Chapter 2

14 1 0
                                    

Chapter 2: New Friends
Ami's POV

Gulat. Favorite word ko na yata yon. Yun lang ang masasabi ko sa school na ito. Oo, ordinaryo. Pero malaki ito, napakalaki. I didn't expect that it would be this big!

Hinila ako ng marahan ni Lance papunta sa office kahit manghang mangha pa ako sa paligid. I thought na di siya ganito kalaki. Napansin ko din na masasaya ang mga estyudante dito pero syempre, di maiiwasan ang iba jan.

"Oy! Haha, tulala ka nanaman jan. Magsisimula yung klase ko ng masmaaga kaysa sainyo, yung klase mo ay one hour from now pumunta ka na don before 30 minutes. In short, kailangan ko ng umalis. Huwag na wag kang--" blah. blah.

Di ko na pinakinggan yung iba niya pang sasabihin. Pero maysinabi siyang nakuha ng pansin ko.

"Magingat ka. May magmamahal pa sayo" sabi niya sabay alis.

Okay. Ngayon saan ako pupunta. Lumakad ako at napansin na parang nasa tapat ako ng canteen. Meron ng mga tao dito pero halos lahat ay mga guro at nagkakape. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad at nakabunggo ng isang babae na mayhawak na mga libro.

"OMG! Sorry! Nagmamadali kasi ako ,sorry talaga!" sabi niya habang pinupulot ang mga librong kanyang nahulog. Tinulungan ko siya.

"Ayos ka lang?" tanong ko

"Ha? No, no! Ayos lang ako, ikaw?" balik niya sakin

"Oo naman." maikling sagot ko

"Buti naman. Una na ko girl, ah? Sorry ulit!" sabi niya at tumakbo ulit.

Bait naman niya. Kahit ako na yung nakahulog sa mga gamit niya ay nagawa niya pang magsorry. Masarap siguro magkaroon ng kaibigan na ganun. Nagulat naman ako ng tignan ko yung wrist watch ko, 30 minutes nalang klase ko na.

Nagsimula na akong naglakad papunta sa room. Buti nalang at mayroong mga mapa sa bawat floor kaya hindi na ako nahirapan pa. Pagdating ko ay naabutan ko na tahimik ang klaseng napasukan ko. Napatingin ulit ako sa room number at tama naman ito. Huh, bakit antahimik? Di naman sa nagrereklamo sanay kasi akong maingay lalo na pagnasa klase na. Umupo ako sa bakanteng upuan sa likod. Awkward.

"Hey, everyone!" bati nung.. babaeng nakasalubong ko kanina?!

"Bakit tahimik?" taka nitong tanong. Ah, akala ko normal na ganto katahimik mayrason pala. Ano kaya?

Lumunok muna yung isang estyudante bago itinuro ang isang cctv?

"Oh dear. Let me tell you a secret. Di yan totoo! It's like made out of styrofoam. Para lang maloko ang mga students. Keep your mouths shut kung ayaw niyong malagot." sabi nito sabay kindat.

Nabigla naman ako ng bigla siyang napatingin saakin. Tila nagulat din siya na nakita ulit ako. Lumapit siya at tumabi saakin.

"I didn't know na ito rin ang section mo! nice meeting you! Ako nga pala si Sabine, president of this section and also second in class" nakangiti niyang sabi. Nakatingin din saamin yung iba.

"Ikaw? What's your name?" napangiti naman ako

"Ako si Ami" sagot ko naman

"Oh! bago ka nga pala sa school na ito kaya wala ka pang label. Don't worry! Mula ngayon ikaw na ang President's friend ng sectiong ito!"
excited niyang sabi. napatawa ako, anong klaseng posisyon yon?

"Parang ang bilis naman yata?" napatingin naman kami sa pinto at nakita ang isang babaeng simple at maganda pero maangas ang dating.

"Oh, right." napaikot naman ang mata ni Sabine sakanya. "Then I'll give her a better label." napangisi si Sabine at napataas naman ang kilay nung babae.

"The position," pagbibitin niya.

"President's bestfriend"

Pinigilan ko ang tawa ko kasi ganito yung mga nasa libro eh. Yung babae yung kaaway tapos si Sabine yung bida, ganon. Pero nagulat ako nung natawa yung babae.

"Haha, pinagpalit na ko" kunyari siyang naiiyak ng sabihin niya yun.

"Bawal bang dalawa? Haha!" masnagulat ako ng maghandshake sila nung nakalapit na yung babae. Yung bestfriend's handshake, ganonnn.

Anong nangyayari?

"Ami, this is Miles pero masmagugustuhan ko na tawagin mo siyang precious dahil naiirita siya don" biglang humalakhak si Sabine parang walang bukas.

"Shut up, no one could call me that" seryoso nitong sambit.

"Yeah, yeah. And Miles this is Ami." sabi niya habang pinupunasan yung pisngi niya kunyari ay mayluha dahil sa kakatawa niya.

"Nice to meet you. Joke lang yung kanina. Si Sabine lang ang tumatawag saakin nun kasi we're now bestfriends. Pwede mo naman akong tawaging Precious anytime you want. You know, bestfriend things" nakangiti nitong saad

maytumatak sa isip ko after that. Bestfriends.

Author's Note: Kamusta? whaha! wala akong masabi so Have a good day nalang HAHA.

NOT SO ORDINARY Where stories live. Discover now