14

456 30 0
                                    

2 years later...

Tin's PoV

Eto na ko. Bumalik na ko Nikko. Sana... sana nahintay mo pa ko.

More than 2 years was so long. So long na ilang linggo pa lang nung nag-abroad ako gusto ko nang umuwi. Sabi ko sa doktor ko sa US kung pwedeng ituloy ang medication sa pinas kahit pansamantala lang. Gusto ko lang masilayan si Nikko.

Nagpumilit akong umuwi some time after pero hindi kinaya ng katawan ko. I became comatose for weeks. Sabi ng nanny ni ate Lei, it lasted for more than a month.

Nung hindi bumubuti ang kondisyon ko sabi niya saken tumawag siya kina ate Lei, pero si Nikko ang sumagot. When she heard his voice itinapat niya ang telepono sa tenga ko para daw ako yung makarinig ng sasabihin ni Nikko.

No one knows if it's a miracle or what pero the next day after the call daw, I was awakened from comatose.

The doctors thought hinihintay na lang na bumitaw ang puso ko sa pagtibok but then I woke up and no findings can tell how it all happened. Pero ako ang alam ko lang dahil yun kay Nikko. Dahil sa sinabi niya ng panahong yon.

After that I continued with all the treatments and stuff which lasted for a year. Yes. Last year pa ako cancer free pero hindi muna ako umuwi. Gusto ko pagbalik ko okay na okay na ko. Masigla na at wala na talagang sakit. So I took the year to fully heal and recover. At ngayon nga, I'm back. Andito na ulit ako sa Pilipinas.

Today is Nikko's graduation sa school namin. I really chose this day to show up to him. Pero hindi muna ako agad agad lumabas. I was inside the taxi when I saw him. He's happy. Naiisip mo pa rin ba ko Nikko? Tanggap ko kung may nakita kang iba. Hindi kita masisisi dun. Pero sana masaya ka.

When I heard the ceremony start saka ako bumaba ng taxi. I quietly stood up there watching everyone from my batch mates graduate and live their dreams from now on. Masaya ako para sa kanilang lahat. Kahit hindi ako nakasabay, masaya ako para sa kanila.

Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko habang patapos na yung seremonyas. Hindi ko alam pano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya pagkakita niya saken. Pero nanatili lang akong nakatayo dito sa labas ng gym.

Nikko's PoV

"Ang tagal tagal matapooos" sabi ni Aira. Transfer student siya last year na napakadaldal na makulit pa.

"Graduation na nga lang napakamainipin mo pa rin tss"

"Pake mo ba mr patience cheee"

"Ewan ko sayo Aira nako"

"Miss mo na no? Miss mo na?"

"Pake mo din ba? Tss." Oo alam niya ang tungkol kay Tin.

"Sagutin mo na lang!!"

"Oo syempre. Adik ka ba?"

"Mas adik ka. Antagal tagal kaya walang paramdam nung jowa mo"

"Manahimik ka na nga lang dyan pag tayo nasita kung kelan graduation gugupitin ko bangs mo"

"Not my bangs asshole! Tss. Oo na tatahimik na!"

Martir ba kung hinihintay pa rin kita Tin? Siguro nga. Pero wala akong pakialam. Basta alam kong babalik ka. May tiwala ako na babalikan mo ko.

L.O.V.E. - Love... Our Very EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon