Ilang linggo ang lumipas at ngayon ay abala ako sa pag iempake ng mga dadalhin ko sa Davao.Nag email si Mrs.E sakin na nag sasabing may book signing daw kami sa Davao.
Nung una ay ayoko sanang pumayag pero pinilit ako ni dianne kesho iyon daw ang unang hakbang sa pag momove on ko kay Ryde at kemekeme...Tsk!...
Sa totoo lang ay hindi ko pa talaga kaya na makaharap sya.Pakiramdam ko kaunting sulyap nya lang ay makakalumitan ko na agad iyong pangako ko na pipigilan ko na iyong nararamdaman ko para sa kanya...
"so pano ba yan happy trip na lang?"napatigil ako sa pag e-empake dahil sa iniusal ni dianne.Marahan kong ipinihit ang katawan ko sa kanya para makita sya.May hawak hawak syang isang gallon ng ice cream at pinapapak iyon.
Tsk! Hindi man lang ako inalok..Mabulonan sana sya..
Suminghap pa ako sa kanya bago mag salita.
"happy trip?"
"ahmm"
"hindi mo ako sasamahan?"
"why would I?"
Anak ng!!
"what? Akala ko ba?--"
"I don't say na makakasama ako..Isa pa kailangan ko umuwe sa amin"
"bakit?"
"anong bakit?"
"bakit ka uuwi sa inyo?"
Nahinto sa ere ang kamay nya na may hawak hawak na kutsara na may lamang ice cream.Ilang sigundo ang lumipas bago nya ito ideretso sa bibig nya.
May problema ba sya sa family nya?
"ahm,w-wala naman...I-I just miss them..."
Liar....
"g-ganun?..Ok ikamusta mo na lang ako kila tita"kahit na gusto kong mag tanong sa totoong rason nya ay mas pinili kong manahimik na lang.I know dianne at hindi ko na sya kailangang kulitin na mag sabi ng totoo kong handa na syang mag sabi ay mag sasabi sya sakin ng hindi pinipilit...
Natapos ang buong araw na wala akong ginawa kundi ang mag empake ng mga dadalhin ko sa pag punta ko sa davao.
Bukas ang alis namin papuntang Davao at hindi ko pa alam kung kasama ba si halley ang sigurado ko pa lang na makakasama ay si Ryde at Cathleen dahil sa post ng isang nag co-coordinate ng isang page na ang mismong admin ay si Mrs.E Inisip ko na baka kasama din sila at hindi lang ipinaalam tulad ko,kasama ako pero hindi nila ki-nonfirm na kasama ako sa book signing kahit na maraming nag tatanong.
Alasyete na ng gabi ng matapos akong mag ayos ng mga dadalhin ko tapos na rin kaming makakain ng haponan ni dianne at kasalukuyan kaming mag kaharap na parang mga timang.
Tahimik lang kami at hindi ako sanay sa ganun dahil palaging may topic si dianne ngayon ay nakakapanibago dahil tahimik lang sya at parang sobrang lalim ng iniisip nya.Napabuntong hininga na lang ako saka inabot ang laptop ko.
Hindi ko kasi alam kong papano ko sya iko-comfort.Saming dalawa ay si dianne ang hindi maopen pag dating sa problema nya..Although ganun din ako kung minsan ay sya talaga ay malihim sa aming dalawa minsan ay mag sasabi lang sya ng problema kapag hindi na nya talaga kaya...
Napabuga na lang ako ng malalim na hininga bago ipinag patuloy ang pag kalikot ko sa laptop ko.Hindi ko talaga alam kong saan ako dadalhin ng mga daliri ko.
"anong gagawin mo pag nag kita kayo ni Ryde bukas?"napapitlag ako dahil sa tanong nya.
Para namang naging kami ni Ryde..Grabe..Anong ibig nyang sabihin sa gagawin?....
YOU ARE READING
🌠A dream of A fan Girl🌠
FanfictionSimple lang ang hiling ko yun ay ang mapansin ako ng aking iniidolo.. Suntok sa buwan para sakin ang magustohan ng lalaking pangrap ng halos nakararami.. But could it really be?posible kaya na ang isang Fan Girl na tulad ko ay magustohan o kahit map...