapahamak pa ako!
Napapailing na inayos niya ang rearview mirror ng kaniyang sasakyan at agad na iniatras ang kotse ng makitang walang sagabal sa likod nito. Nang maka atras ang kotse ay agad niyang pinasibad.
Halos liparin nito patungo sa restaurant na pagdadausan ng meeting nila. Ipinahamak siya ng alarm clock niyang walang silbi!
Mantakin mo alarm clock na naturingan pero hindi tumunog para lang magising siya. Napuyat pa man din siya kagabi dahil tinapos niya ang report na pinapagawa ng Boss niya. Kaya ngayon naghahabol siya ng oras.
Napabuntong-hininga na lamang siya at sinulyapan ang sarili sa rearview mirror ng sasakyan. Ni halos magpahid ng kaunting polbo ay hindi na niya nagawa, tanging lipstick nalang niya ang naipahid niya sa kaniyang bibig dahil sa ka-aapura niya.
Binawi niya ang kaniyang tingin at ibinaling sa daan hanggang sa makarating siya sa destinasyon niya. Agad-agad siyang bumaba at binitbit ang mga folders na kailangan niya para sa meeting.
Malamang e kanina pa siya hinihintay ng Boss niya at nasisigurado niyang na abot-abot ang sermong matatanggap niya. Hahakbang na sana siya papasok sa restaurant ng may kotseng mabilis ang takbo, agad siyang nagbawi ng paghakbang niya pero sa gulat niya ay naitapon niya ang mga folders na hawak-hawak niya at nag liparan ang mga laman niyon.
Kung minamalas nga naman! Galit siyang napatingin sa kotse at agad na umupo at isa-isang pinulot ang mga papel na nagkalat. Oh damn! Usal niya. Mabilis niyang pinulot ang mga papel at ang huling papel na akma niyang pupulutin sana ay may pumulot para sakanya.
Tumingala siya upang makita kung sino iyon and she was stunned nung nakita niya ang gwapong mukha nito na nakasuot ng itim na shades, bigla siyang napalunok at nakalimutan ang pagkapoot sa taong may dahilan sa nagkalat niyang mga reports.
At ng tanggalin nito ang shades niya ay mas lalo pa siyang humanga sa kagwapuhang tinataglay nito. A pair of deep black eyes na pag tiningnan ka ay para bang nanunuot sa buong pagkatao mo. A perfect shape of nose at bumaba ang tingin niya sa labi nito and a kissable lips.
Bumaba ang tingin niya sa kabuuan nito at tila ba ito isang mythic gods na nababasa niya sa mga libro dahil he is so perfect at bagay na bagay rito ang kaniyang business suit na suot nito. He is so gorgeous! Oh god!
Kung hindi pa ito tumikhim ay hindi pa siya matatauhan. Bahagyang pagkapahiya ang naramdaman niya.
"Satisfied?" Nakakunot noong tanong nito at marahil ang tinutukoy nito ay ang pagsuyod niya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Inilahad nito ang kamay niya upang tulungan siyang makatayo at agad naman niyang tinanggap dahil nag-aapura siya.
Isang thank you lang ang binigkas niya at tinalikuran ito agad. Pagpasok niya sa restaurant ay natanawan niya agad ang Boss niya na may kasamang isang babae na sexy, na ang edad ay mga nasa late twenties. Napakunot naman ang noo niya. Ang sabi ng kaniyang boss ay lalaki ang ka-meeting nila.
Na-disappoint ba siya na hindi lalaki ang nadatnan niya? E ano naman ang ipinagkaiba ng isang babae sa lalaki? Napapailing nalang siya sa isiping iyon.
Habang papalapit siya sa mga ito ay narinig niya ang tawa ng kaniyang boss. Madalang lang itong tumawa and to her surprise napapatawa ito ng kausap niya. Negosyo nga naman, syempre ang isang business man na gaya nito ay marahil nakikisama sa kausap upang maging maganda ang flow ng gagawin nilang meeting.
Tumikhim siya upang ipahiwatig ang kaniyang pagdating. Agad na nag-angat ng ulo ang boss niya at isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito.
"Oh Ms. Madrigal you are here already, so this is my assistant Ms. Alliyah Madrigal" nakangiting pagpapakilala sa kaniya ng boss niya sa kausap nito. Awtomatiko naman niyang inilahad ang kamay niya at nagpaskil ng isang friendly na ngiti sa kaniyang labi. The girl stared at her hand, and then to her face.
Akala niya nga titingnan niya lang ang nakalahad kong kamay at handa ko na sanang bawiin dahil konti nalang ay mapapahiya na ako ng abutin niya ito. "Nice to meet you Ms. Madrigal." at ngumiti siya.
"So, now umupo kana Alliyah" baling sa kaniya ng kaniyang boss at agad naman siyang umupo sa tabi nito. Dalawahan ang mga upuan bale apat ang upuan at magkatabi sila ng kaniyang boss habang ang babae ay nakaupo sa tapat ng kaniyang boss. May isa pang bakanteng upuan, nagkibit-balikat nalang siya.
Habang inilalabas niya ang mga folders na naglalaman ng mga reports niya ay may naghila ng upuan sa harap niya at umupo.
Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at nag-angat ng ulo. To her surprise it was the guy who nearly bumped her to her death. Napatuon ang tingin ng lalaki sa kaniya, that pair of deep black eyes, sinalubong niya ang mga titig nito at tila nanunuot sa kaniyang kalamnan ang mga titig na yoon.
Isang tikhim ang narinig niya kaya nagawa niya mag-iwas ng tingin.
Tila siya nahihipnotismo ng matitigan niya ang mga mata nito, tila ba siya namamagnet at parang gusto niyang tumayo at lumapit dito.
Napailing siya, ano bang nagyayari sakanya? Unang pagkikita palang nila ng lalaking ito ganito na ang nararamdaman niya. Is this the so called attraction? Maybe.
At sinundan niya nalang ng isang buntong hininga. Yes, this man is so attractive 'cause he has the looks, Oh god ano ba tong nangyayari sakin? Mariin siyang napapikit, at tila ba napansin ng boss niya iyon kaya binalingan siya nito.
"Ms. Madrigal what is the problem? are you sick?" Nakakunot noong tanong nito.
"Nope Sir I'm fine," at umupo siya ng tuwid. "So, let's start the meeting." segunda niya.
BINABASA MO ANG
Loving Her Husband_ R-18 [COMPLETED]
RomanceThanks to @yowrekuh for my wonderful cover! ^__^ [RATED SPG] [EDITING] HIGHEST RANKING #2 in xxx ranking. ♡★ #2 kabet😘😚 Simple lang ang buhay ni Alliyah hanggang sa nakilala niya si Philip Singson a businessmen na may ari ng isang kompanya. Hang...