Chapter 5

2 0 0
                                    

Chapter 5: Forgot and Answers
Ami's POV

After nilang magpakilala ay pumunta sila sa nga bakanteng upuan na malayo saakin. Salamat at umupo sa tabi ko si Sabine baka kung hindi ay tumabi saakin iyong mga yon. Assuming. Umalis na rin si sir dahil marami pa daw siyang gagawin as head teacher ng school, maghintay nalang daw kami hanggang lunch since maymeeting sila. Ansaya naman ng klase noong narinig ito. Ziro and Leo huh. Totoo nga na sila ito, Dahil maynarinig akong Ziro noon.

"Ziro, a man! not a woman! Argh!"

"Hayst. Ang gwagwapo. Ano kaya ilalabel ko sakanila?"

"The devil and the angel? Yun naman pakilala nila e" suggest ko.

"Corny. Pero sige." natawa ako. Corny daw. Corny nga. Nakakatawa pero kahit anong gawin baka totoo iyong sinabi nila.

Lumapit si Sabine sa dalawang lalaki at si Precious naman ang tumabi sakin.

"Thoughts?" tanong ko kay Precious

"Weird sila. Napakaweird" saad niya habang nakangiwi.

"Lalo na yung Ziro. Sheesh. Bakit ba sila nagwagwapuhan sakanila. Ang weird." natawa ako doon sa sinabi niya. Lumapit na din si Sabine.

"Pumayag sila. Hehe. Oh Ami, bakit ang tahimik mo yata?" tanong ni Sabine habang nakaupo sa arm chair ko.

"Naalala niyo yung kinwento ko sainyo? Na may dalawang lalaki akong nakita nung nangyari yung insidente?" tanong ko.

"Insidente?" Precious.

"Anong insidente?" Sabine.

Tila nagulat yata sila nung sinabi ko yon. Napatawa ako ng mahina. "Ano ba kayo? Yung nasira yung main lobby? Yung napakaraming pulis dito?"

"Main lobby? Sira? Pulis? Marami? Dito? Ami, ayos ka lang?" Sabine.

"Ami, nagiging masweird ka pa sa mga lalaking yon." Precious.

Bakit? Bakit hindi nila matandaan? Mabilis kong kinuha ang phone ko para tignan yung mga post na baka daw natural phenomena o maydiwatang nakatira sa school at kung ano ano pang kadramahan. Pero wala na ito. Tumingin ako doon sa dalawang lalaki at nabigla noong nakatingin sila saakin. Si Ziro ay nakangiti na parang wala silang kasalanan habang si Leo naman ay tamad lang na tinititigan ako.

Sila ba maygawa nito?! Mabilis akong tumakbo palabas. Narinig kong sumama saakin sina Sabine at Precious habang tinatawag ako. Pagkaliko ko ay gulat ko nalang tinignan ang main lobby. Walang sira. Sa baba o sa taas. Imposible. Tinignan ko kung nasaa ang office at andun ang mga gurong nagmemeeting. Wasak na wasak ang office nung time na nangyari iyon. Normal ang lahat pero para saakin ay hindi. Parang kanina lang hinahanap nila ako dahil doon.

"Ami! Bakit ka ba kasi tumakbo?!" hingal na sabi ni Sabine ng naabutan nila ako.

"Imposible." bulong ko

"Ano ba sinasabi mo, Ami?" tanong ni Precious.

Lance. Alam ni Lance ang nangyari. Hindi man niya to' nakita ay alam niya ito. Huwag mong sabihin na ikaw din. Tumakbo ulit ako papunta sa room nina Lance. Kumatok muna ako at tinawag siya. Bakas ang pagtataka sa mukha niya pero lumapit naman siya.

"Bakit, Ami? Mayproblema ba?" tanong niya.

"Alam mo yung insidente diba? Yung nangyari?" deresto kong tanong.

"Insidente?" ulit niya.

"Anong insidente?" Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Dapat hindi ako apektado dito e. Dapat nga sasaya ako dahil hindi nila maalala. Na hindi maalala ng lahat ng takot nila at pagaalala. Pero pakiramdam ko pa na nagiisa ako. Hindi. Dapat sumaya nalang ako para sakanila.

"Wala." sabi ko kay Lance

"Ang weird ko lang ngayon, haha. Sorry kung nakaabala. Kita nalang tayo mamayang lunch." paalam ko at umalis.

Nakasalubong ko naman sina Precious ng pabalik na ako sa room. Pakiramdam kong gusto nilang magtanong sa inaasta ko pero nanatili silang tahimik. Pagkapasok ay umupo agad ako. Sakto naman ay nagring yung bell. Hudyat ng recess. Kikitain ko pa si Lance sa baba pero tinamad ako bigla. Niyaya ako nina Sabine at kinulit nung sabi kong mauna na sila, mukhang wala naman silang nagawa. Akala ko ay bumaba na yung dalawa pero mukhang wala silang balak gawin yun. Hinayaan ko nalang sila at ipinatong ang ulo ko sa armchair ko. Wala akong oras para sakanila. Total nakalimutan naman na ng lahat.

"Ami Vie Gutierrez" tawag ng isang lalaki. Mukhang tinawag ako ng isa sa mga mokong.

"Wala akong modo makipagusap. Kaya demonyo o anghel lubayan mo ko" wala kong ganang sagot. Ayoko ring makita mukha nila kaya nanatiling nakapatong ang ulo ko sa armchair. Narinig kong tumawa yung kausap ko.

"Tapang, ah. Kilala mo na kami diba?"

"Oo na. Oo na kaya bumaba na kayo. Kumain o kung ano." irita kong sabi

"We don't eat" natatawa nitong sabi kaya tuluyan ko siyang nilingon.

"Pake ko?" tamad kong sabi.

"Argh. Can we just kill her? Di ko na matiis abg ugali niyan kahit ikaw ang kausap" sabi nung isa na nakasandal sa may pinto. Sungit.

"C'mon, Leo! Talk to her." nakangiting sabi ni Ziro.

"I would rather talk to myself" huli niyang sinabi bago tuluyang umalis. Di yata maganda first expression saakin nun.

Umupo naman si Ziro sa tabi ko habang nakangiti. "Anghel ka ba talaga?" di ko mapigilang magtanong.

Tumawa siya ng unti. "Yes. And Leo is really a demon." Tumango ako at magtatanong pa sana pero naunahan niyang sagutin.

"I haven't introduced myself properly. I'm Ziro. I have a high position up there. Oo, anghel talaga ako. Like you imagined, nagbabantay kami ng mga tao dito sa Earth. Like a guardian angel." panimula nito.

Ngumiti siya saakin bago magpatuloy. "Hindi mo kailangan matakot saamin. Yeah, we're not like you. And we have special abilities too. Like me, one of my abilities is I can predict the future of people here in Earth but unfortunately, It's hard to predict your future. I can only predict yours in a time span of minutes while, I can predict other human's future in a time span of decades. It's really weird."

"Kaya mo bang ipredict yung mangyayari sayo? doon sa mokong yon? Sa iba pang kauri mo?" sunod sunod kong tanong. Oo, kanina wala akong ganang kausapin sila pero hindi ko mapigilang macurious.

Natawa siya doon sa sinabi ko tungkol kay Leo. "No. We're made to correct people's life not ours. Have you got more questions?"

"Pwede mo bang ipakilala si mokong. Kasi alam kong hindi niya ako kakausapin." curious lang din ako sakanya.

"Tama ka baka di ka kausapin but over time kakausapin ka din nun." natawa siya. "Si Leo. Di siya talaga demonyo. He is like me, an angel. But he was cursed. The other angels hated him, thought that he was a spy from underworld. They wanted to torture him. Kill him. But I stopped them. Me, in a high position, didn't want that to happen. Kapatid ko siya, hindi ko hahayaan na maparusahan siya for being cursed, wala siyang kasalanan. Pero yung mga masnakakataas pa saakin ay ibinaba siya sa underworld. Dahil dun daw siya nararapat. Ang pinakamasaklap dun ay.." natigilan siya.

"Hindi ko man lang siya natulungan."

Author's Note: anyare. HAHAHAH. wala akong masabi so Have a good day!

















NOT SO ORDINARY Where stories live. Discover now