Chapter 6

3.1K 97 11
                                    

VI







Napakunot ang kanyang noo  nang ipatawag siya ng boss niya. Ano na naman kaya ang kailangan nito sa kaniya? Nagpakawala siya ng isang buntung-hininga bago tumayo at pumasok sa silid na katabi lamang niya.

Pagbukas niya ng pinto ay agad niyang nabungaran ang boss niya na nakaharap sa executive desk nito. Hindi man lang ito nag-abalang mag-angat ng tingin nang makapasok siya na siya loob.Lumapit na lang siya rito pagkaraan ng ilang sandali.

"Have a seat please." Sabi nito, kaya napilitan siyang umupo, hindi pa rin ito nag- aangat ng tingin hanggang sa mga oras na iyon.

Bumuntung-hininga muna ito bago nagsalita at tumingin sa kanyang mga mata. He looks bothered.

"I want to deal you with Mr. Singson Alliyah," at tumingin ito sa kaniya  tyaka itinigil ang kanyang ginagawa at sumandal sa kanyang swivel chair. "Muhkang aatras siya sa investment." nahahapong napapikit ito at napahilot sa kanyang sentido.

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi nito. "Hindi ba nakapirma na siya ng kontrata?" She asked perplexedly.

"Iba ang nakuha mong mga papeles Alliyah." At iniabot nito sa kaniya ang mga papeles upang matingnan niya. Bigla siyang nanlumo.

Iba nga talaga. Napatitig siya sa mukha ng boss niya. Parang medyo pumayat pa ata ito nitong mga nakaraang araw. Napailing na lamang siya.

"Gusto kong sadyain mo sya Alliyah, please kailangan natin ang investment niya." nag-ma-ma-kaawang sabi nito.

Bigla naman lumambot ang puso niya sa itsura nito. "Sige, bukas nalang sir." At tumayo na siya.

"Thank you." at sumilay ang ngiti nito sa mga labi. Naglakad na siya palabas ng opisina nito at bumalik sa kanyang pwesto.

Talaga bang pupunta ako doon? Anong gagawin ko doon? Magmamakaawa na mag invest siya? May  ihaharap pa ba akong mukha sakanya? Pagkatapos ng nangyari saamin sa loob ng opisina niya. At isa pa may asawa na siyang tao, saan ko na lang inilagay ang moral ko?

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntung-hininga bago tumayo. Hinagilap niya ang kanyang bag  at naglakad papunta sa elevator at bumaba.

Nakapag-isip na siya.

Ngayon na lang siya pupunta, hindi niya na dapat pang ipagpabukas pa.


-----

PAGKARATING niya sa building nito ay agad siyang dumiretso sa sekretarya nito.

"Andyan pa ba si Mr. Singson?" Tanong niya sa sekretarya nito.

Tumingin muna ito sa orasan bago siya nito sinagot. "Mag-a-alas singko na ma'am hindi na siya tumatanggap ng appointment." matabang nitong sagot pero pilit pa rin siya nitong  nginitian.

Napaikot naman yung mata niya. Nagsayang lang pala siya ng effort niya.

"Iiwanan ko nalang itong calling card ko sakanya." At inabot dito ang calling card niya na dinukot niya mula sa wallet niya. "Make sure na maibigay mo yan kase importante lang talaga." ngumiti siya at tumalikod na.

Pagkarating niya sa kaniyang bahay ay alas sais pasado na. Naligo muna siya at agad nagbihis. Magluluto nalang siya ng kakainin niya. Bubuksan niya pa lang sana ang kaniyang mini ref ng tumunog ang cellphone niya.

Napakunot ang noo niya dahil hindi nakarehistro kung sino man ang tumatawag. Nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin niya ito o hindi. Pero pinili niya nalang itong sagutin dahil baka importante ang sasabihin ng kung sinumang tumatawag.

"Hello..."

"What do you need?" Nagulat siya. It was Philip.

Lumunok muna siya at huminga ng malalim bago ngasalita.

"Bakit umatras ka raw sa pag-i-invest mo?"

"Oh, that. Nakapag isip isip lang kase ako." Saad nito na tila nang iinis mula sa kabilang linya. Hindi niya man makita ang istura nito ngayon ay nasisiguro niyang nakangisi ito sa kanya.

"What? Nakapag-isip-isip dahil nakuha mo na yung gusto mo ganun?!" She greeted her teeth. Biglang uminit bigla yung ulo niya.

"Well," at parang nakikinita kong nakangisi pa ang loko! "Kung gusto mo talaga akong kumbinsihin-" pinutol nito ang sinasasabi.

"Ano?"

"Pumunta ka dito sa pad ko and let's talk."

"What? Are you nuts? Gabi na. Hindi na oras ng trabaho!"

"Ikaw ang bahala, sige-"

"No! Wait!"

Narinig niya ang marahang pagtawa nito. Damn this man!

Ibinigay nito ang address, kaya agad rin siyang nagbihis.

Pagdating sa condominium na sinabi nito ay nalula siya sa karangyaan na nakikita niya. Lobby palang ay kakikitaan na ng karangyaan. Sumakay agad siya ng elevator at pinindot ang floor na pupuntahan niya. Agad rin naman siyang nakarating sa destinasyon niya.

Nahanap niya agad ang pad nito dahil dalawang kwarto lang ang nandoon sa palapag na yun.

Isang katok lang ginawa niya ay agad na nitong binuksan. Halatang hinihintay talaga siya nito. Malawak ang pagkakangiti nito ng buksan ang pinto.

"Come in." at niluwangan nito ang pagkakabukas ng pinto.

Hindi niya mapigilang mamangha sa ganda ng structure ng pad nito. Navy blue ang pintura ng dingding at may sofa na kulay black sa sala. May mga painting din na nakasabit sa dingding.

"Have a seat." pero tiningnan niya lang ito ng masama. Tumawa lang ito.

Umupo rin siya pagkaraan ng ilang minuto.

Umupo rin ito sa tabi niya.

"Did you eat already?"

"Let's just go down to business please." She pleaded.

"We must eat first." sabi nito at hinila siya patayo at iginiya sa kusina.

Ipinaghila pa siya nito ng upuan. Oh how sweet! Ano ba! Pagalit ko sa sarili ko.

"Umupo ka lang dyan at ipagluluto kita." nakangiting sabi niya.

Oh that smile could melt my heart in a second. Damn! Damn!

Buti nalang at tumalikod na ito agad kaya hindi na nito nakita ang sunod-sunod na pa-iling niya.

She just watched him. Nakamasid lang siya rito habang nagluluto. Kung sana lang. Natampal niya ang kaniyang noo. Kung anu-ano na naman pumapasok sa utak ko.

In the first place bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?

Naihilamos niya ang kaniyang kamay at nangalumbaba habang pinapanuod niya itong nagluluto. Pa kembot kembot pa ito kaya bigla siyang napatitig sa pang upo nito. How firm it is. Bigla tuloy siyang napalunok ng wala sa oras at ipinilig  ang ulo. Kung ano anong pumapasok jan sa kukote mo Alliyah!

Loving Her Husband_ R-18 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon