V
Napahilot sa kaniyang sentido si Alliyah dahil sa nakatambak na mga papeles sa kaniyang lamesa. Napasandal siya sa kaniyang swivel chair at napapikit ng mariin.
Alas-sais na ng gabi. Pinili niyang mag-overtime para naman bukas e mabawasan na ang kaniyang mga ginagawa. Pero parang kahit magdamag pa siyang umupo sa harap ng lamesa niya ay hindi ito mababawasan sa sobrang dami talaga.
Nangalumbaba siya at napatitig sa kawalan. Mag-isa niya na lang ngayon sa office nila. Wala na siyang ibang kasama. Kaya nga napagpasyahan niya na lang na u-uwi na lang muna siya at itutuloy bukas ang kaniyang ginagawa.
Tumayo na siya at nag-umpisang magligpit ng mga gamit niya. At kinuha ang kaniyang sling bag. Naglakad na siya papunta sa elevator at bumaba. Tinungo niya agad kaniyang kotse na nasa parking area.
"Gutom na ako," she mumbled. Saka hinawakan ang tiyan niyang naghuhurumentado na, habang naglalakad patungo sa kotse niya. Binuksan niya agad ang pinto ng driver's seat at ibinalibag sa likuran ng kotse ang kaniyang bag.
Dadaan na lang muna ako sa isang foodchain. Hindi ko na kayang magluto pa.
At huminto siya sa tapat ng establisyementong iyon. Bumaba siya agad at itinulak ang salaming pinto ng diner na iyon. Agad siyang magpunta sa counter at umorder.
Pagka-order niya ay tinungo niya ang pinakasulok na bahagi ng foodchain na iyon. Umupo na siya at nanguha ng magazine na babasahin. Magbabasa muna siya para ma-refresh yung utak niya dahil napagod ito sa maghapon sa trabaho.
Ilang saglit pa ay dumating na ang order niya kaya kumain na siya. Masigla siyang kumain dahil nagugutom talaga siya ng mahagip ng paningin niya ang dalawang taong kapapasok lang ng kainan na iyon.
The guy is wearing his business suit and looked dashing. May kasama itong babae na blonde ang buhok. She's wearing a black cocktail dress na medyo daring sa harap at likod. Dahil kita na ang cleavage niya. And the guy was wearing a genuine smile. The heck! Sinundan niya lang ng tingin ang mga ito hanggang sa kanilang pagpunta sa reserve na u-upuan nila at kung pano nito ipaghila ng upuan ang babae, at kung paano niya ito aalalayan.
The nerve! Biglang tumalim ang tinging ipinukol niya sa kanila. Teka? Bat ba ako nagagalit na makita siyang may kasamang iba? Am I jealous? No! Sunod-sunod na iling ang ginawa niya at iniiwas ang tingin sa kanila at itinuon ang atensiyon niya sa pagkain.
Pero kahit anong pilit niyang i-focus yung sarili niya sa pagkain ay hindi na ito nakatuon dito. Dahil nabaling na ang atensiyon niya sa lalaking nakaupo ilang mesa mula sa kaniya na may kasamang babae.
Kaya pinili niya na lang na tumayo at nakapagdesisyon na aalis na. Nagpunas na siya ng kaniyang bibig at tumayo. Wala siyang choice kundi ang dumaan sa tabi ng mga ito.
Nang hindi niya inaasahan na marinig ang sinasabi ng kasama nitong babae.
"Bakit hindi mo manlang ako magawang bisitahin sa US honey? At ang baby natin?" She asked. What a baby? So he is married? The hell!
Nag-apura siyang makalampas sa mga ito ng hindi sinasadyang mahagip ng balakang niya ang lamesa dahil may nakasalubong siya kaya siya nag-pagilid.
Bigla napatayo ang babae dahil natapunan ng juice ang suot nito. Bigla naman siya nitong tiningnan ng masama.
"I-I'm sorry." nauutal niyang paghingi ng paumanhin. Dumampot siya ng tissue at agad na pinunasan ito.
Pero pinalis nito lang kamay niya. "Kung bakit hindi ka kase nag-iingat!" Galit na usal nito.
Napa-angat naman ang tingin ng lalaki sa kanila at nagsalubong ang mga mata nila.
"Let's get out here Philip." at nauna na itong nagmartsa palabas.
"What are you doing here?" Napalingon siya rito. So Philip pala ang pangalan nito. Nakakunot noo siya. Wala siyang balak sagutin ang tanong nito kaya tumalikod na siya.
Pero agad rin nitong nahawakan ang braso niya kaya napalingon ulit siya rito.
"Wala kang karapatang talikuran ako habang kinakausap ka!" Galit na sabi nito. Sinalubong niya ang galit na titig nito, hinding-hindi siya magpapatalo.
"Bitiwan mo ako," malumanay na sabi niya. "Sundan mo na yung asawa mo." at inginuso niya ang pintong nilabasan ng babaeng kasama nito.
Agad na rumehistro sa mukha nito ang pagkagulat. Tapos biglang nawala at binitawan nito na ang kamay niya at tinungo ang pinto. Sinundan niya lamang ng tingin ito hanggang sa makalabas ito roon. Ano ba itong pinasok ko? Tanong niya sa kaniyang sarili. Ibinigay ko ang aking katawan sa isang may asawa? Oh damn! Napamura siya sa sarili niya at agad-agad na lumabas. Its been a week noong huli silang nagkita ni Philip.
Agad siyang pumasok sa kotse niya at pinukpok ang stirring wheel ng kaniyang kotse. May asawa na pala siya! Bigla nalang tumulo ang luha niya. Kase sa isang bahagi ng puso niya ay umasa siya rito. Pero isa pala itong manloloko! Kanino ba siya dapat magalit? Sa lalaking yun o sa sarili niya? Ang tanga tanga mo! Masyado kang nagpadala sa dikta ng puson mo! Pagalit niyang sabi sa sarili niya. Kung sana hindi siya nagpadala sa init ng katawan niya e di sana hindi siya umiiyak ng ganito ngayon.
BINABASA MO ANG
Loving Her Husband_ R-18 [COMPLETED]
RomanceThanks to @yowrekuh for my wonderful cover! ^__^ [RATED SPG] [EDITING] HIGHEST RANKING #2 in xxx ranking. ♡★ #2 kabet😘😚 Simple lang ang buhay ni Alliyah hanggang sa nakilala niya si Philip Singson a businessmen na may ari ng isang kompanya. Hang...