🌠Chapter 11🌠

2 0 0
                                    

"oh ano na namang mukha yan hindi ka ba natutuwa at finally pag katapos ng isang buwan ay mag kikita ulit kayo ng Ryde mo?"napabuntong hininga ako dahil sa sinabi nya.

May meeting daw kasi kami ngayon dahil sa meet and greet na gaganapin sa makalawa at isasabay na ang pag lu-launch sa on going na story ko.

"manahimik ka na nga lang jan!"I mumble.

"oh"napakunot ako ng may iabot syang puting papel sa akin...

Ano namang gagawin ko jan...

"papel yan na may nakasulat syempre may nag papabigay daw sayo"mas lalong napakunot ang nuo ko dahil sa sinabi nya...

"kanino naman?"walang ka ide-ideyang tanong ko sa kanya.

"sakin...Sakin galing ibinibigay ko nga oh---arayyy!"

"lokaloka ka! Kanino kako galing sino nag papaabot"

"kailangan may pa batok hah?"

"ei mukhang kailangan mo ei.."inismiran nya lang ako saka naupo sa tabi ko at muling hinablot ang puting papel sa kamay ko.

"kakasabi ko lang diba?...May nag papabigay lang daw..In short hindi ko din alam uso kasi basa para malaman kung kay nino galing"sarkastikong sambit nya saka binuklat ang papel.

"h-hey?...I was wondering if you're  reading my letter..I saw you yesterday but I couldn't have a strength to introduce my self to you..I hope makita kita ulit kita so I can introduce my self to you....And one thing ***************----ano to hindi man lang gumamit ng erasertape"napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi nya...

Pero sandali lang? Nakita nya ako....

Saan naman....

"akin na nga yan"hinablot ko sa kamay ni dianne iyong sulat at saka muli itong binasa napakunot pa ang nuo ko dahil sa bura burang nakita ko sa bandang dulo...

Tinignan kong muli iyong sulat at tulad noong mga natatanggap kong letter ay may nakadrawing ding pakpak sa bandang dulo nito...

Ang weird....

"ano kinikilig ka na ba hah?"panunukso ni dianne sakin na talagang kinurot kurot pa ang tagiliran ko.

Parang tanga....-/-

"bat naman ako kikiligin aber?"

"hindi ba nakakakilig naman talaga iyong nag papadala sayo ng sulat na yan?...Duh? Manhid ka kong hindi ka man lang kinilig isa pa sinusulyap sulyapan ka nya..Whaaa...And I'm sure I love you or I like you ang nakalagay jan sa buradong sulat nya sa ibaba...Yeeiii ako kaya kailan ako papakasalan ng baby taehyung ko.."napapangiwi na lang ako dahil sa mga sinasabi nya.

Napailing na lang ako muli saka sya iniwan.

Grabe hindi lang kinilig manhid na agad hindi ba pweding wala naman talagang nakakakikig dun...

"alam mo bakit hindi kaya hanapin mo iyong taong nag papadala sayo ng love letter na yan...Feeling ko gwapo sya..."

-_-

Ayan na naman sya...

"bakit hindi na lang ikaw ang gumawa nun nuh?"

"kung ako lang ang binibig yan ng letter bakit hindi?"

"seriously?"

"wala naman masama kong kikilalanin mo sya"

"oo pero diba dapat sya ang mag pakilala?...Aba hindi naman ako manghuhula para makilala ko kong kanino galing yang mga letter na yan"

"yeah...Yeah...Yeah...Ewan ko sayo basta if I we're you kakaibiganin ko sya if mag pakilala na sya sayo."

"fine ng matahimik na yang kaluluwa mo!"sarkastikong sambit ko.

San ba kasi sya pinag lihi ni tita at na pa ka kulit nya...

"sure na yan...."

"oo na!....But don't expect to much!"kita ko ang pag irap nya dahil sa sinabi ko.

"yeah fine"napipilitang pag sang ayon nito...

Hindi ko rin naman kasi maitatangi na naco-curious na rin ako kung sino ang nag bibigay sakin ng sulat na iyon...

"nga pala anong dahilan ng meeting nyo bukas?"tanong ni dianne sakin.

Pareho kaming nasa hapag kainan at kumakain ng dinner.

"ah..Tungkol sa meet and greet na gaganapin at sa book signing na din"paliwanag ko habang pinag papatuloy ang pag kain.

"ah..Eh saan naman daw gaganapin"muling tanong nya mabilis kong nilunok ang kinakain ko bago sya sinagot.

"hindi ko pa alam iyon at ang pag uusapan bukas..."tumango tango lang sya sakin saka na nahimik at ipinag patuloy ang pag kain.

Matapos naming mag hapunan ay sya na ang nag presintang mag hugas ng pinag kainan namin.Hindi naman na ako umangal at sinabing papasok na ako ng kwarto.

Inabot ko ang aking laptop na nasa ibabaw ng maliit kong kama at saka ako prenting naupo.Binuksan ko muna ang wattpad account ko saka tinignan ang mga notification nito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ang daming nag babasa ng mga akda ko.Parang kailan lang ay nasa draft ko lang ang mga ito at inaamag.

Hindi mawala ang mga ngiti ko sa labi ng mabasa ang napakagagandang komento ng aking mga reader sa istorya ko.Mas dumami na rin ang follower ko di tulad ng dati na mabibilang lang sa daliri ngayon ay umaabot na ng million.

Hindi ko tuloy maiwasang mag taka kung bakit napakabilis naman yata ng pag sikat ng mga istorya ko.

Matapos kong i-check ang Wattpad account ko ay binuksan ko naman ang account ko sa facebook tulad ng inaasahan ko ay napakaraming message,friend request at maging sa notification ko ay dinagsa.Saglit ko lang na tinignan ang mga ito pero napako ang tingin ko sa isang message.

-hi?..Haha naisip ko na iadd ka pero mukhang mali ata ako ng diskarte its been a week hindi mo pa ako ina-accept-

Kunot ang nuo ko ng binabasa ko ito.Agad kong inistalk pero mukhang dummy account ang gamit nya na mas nagpakunot ng kilay ko.

Seriously?..

Why did he need to add me with his dummy account?...

Kung hindi ako nag kakamali ay siya rin iyong nag papadala ng sulat sa akin...

If he really want to be friend on me why don't he ask it personally?

Hindi iyong ganito..

Nag mumukha syang creepy...

"hoy...Ano yan hah?"

"ay palaka kang kambing!"nagulat kong sigaw ng bigla na lang sumulpot sa tagiliran ko si dianne..

"what the hell! Are you trying to kill me?"singhal ko sa kanya na ikinatawa nya lang

Baliw....

"napakaseryoso mo naman kasi ano ba yan?"she ask saka sumilip sa laptop ko.Inis na hinayaan ko lang sya tapos ibinalik ko ang paningin sa laptop..

O___O

W-what the hell...

Nanlaki ang mata ko ng makitang na confirm ko sya....

Damn it!....

🌠A dream of A fan Girl🌠Where stories live. Discover now