"a-ate ang gand mo ng libro nyoo nakakilig po saka nakakaiyak"
"ate Broken_Angel pa picture naman po?"
"ate pa dedicate naman po sa susunod na update nyo sa on going story nyo iyong...The dream of A fun girl?.."
"ate ang ganda po ng mga libro nyooo hindi po ako nag sasawang ulit ulitin"
Napapangiti na lang ako sa tuwing maririnig ang mga komento ng mga tulad ko at minsan naman ay kabataan na nakapag basa na ng mga akda ko..
Hindi ko alam na ganito pala ka sarap sa pakiramdam iyong makakatanggap ka ng mga magagandang feed back galing sa mga mambabasa mo?...
Hindi ko tuloy maiwasang maalala na dati ay tulad nila ako na nag aabang lang din ng mga book signing at MIBF para lang makita ang iniidulo nila...
Sinong mag aakala na ang dating reader na tulad ko ay isa na ring manunulat gaya ng mga iniidulo ko..
"naks naman ang haba ng hair ng kaibigan ko may mga nag papapicture na.. Parang kailan lang nung ako lang ang nag aayang mag papicture sayo tapos ngayon oh..To the highest level ka na teh..At dahil jan ililibre mo ako dahil ginutom mo ako sa pananaway sa mga makukulit mong reader para kuyogin ka ng yakap.."napatawa na lang ako dahil sa sinabi ni dianne ito kasi ang kauna unahang book signing ko at talaga namang napakaraming tao dito at tulad ng sinabi ni dianne hindi na sya mag kamayaw kakasaway sa mga kabataang gustong lumapit sakin para mag papicture,sign,at dedicate...
"oo na po...Malapit na ang break time don't worry"kinindatan ko pa sya na ikinangiwi nya lang kaya bahagya akong napatawa...
May mga author din akong nakikita dito pero....
"oh?..Hindi mo makita nuh?"napamaang ako dahil sa sinabi ni dianne.
"h-hah?..Sino?"
"anong sino? Kung tuktokan kaya kita nitong libro mo...Pa inosente dai?"she said full of sarcasm
-/-
Kahit kailan talaga.....
"teh?..An jan ba si Ryde?"nanlaki ang mata ko dahil sa tanong nya dun sa babaeng nakapili sa line para mag papirma sakin.Sa tantya ko ay nasa 16 pa lang ito.
"h-hoy anong pinag sasabi mo jan?"bulong ko sa kanya na hindi nya pinansin dahil dun pa rin sya nakatingin sa kausap nya
Damn this girl!
"ah si kuya Ryde po ba?"
"ay hindi teh si Road nanjan ba?"siniko ko sya dahil sa sinabi nya..
Lumalabas na naman pagiging pilosopo..
"hahaha joke lang pinapatawa lang kita ang ganda mo kasi kyut mo..So nanjan ba kako si Ryde?"bahagyang namula yong bata dahil sa complement nya pero agad din namang nakabawi saka sinagot ang tanong ni dianne
"a-ah opo..Nakita ko po sya hindi kalayoan ang booth nya dito sa inyo in fact ka gagaling ko lang po dun ito nga po yong book na pinasign-an ko ah-"tas pinakita nya iyong libro iyong bagong published nyang libro...
"hehehe ang galing naman ng batang ito tinatanong ko lang kung naanjan si Ryde aba'y ang daming sinabi hehe"kinurot ko ang tagiliran nya dahil sa sinabi nya baka marinig sya..
Napakawalang filter talaga ng bunganga nya...
"hahaha thank you sige ikaw na"sambit nito dun sa bata na kaagad namang sumunod sa kanya.
"hayyy...Salamat makakapag pahinga na rin"sambit ni dianne saka nag unat unat.Naisandal ko ang sarili ko sa monoblock na kinauupoan ko dahil sa pagod..
"ngayon mo dapat ako ilibre dahil ko lang pa ang 30 minutes kanina para mapawi ang pagod ko"sambit nya habang ibinibend ang likuran nya.Mula kasing umaga ay puros 30 minutes lang ang ibinibigay sa aming break saktong pang kain lang at tuloy na naman.
"tsk! Oo na grabe maka reklamo ka naman"
"ay anong gusto mong gawin ko? Mag pasalamat ako kasi napagod ako ngayong araw?"
"oo na nga papakainin ka na nga diba? Ang ingay mo para lang yong sirang radyo eh"sinamaan nya ako ng tingin pero syempre hindi ako nag patalo..
"hahaha so ikaw pala iyong bagong Author?...Broken_Angel right?"natigilan kami sa pag papalitan ng masamang tingin ni dianne dahil sa nag salita sa harapan namin.Sabay pa kaming humarap sa kanya.
Sya si halley De Gozman kilala bilang hellinium_DG..Isa sya sa mga author na tinitingala ko dahil sa galing nyang gumawa ng teen fiction.
Maganda sya at hindi maipag kakaila na ang dami nyang taga hanga bukod sa mga reader nya...
Sya din iyong tinutokso para kay Ryde..
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot dahil sa isiping iyon...
Anong laban ko dun ei maganda sya talented pa ako ito..Parang ewan...
"a-ah oo sya nga"si dianne na ang sumagot alam nya kasi ang tungkol dito na ikuwento ko kasi sa kanya.
"I see..Ahm total tapos na ang book signing..Why don't you come with us guys?..Sumabay na kayo samin mag luch"nakangiting sambit nito.
Tatangi sana ako dahil panigurado kasama din si Ryde pero naunahan na naman ako ni Dianne
"sige basta libre--a-aray!...Ano?"pinandilatan ko sya dahil sa sinabi nya
Parang tanga amp. -/-
"hahaha sure my treat"walang pag aalinlangan nitong sambit
"a-ah naku wag na--"
"no treat ko talaga..Hmmm hanggang ngayon kasi ay nasa top 10 parin ang story ko..Celebrate lang kumbaga"
"ah kung ganun manlilibre din sila Ryde?"nakita ko ang pag iiba ng aura ni halley sa sinabi ni dianne
"nasa top 2 kasi ang akda nya"paliwanag ni dianne pilit ang naging ngiti ni halley sa kanya bago mag salita.
"ah depende kung gusto nya..So ano sasama ba kayo?"wala na akong nagawa ng pumayag si dianne sa alok ni Ms.Halley
Damn it!!
Palibhasa ay hindi sya ang nasaposisyon ko.
Nilamon ang buong sistema ko ng matinding kaba dahil sa isiping muli kong makikita si Ryde pero this time ay hindi na limitado tulad ng mga book signing na napupuntahan ko.
Ngayon ay makakasama ko pa sya kumain..
My godddd...
A-at makikita ko na ang mukha nyang masyadong ilag sa marami...
Ang ewan ng pakiramdam ko.Parang naiihi ako na ewan..
Or should I say..
Kinikilig ako...
YOU ARE READING
🌠A dream of A fan Girl🌠
FanficSimple lang ang hiling ko yun ay ang mapansin ako ng aking iniidolo.. Suntok sa buwan para sakin ang magustohan ng lalaking pangrap ng halos nakararami.. But could it really be?posible kaya na ang isang Fan Girl na tulad ko ay magustohan o kahit map...