9

472 36 1
                                        

"M-magpapahangin lang naman ako"

"Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Tin ayaw mo ba talaga akong makasama ng matagal??"

"Hindi sa ganun Nikko"

"Ehh ano?! Tangina Tin ano mawawala ka ng parang bula tapos malalaman na lang namin ni Irene patay ka na? Ganun ba gusto mo?!"

"Nikko hindi mo ko naiintindihan..."

"Ipaintindi mo! Kasi putangina habang takot na takot akong mawala ka sa buhay ko parang wala lang lahat yun sayo Tin!"

"Natatakot ako!! Ayokong umasa! Ayokong may mahirapan pa dahil saken! Tapos ano?! Mamamatay din lang ako?! Yun din lang ang ending?!"

"Natatakot KA? Mamamatay KA? Sa tingin mo anong nararamdaman namin ni Irene ha?! Inisip mo man lang ba kung gano ako nasaktan nung nalaman ko ang sakit mo?! Na nalaman ko kung kailan malala na?! Naisip mo ba kung pano lumalaban si Irene sa araw araw na nakikita niya paghihirap mo ha?! Inisip mo ba kami?!"

"Nikko..."

"Tin hindi mo pa nasusubukan magpagamot! Pano mo nasasabi yan ha? Pano ka gagaling kung ayaw mo magpagaling?! Iniisip mo lang palagi kung anong mangyayare sayo kung tatanggapin mo yang putanginang sakit na yan ng hindi lumalaban. Pero inisip mo ba kung gano kami masasaktan pag nawala ka?!"

"Sorry..."

"Sorry?! Lumaban ka naman! Para sa sarili mo man lang!! Kung ayaw mo kong makita sige hindi ako magpapakita pero parang awa mo naman na magpagamot ka... magpagaling ka!! Y-yun lang naman yung gusto ko. Kung hindi mo talaga kayang makasama ako sa proseso sige titiisin ko!! Mabuhay ka lang!!"

Natahimik ako. Umiiyak siya sa harapan ko ngayon.

"Ayaw mo kong makita?? Sige magpapakalayo layo na ko. Hindi mo makikita kahit anino ko. Pero ipangako mo saken na lalaban ka. Mabubuhay ka. Yun lang Tin. Yun lang ang gusto ko" sabi niya sabay punas ng luha sa mga mata niya

"Those fcking months without you were hell but I'm willing to go there again if that will result for you to live"

"Nikko..."

"Aalis na ko. Ayaw mo naman akong makita di ba? Ayaw mo naman kaming makita?? Pero sana tandaan mo. Mahal na mahal kita. At kung eto yung makakapagkumbinse sayo na magpagaling... kahit ang hirap... gagawin ko. Para sayo"

Nag-ayos na siya ng gamit at hahakbang na sana palabas pero tumigil muna siya sa harapan ko. Wala akong masabi. Hindi ako makakilos. Iyak lang ako ng iyak.

"Don't cry love. Please. Makakasama yan sayo. Magpapagaling ka naman di ba? Kahit wala ako?" Hinawakan niya ang mukha ko at saka pinunasan ang luha sa mga mata ko "this is so fcking hard but if this is what you want, para lang mabuhay ka. Aalis ako"

Hinalikan niya ako sa noo pagkatapos. Hahakbang na sana siya palagpas saken ng hawakan ko yung braso niya at napaluhod sa sahig habang umiiyak

Nikko's PoV

Nagulat ako sa biglang pagluhod niya

"Tin! Sht! Anong masakit sayo?! Halika dito sa kama, mahiga ka na ulit!" Sabi ko sabay alalay sa kanya patayo at pabalik sa hospital bed

"Nasan na ba tong si Irene. Pano kita iiwan mag-isa dito niyan??"

"Wag..."

"Ha?"

"W-wag mo kong iwan"

Napatulala ako sa sinabi niya. Hindi ko na siya maintindihan.

"Wag kang umalis Nikko please... w-wag kang mawawala please..." sabi niya habang inaabot ang kamay ko

"Pero ano? Hindi ka naman magpapagamot ng andito ako ehh. Ayaw mong makita kitang nahihirapan di ba? Kaya tiisin mo na lang na hindi ako makita. Baka sa ganong paraan gumaling ka"

Nagbukas naman ang pinto maya maya lang

"Hirap maghanap ng gamit mo dai! Jusko!" Irene

"Andyan ka na pala Irene... a-ano aalis na siguro ako"

"Nikko please wag..."

"Oh wag daw sabi ng jowa mo" Irene

"Hindi naman yan yung totoo niyang gusto Irene. Gusto niya wala ako dito. Gusto niyang hindi ko siya nakikita. Mas gusto niyang wala ako sa tabi niya"

"Ano na naman to dai"

"Sorry hindi ganun ang gusto ko Nikko sorry..."

"Kelan balik mo?"

"Hindi na ko babalik..." sabi ko habang nakangiti "ayaw niya talaga ako makita Irene kaya ibibigay ko na yun sa kanya"

"Nikko wag!! Please!!" Nakita kong nagpumilit siya tumayo saka yumakap saken bago pa man ako makahakbang palayo

Hinawakan ko naman ang braso niyang nakayakap saken

"Hindi na kita maintindihan Tin. Ano ba talagang gusto mong gawin ko?? Ano ba talagang kailangan kong gawin para isipin mo ang sarili mo? Isipin mong magpagaling? Ha?"

Rinig ko naman ang paghikbi niya. Hindi siya nagsasalita.

"Tsk. Tama na nga. Wag kang iyak ng iyak makakasama yan sayo ano ba?"

Tin's PoV

Noong panahong naghiwalay kami okay lang yun saken... kinakaya ko noon dahil kahit sa malayo o kahit patago nakikita ko siya. Nakikita ko siyang ngumiti kahit papaano.

Pero nung sinabi niyang siya ang kusang lalayo para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko kaya yun. Hindi ko kayang wala siya, na hindi ko siya nakikita.

Oo na ako na yung tanga. May sakit na nga tanga pa.

"Wag kang umalis please... Nikko please..."

"Hay... yan na ba talaga gusto mo? Pag ba nagstay ako magpapagamot ka na? Pag ba nagstay ako susugal ka na para mabuhay? Kasi kung hindi din naman-"

"Oo Nikko. Oo lahat ng sagot ko. Wag ka nang umalis please. I'm really sorry"

Humarap siya saken at hinawakan ang kamay ko bago nagsalita ulit.

"Hindi ka na tatakas ng ospital?"

Umiling ako.

"Iinumin mo ng ayos gamot mo?"

"O-oo"

"Promise?"

"Promise"

"Haaayy pasalamat ka mahal na mahal talaga kita kahit pasaway ka"

Tapos hinigit niya ako payakap sa kanya. Lalo lang akong naiyak sa ginawa niya.

"Oh? Bakit?? May masakit ba sayo? Love?"

"Sorry Nikko... I'm really sorry..."

"Ssshh tahan na. Tsk. Makakasama yan sayo baka mamaya yung doktor mo na magalit saken niyan"

"Aalis ka pa rin ba??"

He cupped my face before telling me "hindi na po. Kasi magpapagaling na yung girlfriend ko"

"Nikko..." sabi ko na lang saka yumakap ulit sa kanya

L.O.V.E. - Love... Our Very EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon