Chapter 11

3K 86 10
                                    

Agad na nagkislapan ang mga kamera sa pagpasok ng dalawang taong kapapasok lang. Nakangiti ang lalaki at mas lalong nakangiti ang babae. Ito ay si Pia Jimenez na isang kilalang artista. 

Mas lalo pang lumapit ito sa lalaki at idinikit ng husto ang sarili. Ang damit nitoy tila two piece swim suit sa itaas at kitang kita ang cleavage na ang likod ay wala ng tinakpan. Ang mga mata ng mga lalaking naroon ay sa babaeng iyon nakatingin lahat sila ay halatang naiinggit sa escort nito na walang iba kundi si Philip lang naman.

Nagngingit ang kalooban niyang inalis ang paningin doon sa bukana ng hall at itinuon sa lamesa ang tingin.

Kaya pala hindi siya tinawagan nito! Dahil busy ito sa paghahanda sa party na iyon!

Hindi niya alam kung bakit siya nagngingitngit. Naiinis siya sa lalaki pero bakit? Dahil ba may kasama itong ibang babae na pumunta sa party?

Tiningnan niya ulit ang dalawa na ngayon ay nakaupo na sa isang mesa at prenteng nakaupo katabi si Philip.

Pumailang lang ang isang tugtog at agad na niyakag ng babae si Philip na sumayaw. Hindi niya hiniwalayan ng paningin ang mga ito. 

Ikinawit ng babae ang mga kamay sa leeg nito at si Philip naman ay nakangiti habang ang mga kamay ay nasa beywang nito at hinapit ito. Halos wala ng space sa pagitan ng mga ito. And they were happily talking! Damn this man! Lahat ba talaga ng babae ay nadadaan nito sa charm niya?

Agad siyang tumayo. 

"Saan ka pupunta?" Napalingon sa kanya si Jake at natigil sila ng Tito niya sa pag uusap. Si Joana ay tahimik lang na nakamasid.

"Mag ccr lang ako," at tinungo niya ang banyo. Hindi pa siya nakakarating sa banyo ng bigla nalang tumulo ang luha niya. 

Damn that man! So lahat ng babae ay kaya niyang paikutin? Lahat ng babae ay kaya niyang kuhanin ang atensiyon? 

Agad niyang pinunas ang luha niya at nilock ang pinto pagkapasok niya. 

Tumingin siya sa kaniyang repleksiyon sa salamin. Maganda rin naman siya katulad ng babaeng iyon. Sexy. Alluring. Nasasaktan ang ego niya na hindi man lang siya ang niyayang maging date nito sa party na iyon.

Pero bakit? Dahil ba isa lang akong parausan niya? Oh damn!

Agad siyang lumabas ng cr at may nakasalubong na waiter. Kumuha siya ng isang basong champagne. 

Pagkarating niya sa kanilang lamesa ay umupo siya kaagad at tiningnan ang dalawa sa dance floor. Patapos na ang kanta kaya inakay na ni Philip si Pia sa kanilang upuan. Halos mabasag ang baso sa higpit ng hawak niya. 

Kung nakakamatay lang ang tingin niya ay malamang kanina pa bumulagta ang dalawa sa sahig.

Ininom niya ang laman ng baso. Agad na gumuhit ang init sa lalamunan niya at bahagyang naubo.

Napalingon naman si Jake sa kanya.

"Ano ka ba. Bat ka uminom?" May galit sa tono nito.

"Malaki na ako Jake," balewalang sagot niya. Ayaw niyang mapagbuntunan ng galit ito dahil wala naman itong kasalanan. 

"Okey. But care to dance?" Nag iba na ang tono nito at bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha. 

"Sure," at ngumiti siya ng matamis.

Agad siyang inalalayan papunta sa dance floor. Pumainlanglang ang isang sweet music. 

