Sobrang excited kung pumunta sa bayan ng boyfriend ko. Matagal na kasi kaming hindi nagkikita at kahit text o tawag man lang ay hindi niya magawa. Goshhh excited talaga ako.
" Via ano ba dalian mo na dyan" sigaw ko.
"Grace hintay lang naman, maaga pa nga tayo ehh" sigaw niya rin.
"Dalian mo na dyan, gusto kung malibot ang lugar nila" sabi ko.
" Sos, excited ka lang na magkita kayo ehh. Pero wag kang umasa huh. Ilang araw na yun na walang paramdam." Sabi niya.
Natahimik ako sa sinabi ni Via. Last naming kita ay hindi maganda ang feeling ko. Nasaktan kasi ako nung yumakap ako sa kanya pero umiwas siya at sumakay na sa sasakyan. Naiintindihan ko naman siya, na baka pagod lang pero umiyak talaga ako nun. Mas nasaktan pa ako na kahit sa monthsary namin hindi siya bumati man lang.
Natigil ako sa pag muni-muni ng kalabitin ako ni Via at sinabihang tayo na. Sumakay kami sa kotse at nag punta na sa bayan ng San Antonio. Noong malapit na kami sa San Antonio ay biglang nag text sa akin Si Heide.
"Grace wag kang mabibigla huh. May ipapakita at sasabihin ako sayo pag dating mo dito."
Nag reply agad ako:
" Ano ba yan? Sabihin mo na lang ngayon di na ako makapaghintay."
Sa natanggap kung text ni Heide ay kinutuban na ako na meron tung kinalaman kay MK. Marami agad pumasok na situation sa utak ko. Baka may iba na siya? Baka nagkabalikan na sila? At iba pa. Kabadong kabado na ako. Naiiyak na ako sa kaba.
Tumunog ulit ang phone ko. Text na naman ni Heide.
" Gusto ko sa personal mo ito makita Grace". Dito kami sa bahay ni Sarah maghihintay sa inyo ni Via. Punta nalang kayo dito."
Nagreply ako:
" Okay malapit na kami."
Sinabi ko sa driver na sa Street Sta. Ana sa may Kanto at puting gate lang kami. Nakita namin na nag aabang sa amin si Heide at Sarah. Walang ka malay malayan pa si Via sa nangyayari.
" Ohh guys, bakit dito tayo nagkitakita?" Tanong ni Via.
"Pasok muna tayo sa loob" sabi ni Sarah.
"Okay" sabi ni Via.
Pumasok kami sa loob at sobrang tahimik naming apat. Sobrang kinakabahan na ako kaya binasag ko na ang katahimikan.
"Heide ano ba yung ipapakita mo sakin?" Tanong ko.
"Grace wag kang mabibigla huh. Just calm down. " nag aalalang sabi ni Heide sa akin at kinuha ang phone niya at pumunta sa gallery sabay bigay sa akin.
Grave na yung kaba ko, sumasakit na rin ang puso ko sa di ko maintindihan dahilan. Nanginginig akong hinawakan ang phone niya at pumikit muna ako bago ko tiningnan ang picture na nandoon.
Pumikit ako at I pray to God that kung ano man ang makita ko. He will protect me and guide me. Na maintindihan ko ang lahat kahit masakit. Na bigyan niya ako ng strength to endure this. After that naglakas loob na akong buksan ang aking mga mata at tiningnan ang picture.
" Hmmmm" yan lang ang lumabas sa akin pagka kita ko sa picture. Tumitig ako doon , hindi ko tinantanan. Tiningnan ko ang mga kasama ko, tahimik silang tumitingin sa akin at naaawa. Pero hindi ko pinakitang nasasaktan ako kasi una palang alam ko na na ganito ang mangyayari, sumubok lang ako kasi akala ko maaring pwede pa. Maaring pwede pang ako na.
Tumikhim ako at sinabi na " Sos alam ko na
to Heide." Sabay sabi sa loob loob ko na wag kang iiyak. Kaya mo yan." Alam mo na, na sila na ulit? Sweet kasi nila kanina Grace. Akala ko kayo pa."
YOU ARE READING
Taken For Granted
Genç Kız EdebiyatıWe all fall in love, but sometimes we loved the wrong person at the very wrong time. Zhainary Grace Vitale is just your average girl, no boyfriend since birth because she is too busy with her studies, being a wattpad reader and being an avid fan. S...