Wala kaming pasok ngayon at as usual.Ito na nama ako at nakahiga sa kama ko at....Nag babasa matic na yun kapag wala akong pasok.
Ako lang mag isa ngayon sa bahay dahil nga sa pumunta si Dianne sa concert ng mga koreano nya kuno
(-/-)
Mabilis kong natapos ang librong binabasa ko dahil sa walang isturbo sakin ngayon.Tumayo ako sa pag kakahiga at ibinalik ang librong tapos ko na basahin sa bookshelve na pinagawa ko bago kami lumipat dito.Ang dami ko nang libro at bibilang na lang sa daliri ang hindi ko nababasa dito..
Kinuha ko ang laptop na nasa study table namin ni dianne saka ako nag log in sa account ko sa facebook.Agad bumungad sa akin ang shared post mula sa isa fan din ng author na iniidulo ko.
-MIBF IS WAVING AT YOU-
Yan yong nakalagay sa shared post nya tapos sa itaas nun ay..
-omygosshh makikita ko na ang asawa ko can't wait to see you ryde baby-
Napairap na lang ako dahil sa nabasa ko..
"ang landi!"inis na sambit ko
Dahil bagot na bagot ay na-stalk ko pati ang sarili ko.Napahinto ako ng makita ang isa kong shared post mula sa isang page may larawan ito ni ryde habang tutok na tutok na nag susulat sa isang libro na pinapirmahan ng isang reader.
Shittt!! Bakit kasi ang gwapo mo!!
Napahawak pa ako sa dibdib ko ng mabilis itong tumibok..
What did you do to me Ryde?..What did you do to make me feel this feeling!...
Bakit ba naman sa dinami dami ng mag papatibok ng puso ko ay doon pa sa taong imposible akong saluhin..Ang dami namang lalaki jan bakit ikaw pa!!
Napakasuntok sa buwan naman nitong na raramdaman ko..Akala ko dati kuntento na ako sa libro lang at sign nya but I realize that I'm not!...I want to be close on him...I want him...
Na pailing ako dahil sa isiping yun.Pinapaasa ko na naman ang sarili ko...
Nag log out ako at binuksan ko naman ang Wattpad account ko kung saan ako nag susulat.Tinignan ko ang mga story na nasa draft ko..Napakarami nito pero ni isa ay wala man lang ako maipublished..Isa isa kong cheneck ang mga gawa ko ang iba pala ay tapos ko ng isulat ang iba naman ay wala pang kalahati.Wala sa sariling clinick ko ang published na nakasulat sa baba ng mga draft sa story ko..Tuloy tuloy lang ako sa pag published hanggang sa matapos kong maipublished ang tatlong story na natapos ko..
Napabuntong hininga na ang ako saka umayos ng pag kakaupo.
Napako ang tingin ko sa isang story ko na nasa draft parin..
"A dream of a fun girl"basa ko sa title nito.I click it to read base sa date na nakalagay dito ay matagal ko na itong naisulat...
"being a fan girl was absolutely happy..Yong tipong sasaya ka pag nakita mo ang iniidulo mo at maiinis kapag may mga nang babash sa kanila!...Nakatawa hindi ba?
But do you really know what is a dream of a fun girl?..
Siguro sa iba sapat na ang makita ang idulo nila but me?..Ang tanging pangarap ko ay magustohan ako ng iniidulo ko....
Impossible right?..
Pero anong magagawa ko iyon ang pangarap ko..Alam kong napaka suntok sa buwan ng pangrap ko pero wala ei umaasa pa rin ako..
Para na nga akong stalker dahil gusto kong makikita sya sa tuwing may MIBF or book signing sya..Nag mumukha na rin akong malandi sa kakamessage sa official account nya..Pero wala lang sakin yun dahil ang mahalaga ay mapansin nya ako..
Malay natin..Mapansin nya rin ako tapos ichat nya ako tapos nun jojowain na nya ako at mag papakasal na kami...And we'll live happily ever after.."napangiwi ako kasabay ng mumunting pag silay ng mga ngiti sa labi ko matapos kong basahin ang panimula nito..
Ibinalik ko ito sa story details doon ko na pansin na mahaba haba na rin pala ang nasulat ko dito..
~kkkrrriiinnngg~
Naibaling ko ang paningin ko sa telepono ko ng mag ring ito.Isinara ko ang laptop ko at saka sinagot ang tawag..
Mabilis na nailayo ko ang telepono sa tenga ko dahil sa ingay sa kabilang linya..
"h-hello?---Ash?"kahit na sobrang ingay ay dinig ko naman ang boses ni dianne halatang sumisigaw din ito dahil sa lakas ng boses..
"yes?"
"h-hello ash?...Letche ang sarap sungalngalin nitong haliparot na to aba!"napakunot ang nuo ko dahil sa sinabi nya
"h-hello ash..Kung naririnig mo ako mauna ka ng kumain ah mamaya pa ako makakauwi ei...Tangna talaga nitong katabi ko isa na lang paplakda to tangna ang harot akala nya ata ei napakasexy nya mukha namag bamuho!"hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi nya..Naiimagen ko tuloy yong itsura nya ngayon na salubong ang kilay habang lumalaki ang butas ng ilong..
Hahahaha..
"sige na enjoy ka jan ah..."pang aasar ko sa kanya..
"tangna pano ako mag e-enjoy ei..Halos malagutan na ako ng hininga dahil sa taba nitong katabi ko kingina ang galaw pa akala mo walang tao sa tabi nya!"napahalakhak ako dahil sa sinabi nya halata talagang naiimbyerna sya sa paraan nya ng pag kukwento.
Napatitig pa ako sa telepono ko ng marinig ko ang pag baba ng telepono nya sa kabilang linya..
Iiling iling na inilapag ko ang cellphone ko sa study table saka lumabas ng kwarto.Alasyete na rin kasi ng gabi..Nag prito lang ako ng hotdog saka ininit iyong adobong baboy na ulam namin kaninang tanghali..Sayang nama kong itatapon..Matapos kong makapag luto kung luto mang matatawag ang pag priprito ng hotdog ay kumain na ako..matapos kong kumain ay saglit na nag linis muna ako ng bahay.Wala rin naman gaanong ligpitin dahil kakalinis ko lang kanina bago ako tumutok mag basa.Pumasok ako sa loob ng kwarto namin saka kumuha ng damit para makaligo...
Ilang oras pa ang lumipas ng marinig ko ng may kumatok sa pinto..
Malamang si dianne na ito..
Pag bukas ko ay hindi nga ako nag kamali sya ng ito.Salubong ang kilay nito saka derederetsong nag tungo sa kwarto namin.
Nakasalampak lang sya sa kama nya mukhang na pagod ata..
Hindi ko na lang sya inistorbo at nahiga na lang din ako..
May pasok pa kami bukas..
YOU ARE READING
🌠A dream of A fan Girl🌠
FanfictionSimple lang ang hiling ko yun ay ang mapansin ako ng aking iniidolo.. Suntok sa buwan para sakin ang magustohan ng lalaking pangrap ng halos nakararami.. But could it really be?posible kaya na ang isang Fan Girl na tulad ko ay magustohan o kahit map...