Isang suntok ang pinakawalan ni Jake sa mukha ni Philip. He greeted his teeth. Galit na galit siya. Galit na galit.
Napasubsob ito sa mesa executive desk nito. Akma niyang susuntukin nanaman ito ng mabilis itong nakatayo at hawak ang panga.
Tiningnan siya ng masama nito.
"Anong problema mo?!" Asik nito sa kanya.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sigaw niya rin dito at naglakad siya palapit dito at akmang susunggaban ng mabilis itong kumilos at kwinelyo siya pagkatapos ibinalya sa dingding.
Tiningnan siya nito ng nag aapoy ang mga mata.
"Wala akong atraso sayo!" Sigaw niya na nag iigting ang mga bagang.
"Sa akin wala! Pero kay Alliyah meron!" Agad itong tila natilihan sa pagkakarinig sa pangalan ni Alliyah. Agad niya ito itinulak at sinuntok ulit sa panga. Napaupo ito at agad niya nanaman sinuntok.
"Wala kang karapatan na gawin sa kanya iyon! Na iwan siya na parang basura lalo pa at buntis siya!" Tumaas baba ang dibdib ni Jake habang nakahawak sa kwelyo nito. Inupuan niya ito sa tiyan at gustong gusto niya itong patayin sa sobrang galit. Halos nanginginig ang buong katawan niya sa matinding galit.
Ibinagsak niya ito at tumayo. At umalis sa opisina ni Philip.
Abala si Alliyah sa panonood ng isang hollywood movie at prenteng nakaupo sa sofa na nakataas pa ang mga paa sa mesita.
Alas diyes na ng umaga. Nag absent muna siya sa opisina. Gusto niya munang magpahinga.
Nakafocus siya sa panunuod ng biglang bumukas ang pinto. Pabalya ang pagbukas ng kung sino man dito kaya gumawa ng malakas na ingay.
Nagulat pa siya ng si Philip ang makitang pumasok. Tila unti unting bumalik lahat ng sakit pagkakita niya rito.
"A-anong ginagawa mo rito?" Pinilit niyang patatagin ang sarili niya. Pinipigil niya ang sarili na takbuhin ito at yakapin. Miss na miss niya ito.
Mataman siya nitong tiningnan. Kitang kita niya ang pangingitim ng baba ng mga mata nito at ang pagtubo ng mumunting balbas nito nakita din ni Alliyah ang tila galos nito sa kaliwang pisngi at medyo putok ang ibabang labi.
Katulad niya rin ba ito na nahihirapan sa paglalayo nilang dalawa?
Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya.
Huminga ito ng malalim at tumingin sa kanya.
"Lets talk." At ginagap nito ang kamay niya. Agad siyang napapitlag sa ginawa nito. Binawi niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak nito.
"Wala na tayong dapat pag usapan," at umiwas siya ng tingin at pilit na pinatatag ang sarili. Kailangan niyang palakasin ang loob niya. Kung bakit ba naman nagpunta pa siya dito. "Umalis kana. Baka hinahanap kana ng asawa mo." halos hindi iyon lumabas sa bibig niya.
Tumayo na siya at akmang tatalikod na ng hawakan niya ang kamay niya kaya napatigil siya sa paghakbang.
"Please lets talk.." Nagmamakaawang sambit nito.
Umupo ulit ako. Siguro nga kailangan namin ng closure. Siguro kailangan namin ng maayos na paghihiwalay.
Paghihiwalay. Tila hinihiwa ang kanyang dibdib sa isiping iyon. Parang unti unti siyang kandilang nauupos.
Mahabang sandali ang lumipas bago ito nagsimulang magsalita.
"Nagtalo kami pagkaalis mo. Sobrang nagalit ako sa kanya sa ginawa niya sa iyo. And I am sorry for that." tumingin siya sa akin at sinserong tinitigan ako.
Tila ako matutunaw sa pagkakatitig niya.
"Alam mo bang kararating ko lang galing sa ibang bansa kaninang alas tres ng umaga?" At tumawa siya ng pagak. "Isang taon na kaming kasal ni Bridgette Alliyah, pero sa isang taong iyon ay puro kami pag aaway. Nakilala ko siya noon sa isang party na dinaluhan ko and she was beautiful then." at napatingin siya labas.
Ano ang pakialam ko ngayon? Bakit niya sinasabi ang mga ito? Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy siya.
"Isang buwan pagkatapos ng party ay sinabi niyang buntis siya at iginiit na ako ang ama ng dinadala niya. Wala akong nagawa kaya pinakasalan ko siya sa ibang bansa. Blinack mail niya ako na kapag hindi daw ako nagpakasal sa kanya ay sisiraan niya ako sa media kaya pinakasalan ko siya. Ayokong masira ang image ko dahil sa business ko." napabuntung hininga ito.
"Pero ng lumabas ang bata ay parang wala akong naramdaman na affection. At 8 months lang ito ng lumabas. Nakakapagtaka hindi ba? Kaya pina imbestigahan ko siya. " nakita ni Alliyah kung paano naggalawan ang mga muscle nito sa mukha.
"Pina dna ko ang bata ng hindi niya alam at hindi kami nagmatch." nagtagis ang mga bagang nito at ikinuyom ang kamao.
"Pinikot niya ako. At ako naman si tanga ay agad na naniwala. Kaya ako hindi nakapunta sayo agad ay dahil pumunta ako sa ibang bansa at nakipag divorce sa kanya." At sa puntong yun ay tumingin siya saakin.
Bigla nalang tumulo yung luha ko. Kinabig niya ako agad sa kanyang dibdib at niyakap ako ng mahigpit.
"Don't cry honey. Oh God knows how I missed you..." bulong niya at mas lalong hinigpitan ang yakap niya saakin.
"I cant breath.." Saka naman siya parang natauhan at kumalas siya sa pagkakayakap sa kaniya. Mataman siya nitong tinitigan may kakaibang kislap sa kanyang mga mata.
Bumaba ang mukha nito sa kanya. She parted her lips and welcome the kiss. Agad din siya nitong binitiwan.
"Oh I love you Alliyah" sinserong pahayag nito.
Tila siya nabibingi sa naririnig niya. At sobrang saya ang nararamdaman niya ngayon.
"And I love you too." Naluluhang sagot niya.
Bumaba ulit ang mukha nito at hinalikan siya. Sobrang saya ang nararamdaman niya.
Divorce na ito sa asawa niya at malaya na sila. Tinugon niya ang mga halik nito ng kasing alab ng halik nito sa kanya.
May ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi ng pangkuin siya nito patungo sa kanyang silid.
BINABASA MO ANG
Loving Her Husband_ R-18 [COMPLETED]
RomanceThanks to @yowrekuh for my wonderful cover! ^__^ [RATED SPG] [EDITING] HIGHEST RANKING #2 in xxx ranking. ♡★ #2 kabet😘😚 Simple lang ang buhay ni Alliyah hanggang sa nakilala niya si Philip Singson a businessmen na may ari ng isang kompanya. Hang...