Chapter 10

3.1K 89 4
                                    

ALLIYAH

 

Pagkaalis ni Philip ay nagpasya na rin akong tumayo mula sa kama at nagtungo sa aking apartment. 

Nahiga ako sa sarili kong kama at tahimik na iniikot ang paningin sa aking silid. Pakiramdam ko'y napakatagal ko nang hindi umuwi. Hinaplos ko ang kobre kama at pumikit. 

Agad na mukha ni Philip ang lumitaw sa aking isipan at hindi ko iyon inaasahan. Ano na ba talaga ang nangyayari saakin? 

Ano na lang ang sasabihin ng boss ko kapag nalaman nito ang tungkol sa kanila ni Philip. Ano nalang?

Isang buntung hininga ang pinakawalan ko kasabay ng pagbangon ko mula sa kama.

Napasapo ako sa aking mukha. Ano na ang gagawin ko ngayon? Isa na akong mistress, querida, lover o kept woman. Lahat ng yun ay tumutukoy na akin. Tumayo ako at tinungo ang full length mirror na nasa tabi ng closet ko at tiningnan ang sariling repleksiyon.

Alliyah Madrigal, 24 years of age and a kept woman of Philip Singson. Napangiwi ako sa isiping iyon. Ang pangit sa pandinig pero yun ang totoo. Para lang hindi mawala ang kumpanya at para lang maisalba ito sa nalalapit na pagbagsak ay kumapit ako sa patalim.

Tinitigan ko ang kaniyang sarili. Maganda pa rin naman ako as usual pero may dumagdag sa aura ko. Ang kakaibang kislap ng aking mga mata na hindi ko rin alam kung anong dahilan. 

Natigil ako sa pagsasalamin ng tumunog ang cellphone ko. Agad kong dinampot ang aking cellphone na nasa ibabaw ng aking kama. Si Jake ang tumatawag. Isang investor rin namin sa kompanya. Napakunot naman ang noo ko bago ko ito sinagot.

"Hello?" Magkasalubong ang kilay kong tanong.

"Oh, hello darling," napangiwi ako sa endearment nito. Si Jake ay matagal ko ng manliligaw. Well, he's a good looking pero ewan ko ba pero wala akong atraksiyon dito. Mayaman at higit sa lahat binata hindi kagaya ni Philip na may sabit at isa pa ay kababata niya ito.

"May party kase na dapat daluhan ang mga business men na kagaya namin nila Tito. Since, wala akong mayaya ikaw nalang ang yayain ko. Pwede ba?" 

Pwede ba? Tanong ko din sa sarili ko. Well, since wala din naman akong lakad why not? Diba?

"Sure. Anong oras ba?" 

"Ill pick you exactly at 7," and then he hang up. 

Nagkibit balikat nalang ako at binuksan ang closet at ngayon pa lamang ay mamimili na ako ng susuutin ko para hindi na ako mag apura mamaya. 

Lumipas ang maghapon ay hindi ako tinawagan ni Philip. Marahil ay talagang naging busy ito sa opisina.

Bago mag alas siyete ay sinusundo na nga ako ni Jake. 

Pero hindi pa ako lumabas ng kwarto dahil hindi pa ako tapos mag ayos. Naglagay ako ng light make up sa aking mukha.

Tiningnan ko ang aking sariling repleksiyon at napangiti ako. Nakalugay ang alon alon kong buhok na hanggang balikat na naka dye ng blonde. Bumagay rin sa hubog ng katawan ko ang gown kong suot na kulay black na off shoulder type kaya litaw ang aking mga mapuputing balikat. Medyo daring ang tabas nito sa likod at halos wala ng  natakpan halos sa aking likod. Nagsuot din ako ng isang magandang ternong hikaw na pamana ng aking ina at may kapares na kwintas.

Nang makuntento na ako sa aking itsura ay saka lamang ako lumabas.

Nakatalikod si Jake sa akin at nang naramdaman niya na naroon na ako ay unti unting lumingon ito sa akin.

Agad na napalingon si Jake sa aking direksiyon at napatitig ng husto rito na akala mo ay iyon palang ang unang beses niya akong nakita. Matagal niya na itong nililigawan at hindi niya maintindihan ang sarili dahil hanggang ngayon ay napapatulala pa rin siya rito. He was stunned ng makita niya itong lumalakad papalapit sa kanya. He swallowed hard habang sinusuyod ito ng kaniyang mga mata.

"Para kang natuka ng ahas," biro kl sa kanya habang nakatawa.

"Well, you're stunningly beautiful Alliyah," at napalunok ulit ito at pinilit na ngumiti. 

"Shall we?" Tanong ko rito.

"Sure," at agad naman akong humawak sa kamay nito.

Inalalayan ako ni Jake sa pagsakay ko sa kotse nito. Napaka gentleman talaga nito bulong ko sa aking sarili.

Kung sana natuturuan lang ang puso.

Sana ikaw nalang Jake.

At sumandal ako sa headrest ng kotse.

"Are you alright?" Nag aalalang tanong nito sa akin na nakahawak sa susi at iistart na sana ang kotse.

Pinilit akong ngumiti. "I'm fine," mahinang sagot ko.

May gusto pa sanang sabihin ito pero mas pinili nalang nitong wag sabihin at pinaandar na ang sasakyan.

Tahimik ako sa buong byahe at nakatingin lamang sa labas. Medyo ma traffic  kaya medyo patigil tigil ang byahe namin. 

Mag aalas otso na ng makarating kami sa pagdadausan ng party. 

Nang akma ko ng bubuksan ang kotse ay agad na umibis si Jake upang pagbuksan ako ng pinto na animoy isa akong prinsesa.

Napangiti ako sa ginawa nito. "Salamat," 

Ngumiti rin ito sa akin at inilahad ang braso niya upang humawak ako. Agad naman akong humawak dito at magkasamang tinungo ang isang hotel. Sa lobby ay iginiya kami ng isa sa mga staff doon kung saang ang pagdada usan ng party.

Ang sabi ni Jake ay anibersaryo ng isang kilalang negosyante ang kanilang pupuntahan kaya malamang ay maraming pupuntang mga malalakung tao sa parting iyon.

Ang bukana ng hall ay napapalibutan ng naggagandahang bulaklak at sa kanang bahagi ay ang buffet at isang bar na. Sa paligid naman ng hall ay naroon ang mga upuan at lamesa na naayusan. At sa gitna ay naroon ang dance floor. 

Inikot ko ang akinh paningin sa mga taong naroon. Mga pawang negosyante at mga kilalang personalidad sa lipunan. Napabuntung hininga ako. Ito palang ang pangalawang beses na sumama siya sa party na kagaya nito dahil ayaw ko sa ganitong mga okasyon. 

Iginiya ako ni Jake sa isang lamesa at agad akong napangiti ng makita ang Tito niya ang nakaupo sa isang lamesa kasama si Joana.

"Oh Alliyah hija. You look beautiful tonight." Sinserong bati nito sa akin. 

"Thank you Tito," at umupo siya sa tabi ni Joana na agad ko namang nginitian. Si Jake at ang Tito niya ay agad na nag usap tungkol sa kumpanya. Inikot ko ang aking mga mata sa paligid ng matuon ang aking mga mata sa pares na kapapasok lang.

Loving Her Husband_ R-18 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon