Chapter 7

3K 99 7
                                    

Inihanda na ni Alliyah ang mga plato at kutsara sa lamesa. Nakaluto na kase si Philip. 

Para silang close na close ang kung titingnan at parang napaka sweet tingnan. What? Sweet? Nahihibang nanaman siya.

Umupo na sya at hinitay na maghain si Philip. At tahimik silang kumain.

"So, ano na nga yung sinasabi mo kanina?" Tanong nya habang kumakain.

Napalingon naman siya rito. Ang totoo niyan magkatapat lang sila ng kinauupuan. 

"Bakit ka umatras sa investment?" Tanong niya habang nakatingin siya ng diretso sa mga mata nito.

"Itutuloy ko ang investment ko sa isang kundisyon" nakatingin din ito ng diretso sa mata niya.

"Ano?" Itinigil niya ang kaniyang pagsubo para mapakinggan ng maayos ang sasabihin nito. Lumipas ang ilang sandali bago ulit ito nagsalita.

"I want you as my lover,"

"What?! That is ridiculous!" Galit na asik niya rito at tiningnan niya ito ng may poot sa kanyang mga mata.

"That is my condition. Kung ayaw mo, e di ganun talaga" kibit balikat nitong sagot at itinuloy na ang pagkain.

To be his lover?! What the hell! That's insane. I don't wanna be a so called mistress! I am a decent woman! Damn it! Isasakripisyo ko ba ang pagkatao ko sa isang investment? Hindi maaring hindi makuha ng boss ko ang investment na galing kay Philip dahil sobra itong mahalaga. Pero kailangan ba na ganito ang maging kapalit? Ako kapalit ng pag iinvest nya?

"Bakit kailangan mo pa ako e may asawa kana?" Nagngangalit ang mga ngipin at nagtatagis ang mga bagang na tanong niya rito.

"She's staying in the US, that's why. I want you to fill my empty bed" 

What the hell? Ano ako kaladkaring babae? Ganun ba talaga kababa ang tingin nya saakin? Damn this man! 

Nakipagtagisan siya ng tingin sa rito. Walang gustong magpatalo.

Tumayo na siya at akma ng aalis ng hawakan nito ang kamay niya. 

"Think about it," hinila niya agad ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito at atubiling lumabas ng pad nito. 

"To be his lover?! Damn him!" Galit na usal niya habang pababa ng elevator.

Hindi muna siya umuwi. Dumaan muna siya sa bar na paborito niya at nag order siya agad ng tequila. Gumuhit ang init sa lalamunan niya kahit nakakaisang lagok pa lang siya. Napapikit siya pagkatapos niyang lumagok. Gusto niyang makalimot kahit isang gabi manlang dahil sa problemang kinakaharap niya. 

I want you to be my lover

I want you to fill my empty bed.

Oh damn him! To be her mistress? Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao sa akin? Oh shit. Nasapo niya ang kanyang mukha  gamit ang kaniyang mga palad.

"Mukhang malaki ang problema mo ah," napa angat naman siya ng kanyang ulo ng marinig ang boses na yun. At nakita niya si Joana sa katabi niyang stool.

"Care to share?" She ask.

Umiling lang siya. "Wala ito. Matagal na kase akong hindi nakakainom," at itinaas niya ang kanyang baso at nakipag cheers sa kanya.

"Ikaw bakit ka nandito? May problema ka ba?" Nakataas ang kilay niyang tanong rito. Nakatingin lang din ito sa drinks nito at pinaikot ikot ito.

Humugot muna ito ng malalim na buntung hininga bago nagsalita.

"Hindi ko alam kung ano itong pinasok ko." Tumigil ito saglit bago nagpatuloy. "Alam kong alam mo ang tinutukoy ko," at nag angat ito ng tingin at nagsalubong ang mga mata nila. 

Tumango lang siya bilang pag sang ayon.

"Mali nga ba iyon?" Tanong nito sakanya. 

"Sa mata siguro ng iba," kibit balikat niyang sagot. "Pero for me its not a big deal,"

Ngumiti ito sakanya. 

"I thought you are such a cold hearted girl. So stiff," naiiling nitong sabi.

"Yeah maybe. Ganun lang talaga ako"

"I know. I know"

Lumipas ang ilang sandali bago ulit ito nagsalita.

"Alam mo bang palugi na ang kompanya?" Sabi nito. Napalingon naman siya rito. Nakatingin parin ito sa baso nya. Tumungga muna ito bago ulit nagsalita.

"Kaya kailangang kailangan ng investment ngayon ng kumpanya," napahugot ito ng isang buntung hininga. "Lalo na ang galing kay Mr. Singson" isa pa ulit na buntung hininga ang pinakawalan nito.

Nagulat naman siya sa balita nyang iyon. Kaya siguro nitong mga nakaraang araw ay napapansin nyang tila laging lutang ang isip ng boss nya. Marahil ay naiistress ito. 

Siya naman ang nagpakawala ng isang buntung hininga. Ano ngayon ang gagawin nya? Isasalba ang kompanya gamit ang sarili nya? 

Malaki ang utang na loob nya sa kanyang boss dahil ng mamatay ang magulang nya ay ito na ang umako sa lahat ng responsibilidad sa kanya. Pinag aral sya nito binihisan at binigyan ng magandang trabaho. Kaibigan ito ng kanyang yumaong ama kaya marahil ay naawa ito sa kanya at tinulungan sya. Minsan pa ay nagpakawala ulit sya ng isang malalim na buntong hininga at ininom ang natitira pang laman ng baso niya. Tumayo na sya at nagpaalam na kay Joana.

Loving Her Husband_ R-18 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon