Chapter 6: Talk
Ami's POVSumabog na yata isipan ko sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na ganun pala yun. So totoo nga na anghel siya? Magtatanong pa sana ako pero maydumating na mga estyudante. Humingi ng paumanhin si Ziro dahil hindi niya daw masasagot dahil baka maymakarinig. Ayos lang naman. Masmalala naman yung sikreto niya kaysa sa sikreto ko na itinatago ko kay Lance, dati pa. Ako yung Nakabasag sa coca-cola niyang baso. Favorite pa naman niya iyon.
Nagsimula na rin ang klase dahil tapos na ang meeting. Tinry kong makinig pero humaharang parin sa isipan ko ang mga narinig ko at nalaman. Ayos lang naman kahit hindi ako makinig basta maylibro, ayos na ako. Pero masnakakatulong naman ang discussion kaysa sa basa. Bumalik naman si mokong bago pa dumating si ma'am.
"Prepare one whole. We'll have a quiz" what. Patay tayo jan.
Wala na akong nagawa kundi kumuha ng one whole. Stock knowledge. Unang tanong. Unang mali. Hindi ko alam ang sagot. Multiple choices nga wala naman akong alam.
'Ami, A. A yung sagot" nagulat naman ako. Ziro? pero nung tinignan ko ay nakatalikod siya saakin at mukhang walang nakarinig.
'Ami, alam kong nabigla ka. Basta! A sagot!" wala na akong magawa kundi sundin siya habang hinahanap parin kung saan galing iyon. Nagpatuloy ang quiz at nagulat ako na isa lang ang mali ko. Di ko kasi siya sinunod sa huling numero. Hehe.
"Maymali ka tuloy. Hindi mo kasi sinunod. Hayst. Si Leo nga pala ang sumasagot. Pinapasa ko lang sayo" narinig kong sinamaan siya ng tingin ni mokong. So, naririnig ni Leo? Pero bakit hindi siya mismo ang magpasa saakin?
"Hindi lang kita kayang kausapin gamit ang isipan. Nababasa ko rin ang mga iniisip mo. Benifit ng mga anghel, HAHA! Hindi kaya ni Leo. Dahil alam mo na, pero nakakabasa siya ng mga paguusap lamang. Katulad ngayon. In short, tsismoso. HAHA! Hindi niya rin kayang basahin ang isip mo. Nababasa niya lang ang mga paguusap. Ako naman ay hindi nakakabasa ng mga usapan. Kaya kalma."
Ano daw, nakakalito naman magexplain ni Ziro. Nakita ko naman na kumunot ang noo ni mokong. Tila di alam kung ano ang tsismoso. Tumawa lang si Ziro. Paanong hindi alam ni Leo ang bagay na yun kung alam ni Ziro?"Dahil nga binabantayan namin ang mga tao dito ay naadopt narin namin ang kanilang culture, slangs, etc. madalas akong nakaassign sa Pilipinas kaya sanay na ako dito. Ewan ko dito kay Leo kung paano siya natuto magtagalog." natawa nalang ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin sunod.
"Makinig ka na. Magququiz tayo bukas sa Math." Paano? Ay oonga pala. Hindi sila normal.
~
Inayos ko na ang gamit ko tsaka tumayo. Nagpaalam na ako kay Ziro at dun sa mokong. Buti pa si Ziro binati ako pabalik tapos sinungitan pa ako ni mokong. Tse. Lumabas ako kasama sina Sabine at Precious. Nauna na sila dahil meron silang sundo habang naiwan ako habang hinihintay si Lance sa canteen. Masnauuna siyang umuwi saakin at dito kami laging nagkikita.
Ng makita ko siya ay napangiti ako. Gwapo as always. "Lance" tawag ko. Napatingin siya saakin at lumapit.
"Tara?" tanong niya kaya tumango ako.
Habang naglalakad ay bigla siyang nagtanong. "I heard na maybago sa inyo? Dalawa daw na lalaki?" tumango ako bilang sagot sa tanong niya.
"Masgwapo ba sa akin? Mabait ba sayo?" dere-deretso niyang tanong. Masgwapo ka. Oo, yung isa lang tapos yung isa masungit, tse.
"Masgwapo kaysa sayo tapos napakabait na nila saakin." pagyayabang ko. Kahit hindi naman totoo ang iba.
"Hindi pa ba ko sapat sayo? Tsk tsk, ano pa kaya kailangan kong ilagay sa mukha ko?" nilagay niya ang hintuturo niya sa kanyang baba na para bang nagiisip.
"Ano ka ba. Wala yun sayo. Wala kang kailangang baguhin para lang mahalin kita."
"So, mahal mo ko?" tanong niya.
"H-Ha? Basta! Ay! Ano kase! Siguro, oo- pero as a friend kasi!" taranta kong sagot at tumakbo para mauna sa apartment. Narinig ko namang tumatawa si Lance mula sa malayo.
Kahiya. Kahiya. Kahiya!
~
Noong gabi na ay hindi ako makatulog. Alas dos na ng umaga. Marami pa ring natitirang tanong sa isipan ko. Bakit sila andito? Ano yung sinasabi nilang misyon? Anghel ba kaya talaga si Ziro? O dating tao na pumanaw na? Ilang taon na kaya sila? Bakit nila pinakalimutan sa lahat iyong insidente? Paano nasumpa si mokong? Bakit ba mokong ang tawag ko kay Leo? Aba! Ewan ko.
Tumayo ako papuntang kusina para uminom ng tubig. "Ano kaya ginagawa nila ngayon?" Kumuha ako ng baso. "Natutulog? Hindi, hindi siguro sila natutulog." Nagsalin ako ng tubig. "Kumakain? Hindi, hindi" Ininom ko na ang tubig.
"Mayginagawa silang hindi mo magugustuhan." Halos mamatay ako kakaubo dahil nasamid ako. Lumingon ako kung saan nanggaling iyon at mukhang wala ito sa bahay. Kundi sa isipan ko?!
"Z-ziro?" bulong ko dahil baka magising si Lance. Nakarinig naman ako ng halakhak sa isipan ko.
Hindi. Hindi ito si Ziro.
"Ami Vie Gutierrez. Ikaw pala, ikaw pala ang misyon nila. Gusto mo ba malaman? Ang mga sikreto nila? Ang mga balak nilang gawin sayo?" tanong nito. Boses ito ng lalaki.
"L-lumayo ka sakin." takot.
"Andito ako, Ami. Nakikita kita. Ang bawat galaw mo ay nakikita ko. Nakikita ko ang paglapit mo sakanila." tumaas lahat ng balahibo ko.
"Lumayo ka kung ayaw mong mapahamak. Hanggang sa muli, Ami" huli niyang sinabi bago mawala at hindi niya ito sinabi gamit isipan.
Binulong niya ito mismo sa tenga ko.

YOU ARE READING
NOT SO ORDINARY
Любовные романыSiya si Ami. Hinahangad na maabot ang kanyang pangarap. Ngunit. Hindi niya alam na maydalawang lalaki na dadating sa buhay niya. Ang anghel at Ang demonyo. "We're the twins, might be opposite but the same. Andito kami upang pasayhin at sirain ang b...