Hindi siya nagreklamo ng igiya ni Jake ang mga kamay niya sa balikat nito. Pero sa batok niya inihawak ang mga kamay niya. At agad namang pumulupot ang mga kamay nito sa beywang niya. Idinikit nito ang katawan niya sa katawan nito at halos magkadikit na rin ang katawan nila.

Nakatitig si Jake sa kanya at ganoon din siya.

"Have I told you that you're very lovely tonight?" Bulong nito sa kaniyang tainga.

She smiled. Lalo ng inikot siya ni Jake at makita ang nagsasalubong na kilay ni Philip habang nakatingin sa kanya..

"Nasabi mo na," at matamis siyang ngumiti rito. 

Jake smiled. "Tingnan mo ang mga lalaki sa paligid. Naiinggit sila saakin. Hinahangad nila na sila nalang ako habang kasayaw ang magandang dilag na kagaya mo."

Napangiti naman siya. Of course. Syempre sa ganda niya ba namang iyon sino ang lalaking hindi maakit sa kanya? Lalo na at nakabihis siya.

They were dancing so sweet ng nangangalahati palang ang tugtog ng isang tinig ang narinig niya. 

"My turn pare," Napakunot naman ang noo ni Jake.

"Teka pare, hindi pa tapos ang kanta tyaka baka hindi papayag si-" 

"Sige na Jake. Its okey." Agap ko sa sasabihin niya. 

Tiningnan niya si Philip ng may galit sa mga mata at pinisil ng bahagya ang kamay ko.

Pinanood ko siya hanggang sa makaupo at nakatingin sa amin ni Philip na kunot ang noo.

Napabaling ang tingin ko kay Philip ng hapitin niya ako at mahigpit na hinawakan sa beywang. 

Tila ilang boltahe ng kuryente ang gumapang sa katawan ko nung oras na iyon. Agad akong napakapit sa batok niya dahil pakiramdam ako ay parang mututumba ako. 

"Bakit ka nandito? At bakit kasama mo ang lalaking iyon?" Galit nitong tanong. 

"Wala kang pakialam kahit saan ako magpunta at kung sino ang kasama ko!" Angil ko sakanya. 

Tiningnan niya ako na nagngangalit ang mga bagang at tila maglalabas ng apoy ang mga mata. Agad naman akong kinilabutan sa itsura niya.

Mas hinigpitan niya pa ang pagyakap sa akin.

At ilang sandali pa ay hinila niya ako palabas ng hall at tinungo ang hagdan paitaas. Sobrang higpit ng ng hawak niya sa kamay ko. At nasasaktan na ako.

Umakyat kami sa itaas at iyo ay rooftop pala. Marahas niya akong ibinalya sa dingding. 

"Wala kang karapatang sumama sa iba!" Galit na galit na sabi niya.

Nahintakutan ako sa itsura niya. At bago pa ako makapagsalita ay marahas niya akong hinalikan. 

Halik na nagpaparusa. At hinapit siya ng sobrang higpit. So ironic pero sinagot niya ang halik nito ng isang mainit na halik. Hindi niya na rin alam sa sarili niya kung anong gagawin niya. 

Ikinapit niya pa ang mga kamay niya sa batok nito. She parted her lips and welcome his tongue na tila isang agila na sumasalakay sa kaniyang bibig. 

Unti untiy nagbago ang paraan ng paghalik nito sa kanya. At tumigil ng parehas na sila na kinakapos ng hininga. 

Ang dalawang kamay ni Philip ay nakakapiy sa dingding pinning her. 

Nakatitig lang ito sa kanya. And damn she can feel that he is arouse.

Hinawakan niya ang mga labi ko na tila namamaga na dahil sa marahas na halik niya.

"Akin ka lang," he whispered huskily. 

"Damn you! Pinagbabawalan mo akong sumama sa iba e samantalang ikaw ay may kasamang iba!" Itinulak niya ito at mabilis na naglakad pababa at bumalik sa hall.

Damn him! 

Loving Her Husband_ R-18 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon