Tin's PoV
"Love..."
"Love... kapit lang ok? Gagaling ka. Gagaling ka. Nararamdaman ko yun"
I smiled.
"Love you should learn to live without me"
"Ano na naman to Tin? Babalik na naman ba tayo sa ganitong usapan?"
"Kayanin mong wala ako Nikko..."
"Bakit ba palagi mong pinipilit yan ha?! You know I can't do that!"
"Nikko patapusin mo muna ako"
"No! Anong gusto mong sabihin?! Na masanay akong wala ka kasi mamamatay ka na?! Ang dali naman non masyado sabihin Tin!"
"Alam mo paimikin mo yung tao" ate Lei
"Pero ate! Aray bakit may pambabatok?! Aren't we serious here???"
"Seryoso nga! Hindi mo naman kasi pinapatapos!!" Ate Lei
"Ano ba kasi yon?!"
"Galit ka ba?"
Nakita ko namang medyo huminahon siya.
"No, love. Hindi ako galit sayo. Hindi ganun yun"
"You know how much I love you right?"
"Of course love"
"So kahit mawala ako siguro naman panghahawakan mo yun?"
"Ano ba Tin-"
"Just answer me. Yes or no?"
"O-Of course yes"
"So dapat kayanin mo kahit mawala ako"
"Tin..."
"Dapat kayanin mo kahit wala ako sa tabi mo. Ituloy mo buhay mo. Live a normal life. Gumraduate ka. Maghanap ka ng trabaho"
He was about to cry ng ituloy ko sasabihin ko
"Kayanin mo. Kayanin mo muna habang wala pa ko"
Nikko's PoV
"What? Anong wala ka pa?"
"Ganito kasi yun love. Me and ate Lei talked"
"Oh? Ate ano pinagsasabi mo sa girlfriend ko??"
"Pasaway tsk. Tin ako na magsasabi pahinga ka lang dyan"
"Diretsuhin niyo na kasi ako!! Ate naman!"
"Magpapagamot si Tin sa Amerika! Pero ang kundisyon hindi ka sasama. Tsk"
"H-ha?"
"You see my dear cousin. May alam akong magaling na doktor sa Amerika. I suggested him to her a month ago pero sabi niya aalamin niya muna ang resulta ng tests dito. She agreed to go to the US para dun magpagamot. Hoping na gumaling siya since wala ngang magawa mga doktor dito"
"Talaga?! Love??" Tumango lang siya bilang sagot
"Pero bakit bawal akong sumama?? I want to be there for you!"
"It'll take years according to the doctor for full recovery, ayaw kong tumigil ang buhay mo dahil saken love"
"P-pero"
"Tiisin mo Niks kung gusto mong magpagamot jowa mo tsk"
"Gano katagal?"
"Hindi natin alam. Depende sa response ng katawan ko love"
"I get to contact you right?"
"Hindi pwede Nikko"
"Pati ba naman yun?!"
"Kagaya nga ng sabi ko. You have to live your life love. Hindi mo magagawa yun when you always have contact with me"
"Kaya ko naman love. Wag namang no contact..."
"Para sayo din naman yun love... please? I wanted to live for you, but you should learn to live without me too. Hindi pwedeng umikot ang buhay naten sa isa't isa lang love. There's a lot more out there"
"So you want me to continue my life as if wala ka? As if hindi ka nasa delikadong estado? As if you're nothing? Ganun ba yun?"
"Babalik naman ako love"
"Pero kailan??"
"I know you'll wait for me. Kahit gano pa yun katagal"
"Love... I wanna be with you"
"I'll come back love. Pangako"
"Kelan ang alis mo?"
"Next week ang flight namin paUS. Though hindi ako magtatagal dun she will be accompanied by my nanny there. Sabi ko nga sina tita na uusapin ko ayaw naman niya" ate Lei
"Why?"
"Masyado na kong makakaistorbo sa inyo Nikko. Sabi ko nga wag na ko bantayan kasi kaya ko naman pero ayaw ni ate Lei"
"Coz you're already a family to us love. Ayaw ka naming pabayaan. Can't you just let us do that?"
"Salamat love pero maiintindihan mo naman sigurong ayoko na nakatali yung buhay niyo sa pag-aalala at pag-aalaga saken. Just in the few weeks na andito ako you spent almost everyday of that with me. Binabantayan mo ko. Kayong tatlo nina Irene. Sobrang nagpapasalamat ako don Nikko"
"Okay lang naman samin ehh"
"Sakin love hindi. Tumitigil ang buhay niyo dahil saken. Ayoko nun"
"Love..."
"Love, listen. Salamat sayo at kay Irene I... I found the will to live. I honestly didn't want to do this. Pati yung pagpunta ng abroad. Pero nakita ko paghihirap niyo para saken. Para lang mabuhay ako. Kahit hindi ko naman deserve..."
"You deserve everything love... believe me."
Bumuntong hininga siya.
"Love... let me do this for us? Gusto kong mabuhay. Gusto ko nang mabuhay. Pero hayaan mo munang lumaban ako mag-isa. I need to do that to fight better. Na ang iisipin ko lang is babalik pa ko dito. Babalik pa ko... sayo"
"May magagawa pa ba ako?"
Sa sobrang panghihina umiling na lang siya. Pinilit niya din iangat ang kamay niya papunta sa mukha ko.
"Let's... spend this last week happy? Can we? Gusto ko yun baunin sa US"
"Sure love. Sure we will"
"Thank you" she mouthed before closing her eyes while holding my hands.
"We'll start tomorrow okay? Shall we?"
Tumango na lang siya at ngumiti.
Gagawin ko na lahat ng pwede kong gawin para mapasaya siya... sa huling linggo na makakasama ko siya. Kahit pansamantala lang parang... ang hirap. Pero kakayanin ko. Kakayanin ko kasi gusto niya to. Kakayanin ko kasi para din sa kanya to. Kaya ko to. Kaya mo to Nikko
BINABASA MO ANG
L.O.V.E. - Love... Our Very End
FanfictionThe feelings faded from the first time. Will love still be able to get them back? Will love be the finish line for two broken hearts to be whole again? Or it will never be able to reach that line? What if the things you thought that was never there...