Chapter 8

5 0 0
                                    

Chapter 8: Wait
Ami's POV

"Nanduga ka!" sigaw niya sa mukha ko habang pinipigilan siya ng iba kong kaklase.

"Madaya. Madaya! Madaya ka!" pagpapatuloy pa nito. Hindi ba siya napapaos? Kanina pa siya sumisigaw na nandaya daw ako.

Hindi. Hindi ako nandaya. At alam ni Ziro iyon dahil ako mismo nagsabi sakanya na huwag akong tulungan. Kasi, nung nagsimula ay hindi ko inasahan na madadali lamang ang mga tanong dito kaya ako nadalian. Hindi ko alam kung bakit galit na galit itong si girl eh, hindi ko nga siya nalamangan.

"Pantay lang kayo, ano bang dinadrama mo?" tanong ni Leo na mukhang iritang irita na kay Angela. Nagsalita din ang mokong at saakin pa pumanig. Enebe.

"Aba! Wala dapat na makapantay saakin, hindi ako papayag!" sigaw. sigaw. sigaw. Hayst.

"Ah. So, ayos lang na lamangan ka niya?" balik nito habang nakangisi. Pinagtatanggol ba ko neto?

"Argh!" nagpatuloy ang pagwawala ni Angela.

"Angela! This is so not you, Can you please stop?! If you don't stop this nonsense, I'll have no choice to pick Ami for the Quiz Bee!" sigaw ni tanda.

Sige, sumigaw ka lang jan.

"Then pick her! I don't care!" huli nitong sambit bago magwalk-out. Aalis na nga lang sisigaw pa.

"I'm very sorry. I'll talk to her." sabi ni tanda habang nakatingin kay Sabine na tamad lang siyang tinignan. Nairita rin siguro kay Angela. Yung mga ganoong babae, dapat sa drama lang nakikita. Baka nagbinge-watching ng mga K-Drama tapos tinularan iyong nga kontrabida, haha.

Nang umalis na sila ay pinakalma ni Sabine ang lahat. "You alright?" tanong ni Precious. "Wala siyang karapatan sigawan ka ng ganun. " sabi ni Precious. Sasagot pa sana ako na ayos lang naman pero dumating si Sabine.

"Ey. Ey! Cheer up! Siguradong ikaw yung mapipili. Masdeserve mo kaysa sakanya." masaya nitong bati.

Napatingin ako kay Ziro.

Ano na mangyayari?

"Lumayo ka, Ami"

Huh? Ziro?

"Bakit, Ami? Lumapit ka nalang kung maykailangan ka. Napapagod din kami kapag ginagamit palagi ang abilities."

Nagulat nalang ako na iba yung boses ni Ziro kaysa una kong narinig. Napatingin naman ako kay Leo at nagulat ako ng magkatamaan kami ng tingin. Yung mukha niya. Nagulat ba siya? Nagaalala? Ewan ko. Hindi ko mabasa ang eskpresyon niya.

"Lumayo ka sakanila, Ami."

Siya. Siya yon. Yung nakausap ko ng gabing iyon. Bakit niya ba ako pinapalayo sakanila?

Nagulat nalang ako ng bigla akong ginulat ni Sabine."Oy! Lutang nanaman! Alam kong gwapo sila pero wag mo naman pahalata. Hahaha!" sabi ni Sabine kaya napatawa ako. Nabigla kaming tatlo ng biglang magring yung bell

Recess na? Malaking oras pala ang kinain nung walang kwentang sigawan namin ni Angela. Bumaba na ko para sabayan sina Precious at para kitain si Lance.

"Ami!" Napalingon ako kung kanino galing ang sigaw at nakita si Lance sa isang table. Nagpaalam ako sa dalawa at lumapit kay Lance.

"Kain na."

~

Uwian. Uwian na. Parang ang bilis ng oras. Bumaba na ako at pumunta sa canteen, kung saan kami ni Lance palaging nagkikita. Maraming tao dito kapag uwian, merong gutom na after ng klase, at meron ding tumatambay o mayhinihintay katulad ko. Pero nagdaan na ang isang oras ay wala parin si Lance.

Paunti ng paunti na ang mga tao dito hanggang na wala na. Nanatili akong kalmado dahil hindi naman sinasara ito at maynakabantay dito umaga at gabi. Pero hindi ko mapigilang magalala kay Lance.

"Hindi ka pa uuwi?" Nagulat naman ako nang magsalita si Ziro na kasama si Leo.

"Ah. Hinihintay ko pa yung kaibigan ko." maikli kong sagot. Tila nagtaka sila lalo na itong si mokong pero hindi na sila nagsalita pa. Siguro akala nila sila Sabine lang ang kaibigan ko.

"Umuwi ka na rin maya maya, ah?" paalala ni Ziro tsaka nagpaalam na sila, siya lang pala. As usual, di pa rin ako kinausap ni Leo.

Napatingin ako sa orasan ko. Bakit naman kaya antagal nun? Hayst. Nakailang minuto na ng umalis sina Ziro. Bakit sila andito? Sayang, hindi ko natanong. Hindi na ko nakatiis at umakyat sa room nina Lance at laking gulat ko na wala ng tao doon. Huh?

Bumalot saakin ang pagaalala at nataranta ako. Asan kaya siya? Ami, tandaan mo kung maysinabi siya sayo kaninang umaga. Mukhang wala naman. Taranta kong kinuha ang phone ko habang tumatakbo papuntang canteen.

"Mauna na ka na sa bahay. Maypinagawa pa saamin iyong adviser namin.

From: Lance ♡
5 hours ago"

5 hours ago? Pagkatapos ng recess? Argh! Ami, magcheck ka nga ng phone mo paminsan minsan! Padabog akong lumabas ng school. Nakakainis! Ano ba yan, Ami!

Madilim na sa daan kaya hindi ko mapigilang matakot. Napakatahimik ng paligid at kaunti nalang ang mga dumadaan. Ami, kasi e. Anong oras na? Hayst. 8 na. 2 hours ata akong nagstay doon. Or atleast parang ganon.

Napatili ako ng biglang maynanghila saakin sa isang eskinitang madilim. Mariin niyang tinakpan ang bibig ko ng isa niyang kamay at madiin na hinahawakan ng isa niyang kamay ang braso ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil nagwawala na ko. Pero sinubukan kong tadyakan ang kalalakihan nito kaya nabitawan niya ako. Tama lang para maaninag ko ang mukha nito.

"M-mokong?!" gulat kong tawag sakanya. Bakit andito to'? Tsaka bakit ba siya nanghihila?!

"O-Oona, Oo na" bulong niya habang sinesenyasan akong tumahimik. Nabasag din ang boses niyo, siguro sa sakit. Nasasaktan pala agad toh.

"Wala man lang sorry jan?!" mahina pero madiin nitong tanong.

"Aba, bakit? Sino ba kasing nanghihila ng ganitong oras?" Hindi ko alam kung bakit siya bumubulong kaya napabulong narin ako.

"Ako." pilosopo niya sagot. Ganyanan ha?!

"Bakit ka ba kasi nanghihila? Nananakip pa ng bibig?"

"Teka." napatigil siya at tumingin sa mga lalaking nagtatawanan. "Pagkatiwalaan mo muna ako kahit ngayon lang." mabilis nitong sabi at muling tinakpan ang bibig ko. Hinayaan ko nalang siya. Anlapit niya. Sa lapit niya ay naamoy ko na ang pabango niya. Marunong pala sila magpabango? Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa daan kung saan ako naglalakad kanina. Bakit ba nananakip pa ng bibig. Ay, alam niya sigurong madaldal ako hehe.

Nakarinig ako ng mga paguusap ng mga lalaki. Parang siga at lasing ang mga ito. Naninigarilyo pa ang iba. Tumigil sila sa tapat namin at tumingin kung nasaan kami. Buti nalang at hindi kami kita dahil malayo sila at madilim dito.

Pero, parang nawalan ako ng hininga ng papunta na sila sa kinaroroonan namin. Napamura si Leo.

"Mali tayo ng napagtaguan."

  




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NOT SO ORDINARY Where stories live. Discover now