🌠Chapter 31🌠

17 2 1
                                    

"Nandito na tayo...."hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kabuoan ng bahay ni mang Erwin habang inililibot ko ang aking mga mata.

"wow...what a nice house..."usal ni cathleen sa tabi ko maging ako ay gusto kong paulanan ng papuri ang bahay ni mang Erwin..Medyo makaluma na kong titignan maging ang mga gamit nito ay halatang mga antigo.Ang bahay nila ay puros gawa sa kahoy at fly wood ang digdig ngunit hindi iyon masagwang tignan bagkos ay nakakamangha pa ito..Malaki rin ang bahay nila at maihahalintulad ko iyon sa isang mansion ang kaibahan lang ay hindi tulad ng ibang mansion na gawa sa semento o bato dahil tulad ng sinabi ko gawa sa kahoy ang buong bahay...

Pakiramdam ko tuloy ay nabalik ako sa sinaunang panahon dahil sa bahay nato..

"maupo muna kayo"natinag ako sa pag iisip ng muling marinig si mang Erwin doon ko lang namalayan na nasa isang malawak na sala na pala kami..

Nakakamangha dahil maging ang mga upoan ay gawa rin sa kahoy tulad ng upoan sa mga sinaunang palabas na napapanuod ko hindi nakaligtas sa paningin ko iyong pinaka-center table nila sa sala ma gawa rin sa kahoy.Makikita na sobrang luma na niyon dahil sa kulay nito ang tanging nag papaganda lang doon ay iyong vase na nakapatong sa gitna nito na may bulaklak na kulay puting rosas..

"pasensya na sa bahay namin hah..Sana ay mag enjoy parin kayo sa pamamalagi rito"ani ni mang Erwin na mababakas ang hiya sa kanyang pananalita..

"ayos lang mang Erwin,ang ganda nga po ng bahay nyo..."papuri ko sa bahay niya hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil talagang nakakamangha ang bahay niya...

Iilan na lang kasi ang may ganitong bahay ngayon halos sa mga na daanan namin ay puros mga bato na ang bahay at mangilan ngilan na lang ang bahay na gaya ng bahay nila mang Erwin.

Nakita ko ang pag silay ng tuwa sa mga mata ni mang Erwin dahil sa sinabi ko..

"teka..Mang Erwin parang hindi naman kayo nag hihirap sa laki ng bahay nyo bakit nag dra-driver pa kayo?..I mean don't get me wrong pero ang iba kasi ay nag papahinga na lang sa ganitong bahay nila pero ikaw?..Bilib din ako sayo mang Erwin ah.."sambit ni cathleen na mas nag palawak ng tuwa sa mga mata ni mang Erwin.parang nahihiya pa sya dahil sa natanggap na papuri mula kay cathleen....

Nakakatuwa bigla ko tuloy na alala si papa...

"sa inyo po ba ito mang Erwin?...Nakakamangha kasi ang mga gamit dito,luma pero astig tignan para tuloy akong nasa sinaunang panahon"sabat ni kuya Gio na sinang ayonan ko naman nang pag tango

"ah..Mula pa ito sa mga kanuno-nunuan ko...Naipinamana naman sakin ng mga magulang ko bago sila na wala nag iisa akong anak kaya wala akong kaagaw..Hahaha sa totoo lang ay ayaw rin talaga ako pag trabahoin ng mga anak ko pero ako ang nag pumilit nakakalungkot naman kasi mag isa rito at pag masdan ang mga bulaklak ng yumao kung asawa sa hardin nya..K-kung gagawin ko iyon ay malulungkot lang ako kaya mas minabuti ko na maging driver doon ay nakakarating pa ako sa iba't ibang lugar...'ramdam ko ang lungkot sa mga mata ni mang Erwin ng mabangkit ang yumaong asawa..

Alam ko...Dahil alam ko kung ano ang pakiramdam ng maiwan mag isa..

Kaya nga mas pinili ko ang lumayo sa amin....

"I'm sorry to heard that"paumanhin ni kuya Gio.Nginitian naman sya agad ni mang Erwin sabay iling iling bago mag salita..

"ano ka ba ijo..ayos lang,saka matagal na rin iyon..halos 19 years na ang nakalipas ng iwan nya ako"mabilis na nangunot ang nuo ko dahil sa sinabi nya kung hindi ako nag kakamali ay sinabi nyang 45 na ang edad nya kung 19 years na ang nakakalipas mula ng mawala ang asawa nya ibig sabihin...

🌠A dream of A fan Girl🌠Where stories live. Discover now