Chapter 7

1 0 0
                                    

Chapter 7: Angela Joy Garovillo
Ami's POV

Maslalo akong hindi nakatulog sa nangyari kagabi. Kanina. Putol putol ang tulog ko. Nung ginising ako ni Lance ay nagkunyari akong tulog para hindi siya magaalala. Sisigawan ako nun e. Tamad akong bumangon at parang mamamatay na. Ganto pala pagkulang sa tulog. Hindi ko ito pinansin at naghilamos, buti at medyo nagising ako.

Nagsimula na kaming maglakad ni Lance at mga bilin lang ang naririnig ko sakanya. Nang makarating kami ay narinig ko siyang magpaalam kaya nagpaalam na din ako. Para kunyari ay narinig ko ang mga sinabi niya. Maaga pa naman kasi sinasabay na ako ni Lance kahit na nakalimutan niya na ang insidente. Dumeretso ako sa canteen at inumpog ang ulo ko sa lamesa nito.

Hindi ko namalayang nakatulog na ako.

~

"Ami?"

"Ami."

"Ami!"

Nagulat nalang ako ng makita si Precious na nakataas ang kilay.

"Malapit na ang klase, tama na ang tulog." parang nanay niyang sabi at hinila ako palabas ng canteen.

Kinusot ko ang mga mata ko at takang tinignan si precious. "Si Sabine?" tanong ko

"Nauna na sa taas. Sinusuway ang mga estudyante." sinusuway? Eh palagi naman silang maingay at hindi naman ito pinapansin ni Sabine. Kaya siguro siya ang binotong presidente ng section dahil malaya silang nakakapagingay kapag siya ang president.

"Tara." sabi niya sabay hila saakin paakyat.

Tahimik. Ang tahimik ng klase. Parang nung una ko itong nakita. Pero ngayon ay nakita ko si Sabine na seryosong nakatingin sa kanila. Sheesh, nakakatakot. Pero biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya ng makita kami.

"Ami! Buti nalang nakaabot kayo." bati niya. Taka ko siyang tinignan. Maabutan ang ano?

"Bibisita dito, sa bawat room, ang principal ng school" napunta ang tingin ko kay Ziro ng magsalita siya. Nga pala nakakabasa siya ng isip. Napunta naman ang tingin ko kay Leo at umikot lang ang kanyang mata ng tumama ang aming paningin. Maysira yata mata nito. Narinig kong tumawa si Ziro.

"Tama si Ziro! Mga 15 minutes nalang at papunta na dito ang principal. Mayaannounce daw. Hindi ko alam" paliwanag nito. Kung paliwanag man iyon.

Dumeretso na kami sa upuan namin at tumabi saakin si Precious. Nanatiling nasa harap si Sabine habang binabantayan ang bawat galaw ng mga kaklase namin. Nakakatuwa dahil maygumalaw lang o gumawa ng tunog ay sasamaan na ng tingin ni Sabine.

Lahat kami ay napatingin ng biglang maykumatok. Huminga ng malalim si Sabine at naghanda ng ngiti bago buksan ang pinto.
Pumasok naman ang isang lalaking nakangiti pero strikto ang aura nito. Nakakatakot naman to' pagnaging tatay. Maykasama din siyang babae na parang kaedad lamang namin at maarte ang dating.

"Goodmorning." bati nito. Natanaw ko si Sabine na sinasabihan kaming ngumiti at bumati pabalik habang nasa likod ng principal. Kaya napangiti kaming lahat.

"Good morning, sir." tanging sabi namin.

"As you can see. Nasa tabi ko ang nagbabalik na top student ng buong school at top student sa section ninyo. Angela Joy Garovillo." panimula nito.

"Sa nakikita ko naman ay may mga bago dito na kakapasok lang dahil wala naman sila noong huli kong bisita dito, sa section ng top student." parang pinapamukha pa saamin na  siya lang ang kapansin pansin sa section na ito.

"Siya si Angela. Mayaman sila, maganda siya at higit sa lahat ay matalino. Gusto sana namin siyang isali sa Quiz Bee na magaganap sa USA." Ano naman ngayon? Sml?

"Baka sakali lang na gusto kumalaban sakanya gamit ang talino. Sa ibang room na napuntahan namin ay walang nagmalakas loob na lumaban. Kaya siguro naman dito ay wala." nakangisi nitong sabi. Napatingin ako kay Sabine at Precious at mukhang wala silang balak para sumali. Bakit?

"Ami, gusto mo bang sumali?" Ziro.

Ano mangyayari pagsumali ako? Matatalo ba ako o ano?

"Hindi ko alam, Ami."  lumungkot ito. Nakita ko na maybinulong si mokong kay Ziro. Siguro sinabi niyan na hindi naman ako mananalo. Nakita kong nagulat si Ziro sa sinabi ni Leo napangiti pa si Ziro.

"Wala na ba?" ay andito pa nga pala si tanda.

Nagulat ako ng biglang sumigaw si Ziro. "Sir! Si Ami po!" Sabay turo saakin. Tila nagulat din si tanda. Di lang
siya, pati ang buong klase.

"Ami? Sino yon?" tanong nito kaya wala akong nagawa kung hindi ay magtaas ng kamay. "Ah. Payag ka ba?" nakangisi nitong tanong na para bang tinatakot ako. Napatingin naman ako kay Ziro.

"Pumayag ka. Hindi ko muna sasabihin sayo kung bakit dahil baka magiba ito kapag sinabi ko."

Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano niya nasabi. Siguro biglang nag enhance yung ability niya? Ewan. Hindi ko pa man nakikilala ng lubusan at ng matagal itong dalawang ito pero pinagkakatiwalaan ko na sila.

Huminga ako ng malalim at sumagot.

"Tinatanggap ko po."




NOT SO ORDINARY Where stories live. Discover now