Chapter 3: The Demon and the Angel
Ami's POVFirst four subjects was fine. Buti di kami nahuli na naguusap habang naglelesson. Kahit naguusap kami ay nakakakeep up naman ako sa mga discussion ng mga teacher. Multitask omg. and so do they. Bakit pa sila second and third sa rank kung hindi diba? Nagring bigla yung bell. Nagsorry sila dahil di sila makakasabay sa saakin kumain dahil maygagawin pa daw sila. Ayos lang naman dahil kikitain ko pa si Lance sa canteen. Thankful parin ako na nakilala ko sila.
"Ami!" napalingon agad ako ng marinig si Lance.
"Anong nangyari?" tukoy niya sa section ko.
"Ayun, nakakilala ng ilang kaibigan. Sayo?"
"Wala naman. Ansusungit nila pero mabait saakin yung Kyle ba yun." nagulat naman ako sa pangalang nabanggit niya. Parang familiar.
"Tara kumain na tayo, gutom na ako." yaya niya at hinila ako.
~
Natapos ang unang araw ng maayos. Sabay din kami ni Lance pauwi. Napagdesisyunan namin na magrenta sa malapit na apartment sa paaralan. Mura lang naman. Keri pa.
"Goodnight. Matulog na, maypasok pa bukas." nakangiting sabi ni Lance at pumasok na sa kwarto niya.
napangiti naman ako at pumasok narin sa sarili kong kwarto. Medyo masikip pero kailangang pagtiisan. Kailangan ko na rin matulog dahil naghihintay saakin ang panibagong araw.
Little did I know, na bukas magbabago ang takbo ng buong buhay ko.
~
Nagising ako at napagtanto na wala si Lance sa kwarto niya. Magaalala na sana ako ng sobra kung hindi ko nakita ang sulat niya sa may table.
"Aabsent ako, sorry. Alam kong second day palang natin, maykailangan lang akong gawin. Basta, Wag kalimutan ang ilaw, gas, at relo mo. baka maubos na yung oras mo saakin kapag nawala iyon HAHA. - lance
Kahit sa sulat ba naman. I mentally facepalmed at nagsimula ng kumain. Ano naman kaya ang gagawin niya?
Pagkatapos ay nagsimula na akong maglakad papunta sa eskwelahan pero natigilan ako ng bigla akong nakarinig ng sigawan. Tumakbo ako ng makarating ay nagulat ako ng nagkalat ang mga kotse ng mga pulis sa paligid ng school. Nagiiyakan na ang ibang estyudante sa takot. Kaunti nalang ang nandito mukhang pilit na pinauwi ang iba
Pero masnagulat ako ng puro usok ang paligid at mayroong pahabang liwanag sa gitna ng school na parang ito ang dahilan kung bakit wasak ang bubong nito sa gitna. Ang lakas ng hangin na para bang mula sa loob. Nakita ko naman sina Sabine at seryosong nakatingin dito pero ramdam ko ang takot sa mga mata niya. Di pa niya ako napapansin. Di ko rin nakita si Precious.
Sa hindi ko alam na dahilan ay para bang may tumutulak saakin upang pumasok sa loob at tignan kung ano ang liwanag na iyon. Hindi ko napigilan at lumagpas ako sa mga police line na nakakalat sa campus. Naririnig ko silang sumigaw. Narinig ko si Sabine pati na rin si Precious pero hindi ko sila pinansin. Gusto kong umatras, gusto kong bumalik pero ayaw ng mga paa ko. Maslumakas yung hangin.
Tuluyan na akong nakapasok sa loob at maslalong kumapal ang usok dito. Hindi siya masakit sa mata o sa ilong, parang wala lang ito. Habang palapit ako ng palapit ay iba't ibang emosyon ang naramdaman ko. Para bang bumubulong ang sarili kong emosyon saakin.
"Baka mapahamak ako kapag lumapit pa ako." terrified.
"Saan kaya galing si Precious? Asan si Lance?" worry.
"Ano ba talaga ang liwanag na ito?" curiosity.
Malakas ang hangin, sobra. Halos wala na akong nakita dahil sa buhok ko. Nakikita ko na ang liwanag. Malaki pala ito, sa main lobby ito tumama halos buong bubong ng main lobby ay nawasak dahil sa liwanag. Hindi lang pala sa taas ay pati sa baba. Wasak ang sahig. Wasak na wasak. Parang nasa kinailaliman na ito ng buong mundo.
Hindi ko nalang namalayan na nakapasok ako bigla sa liwanag.
Tumahimik ang lahat. Nawala ang malakas na hangin na nagpapalipad sa buhok ko. Tanging puti lang ang aking nakikita. Parang tumigil ang oras. Tanging hininga ko lamang ang naririnig ko dito. Nabigla ako ng nakakita ako ng dalawang lalaking.. nagsisigawan?
"Bakit ba kasi kailangan mong wasakin?!" sabi ng isa. nakaputi.
"Anong gusto mo? Malinis? Parehas din naman ang mangyayari!" sabi ng isa pa. nakapula.
Parang anghel at demonyo ang dating nila.
"Eh, kung sayo lang yung winasak mo? Dinamay mo pa yung akin e!" puti.
"Edi sana, sinabi mo! Wala ka namang sinabi na wag kong wasakin ah?" pula.
Magsisigawan pa sana sila ng sumigaw ako. "Tumigil nga kayo!" sigaw ko na nag-echo lang sa paligid. Napalingon sila sa akin.
Napamura pa yung isa nung nakita ako. Yung isa naman ay pinagmasdan lang ako na para bang alam na kanina pa ako andito at narinig ang sigawan nila.
"Alam mo to' noh?! Bakit hindi mo sinabi! Ziro, a man! not a woman! Argh!" stress na stress si kuya kahit di ko alam yung pinagsasabi niya.
"It's alright. Father said a human, he didn't said neither man nor a woman." nakangiti niyang sabi habang nakatingin pa din saakin. ang inosente niya.
"Alright, alright. I can't hold the spell long, I'm not like you. So make it fast." nakatalikod na sabi ni kuyang stress.
"Not yet, let's add a twist."
Nagulat naman ako ng biglang nagkaroon ng pakpak iyong lalaking kaharap ko. Parang anghel. Pero parang normal lang saakin? Oo, gulat na gulat ako pero hindi ko maramdaman. Dahil siguro sa nakapaligid saakin. Nagkaroon din siya ng putng ring sa itaas ng ulo niya. A hallo.
"Argh, what now?" iritang tanong ni mr. stress. Tamad itong lumapit sa lalaking nakaputi.
"Ano ka? Ano ba kayo?!"
"Mga nilalang na ayaw mong makasama dahil malas lang ang dala namin sayo." tamad na sabi ng lalaking naka pulang polo at itim na pantalon.
"Mga nilalang na gusto mong makasama habang buhay. Sasaya ka saamin." lalaking naka all-white, pantalon at polo. Napaikot pa ang mata ni mr. stressed, sakanya.
"We're the twins, might be opposite but the same."
Nagulat nalang ako ng biglang naging itim ang lahat pero naririnig ko parin sila.
"Hindi ka nanamin papakawalan, Ami Vie Gutierrez. Dahil ikaw na ang nakatatak na pangalan sa misyon namin."
YOU ARE READING
NOT SO ORDINARY
RomanceSiya si Ami. Hinahangad na maabot ang kanyang pangarap. Ngunit. Hindi niya alam na maydalawang lalaki na dadating sa buhay niya. Ang anghel at Ang demonyo. "We're the twins, might be opposite but the same. Andito kami upang pasayhin at sirain ang b...