Day 1 of 5 of letting you go
Hindi ko alam bakit ko ginagawa to. But I guess I need to. Walang kasiguraduhan ang pagbalik mo. Walang kasiguraduhan kung kailan. Kung ako ang tatanungin gusto kong sumama. Gusto ko makita ka. Pero ayaw mo. Ayokong ipilit ang bagay na ayaw mo lalo na kung makakahadlang to sa paggaling mo. Sana lang ipangako mo saken na babalik ka. Na makikita pa rin kita. Kahit ilang taon pa yan hihintayin kita. Maghihintay ako dahil mahal na mahal kita.
I brought her flowers and chocolates. Those were two of the things na laging nagpapasaya kay Tin.
"Pag umalis ka pano na kita bibigyan nito?"
"Ipunin mo. Para pagbalik ko mas madaming bulaklak ang makikita ko. Isa kada araw ganon haha"
"That would make my house more than a flower shop love lalo na kung taon ka magtatagal"
"Mas gusto ko yon. Kahit lanta mas gusto ko yon"
"Ok fine. Basta ako lang dapat magbibigay sayo ha? Ako lang pwede. Ate Lei pakisabi sa nanny na magbabantay kay Tin ha?"
"Nako oo na"
"So protective love haha"
"Of course. Ako lang dapat. Ako lang naman love mo di ba?"
"Oo naman. Ikaw lang"
Day 2 of 5 of letting you go
Bakit ang bilis ng oras? Padalwang araw na agad? Ayoko pang matapos yung limang araw. Ayoko pang umalis ka. Ayoko pero kailangan. Pilit kong inihahanda ang sarili ko pero kahit ilang beses yata ako maghanda, kulang. Babalik ka naman ng buhay di ba? Babalikan mo naman ako di ba? Hay. Mahal na mahal kita. Sobra.
Day 3 of 5 of letting you go
2 days na lang aalis ka na. Ngayong araw na to pinilit nating maging masaya. Kahit kitang kita kong nahihirapan ka. Salamat. Salamat dahil lumalaban ka love. Salamat dahil tinitiis mo ang sakit at pinipilit mong maging masaya para masaya lahat ng babaunin mong alaala. Babalik ka ha? Nangako ka na babalik ka. Buhay at masigla. At magaling na. Konting panahon na lang aalis ka na. Konting panahon na lang pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya na wala ka. Mamimiss kita ng sobra love. Mahal na mahal kita.
Day 4 of 5 of letting you go
Sa pagbilis ng oras sa paglala ng sakit mo. At sa pagbilis ng oras ay siya ding paglapit ng pag-alis mo. Huling araw na bukas. Huling araw na makakasama kita. Huling araw na masisilayan ko ang mukha mo. Sana bumalik ka agad. Sana gumaling ka na. Araw araw, minu minuto ipagdarasal kita. Na sana bumalik ka na ng masigla. Na sana okay ka na sa susunod na tayo ay magkita. Tin, sana mag-iingat ka. Kasama mo pa rin ako lumalaban. Kahit hindi tayo magkita. Mahal na mahal kita.
Day 5 of 5...
I don't wanna say goodbye. Coz it isn't goodbye. It's see you soon. Tonight, you're leaving. Tonight I'm letting you go for your healing. I just hope someday, I'll see your smiling face again. The smile that made my heart melt and fall into your being. Again and again my heart remains yours, forever Tin. I love you and I'm letting you go.
I'll be waiting, even if it takes forever. I'll be waiting for your return. I love you and my heart will forever be yours.
"Goodbye love"
"No. See you soon Tin. See you soon. I love you"
"I love you too"
BINABASA MO ANG
L.O.V.E. - Love... Our Very End
FanfictionThe feelings faded from the first time. Will love still be able to get them back? Will love be the finish line for two broken hearts to be whole again? Or it will never be able to reach that line? What if the things you thought that was never there...